Chapter 75

4 0 0
                                        

Third person POV

5 years ago

Nakailang lakad at balik si Lyn sa harap ng isang malaking gate. Sa loob nito ay isang malawak, maganda at malaking bahay.

"Dodoorbell na ba ako?" tanong nito sa sarili. Huminga ito ng malalim saka pinindot ang doorbell.

Agad may nagsalita na kinagulat niya.

"Ano po iyon maam?" Hinanap niya iyon pero wala naman siyang makita sa paligid.

"Sino ka?" tanong nito na may takot at kaba sa dibdib.

"Gwardiya po dito. May kailangan po kayo?" dagdag tanong nito.

"Ah o-opo. Kung pupwede ko bang makausap si Senior Del Valle?" Hiling nito.

"Ano ang pangalan?"

"Marilyn Gutierrez."

"Saglit lang po." Makalipas ang ilang minutong pag-aantay ay binuksan na ang gate. "Pasok na po kayo."

Pumasok si Lyn na mangha sa mga nakikita sa paligid.

"Wow. Totoo ba ang mga yan?" Mangha niya sa halaman at disenyong nakikita niya sa labas palang. Punong puno ito ng makukulay na bulaklak na para bang alagang-alaga ang mga ito.

"Opo. Dito po ang daan. Sa unang pintuan ay kumatok po kayo doon. Naroon po ang Don Rodante."

Tumango ito.

"Salamat po." sagot nito at pumasok. Hindi niya matanggal tanggal ang mata sa mga nakikitang gamit. Mamahalin at kumikinang sa presyo panigurdo.

Kumatok ito sa pintong sinabi sakanya kanina. Sa dalawang beses na katok ay may nagsalita hudyat para pwede na siyang pumasok.

Pagkapasok niya doon ay agad siyang pinaupo ng senior na sa ngayon ay nasa sofa nitong may binabasa.

"Magandang gabi po." Magalang na bati ni Lyn.

"Kung para sa kapatid mo kaya ka pumunta dito ay hindi ko babawiin ang sinabi ko. May rason ako kung bakit ko ginawa iyon." 

Bahagyang yumuko ito nang mabatid ng Don ang pakay niya.

"Alam ko pong mali ang ginawa ng kuya ko pero sana huwag niyo siyang tanggalin sa trabaho niya. Siya nalang po ang -" natigil si Lyn sa pagsasalita ng may nilabas si Senior Del Valle na itim na bag.

"Kunin mo ito. Makakatulong iyan sa inyo. Pagkatapos nito ay huwag ka nang magpakita o ang pamilya mo sa akin." Tumayo ang Senior at kinuha ang tungkod at aalis na sana nang magsalita si Lyn.

"Gusto ko sanang magpasalamat pero parang ang unfair po kasi. Ang unfair sa side nang kuya ko na siya na tong ginamit, siya pa itong masama." tumulo ang luha ni Lyn nang binanggit niya ang mga katagang iyon. Para siyang winawasak.

"Kung nanatili lang siya sa trabaho niya, walang mangyayari at lalabas."

"Pero hindi po iyon ang dahilan para paalisin niyo siya sa trabaho niya." bahagyang tumaas ang boses nito.

Nilingon siya ng Senior.

"Driver siya ni Ken pero naging mata naman siya ni Precsila. Nagmukha siyang traydor sa anak ko kung titingnan mo. Aware ang kapatid mo sa nangyayari sa pamilyang ito. Nililinis ko lahat ng gulo at issue pero anong ginawa ng kapatid mo, lalong pinalala. Lalong gumulo. Kaya minarapat ko nalang na paalisin siya at baka kung ano pa ang magawa ko." kuyom at nanginginig sa galit ang Senior habang sinasabi ang lahat ng iyon. "Umalis ka na at baka magbago pa ang isip ko." pagtitimpi nito.

"Hindi ko matatanggap ang laman ng bag. Salamat nalang ho."

"Kung hindi mo kukunin, sa anak niya ko nalang to ibigay."

Fated to be YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon