Chapter 41

5 0 0
                                        

Via

Biglang kumirot ang ulo ko nang magising ako. Napahawak ako dito at inantay hanggang sa mawala. Minulat ko ang mata ko. Noong una ay medyo malabo ang tingin ko sa paligid. Dahan dahan akong tumayo. Napansin kong may suot na akong malaking tshirt na haba hanggang taas ng tuhod ko.

Dahil sa masakit pa ang ulo ko ay dahan dahan akong lumakad at lumabas ng kwarto. Nang makita ko ang ref ay agad ko itong binuksan at naghanap ng tubig. Nakita ko ang pitsel at kinuha ito. Nilagay sa mesa at kumuha ng baso at uminom. Medyo naginhawaan ako at naibsan ng kaunti ang sakit ng ulo ko.

Nang imulat ko ng mas maayos ang mata ko ay para akong nabuhusan naman ng malamig na tubig. Kaharap ko lang naman si tita Lianee at sir Ken na takang takang pinapanood ako ngayon.

Napalunok ako ng sarili kong laway. Parang tumaas ang init sa mukha ko at ang hiya ko ay nagparamdam sa akin.

Bumukas ang pintuan at nilingon ko agad iyon. Si Kian na kakarating at natigilan din ng madatnan akong nasa kusina. Tiningnan niya sila mama niya na ngayon ay nagtatanong ng tingin sakanya.

Para tuloy akong nawalan ng lakas ng loob at kailangan kong bumalik sa loob ng kwarto niya. Hindi ko maalala ang lahat. Kung paano ako napunta dito at bakit ganito ang ... wait, sino nagbihis sa akin? Tiningnan kong muli si Kian.

"Kailangan niyo atang ipaliwanag sa akin ito mga anak." agad akong napatingin kay tita ng magsalita siya. Kalmado ang tono pero nanginginig na ang mga tuhod ko.

"I'll explain ma." agad ding sagot ni Kian. Tiningnan niya ako at binigyan niya ako ng kalmadong tingin.

Lumapit siya sa akin at giniya ako sa mga upuan na kaharap sila tita at sir Ken.

Medyo nahiya pa ako kay Sir Ken at ayos na ayos ang bihis nito samantalang ako ay parang galing sa bakbakan. Medyo hinila ko pababa ang damit at bahagya kong sinuklay ang buhok ko para maging maayos lang ito sa harap nila at nakisama naman.

"Lasing po siya kagabi." agad na kwento ni Kian na kinatingin kong gulat sakanya. Agad agad? Wala man lang intro? Lasing kaagad?

Nagulat din si tita sa akin.

"Umiinom ka Via?" tanong ni tita sa akin.

Umiling ako.

"N-napasubo lang po kagabi dahil sa isang kaibigan po. Pero hindi po talaga ako umiinom. First time lang po kagabi. At saka ilang baso lang po iyong ininom ko." binilang ko sa daliri ko ang maalala kong basong ininom ko. "apat lang po."

"At nalasing ka na?" hindi makapaniwalang tanong ni tita. Nahihiyang tumango ako. "Mabuti at nakita ka ni Kian kagabi." Medyo may panermon ng tono.

"Dahil sa akin din po kaya siya naglasing." Dagdag ni Kian na kinatingin ko sakanya.

"Ha?" Tiningnan ako ni Kian. Humalukipkip din si tita.

"Dahil inaway ka ni Trisha at napaupo ka nang di mo alam kung sino ang kumuha sa upuan mo. Nagalit ka rin sa akin dahil matagal akong dumating at walang nangligtas sayo." saad niya.

Paano niya nalaman iyon?

"Paano naman napalitan ang suot mo iha?" agad na pansin ni tita sa suot ko.

Napakurapkurap akong tiningnan ang suot ko. Oo nga. Paanong napalitan ang suot ko kung kagabi ay nakadress ako. Biglang namilog ang mata ko at tiningnan si Kian.

Umiwas ng tingin si Kian na para bang humuhugot ito ng lakas ng loob para ipaliwanag ang nangyari.

Napatakip agad ako sa katawan ko.

"Ako po nagpalit."

Halos hindi kami makapaniwala ni Tita sa narinig habang si Sir Ken ay nakangiti na para bang proud na proud pa sa ginawa ni Kian.

Fated to be YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon