Kian
Halos mapadaing ako sa mga suntok at sipa na binibigay sa akin. Lumabas ang pulang likido sa bunganga ko habang nakahiga ako. Nanghihina at wala akong lakas. Hiniwalayan na ako ni Via kaya wala na akong rason para mabuhay pa.
Siya nalang ang natitirang pag-asa at rason ko kung bakit patuloy akong lumalaban ngayon. Kung bakit nandito pa ako.
"Napatay mo ata pre." Narinig kong sambit ng isang lalaki na isa sa mga nagpahirap din sa akin ngayon.
"Hindi naman malakas yung pagkakapalo ko." kinakabahang sagot ng kausap.
"Putek. Malalagot tayo dito. Icheck mo." utos ng isa.
"Ikaw na. Baka bawian ako eh." takot ng kausap.
"Kahit kailan ka oh. Iwanan nalang natin. Mukhang humihinga pa naman." Saad ng isa at narinig ko silang naglakad palabas hanggang sa narinig ko ang pintong sinara.
Minulat ko ng kaunti ang mata ko pero malabo ang nakikita ko.
"Via." sambit ko sa pangalan ng mahal ko at kirot sa dibdib ko ang naramdaman ko hanggang sa nawalan ako ng malay.
Pagkagising ko ay nasa isang kwarto na ako na puro puti ang nasa paligid. Mula sa kurtina, pader at maski sa hinihigaan ko. Nilibot ko ang paligid at ako lang mag-isa ngayon dito. Nasa hospital na naman ba ako?
Dahan dahan akong bumangon at naramdaman ang sakit ng katawan ko. Mula sa dibdib, mukha at mga kamay at paa ay puro pasa. Pinagpyestahan na naman ako ng tatlong gagong iyon.
Aalis na sana ako sa higaan ng bumukas ang pinto. Napatingin ako doon. Niluwa ang isang matandang lalake. May tungkod na hawak ang isang kamay. Makikita ang pagkadisente at strikto sa mukha. Na para bang sinisigaw ng postura niya na sambahin siya.
Mariin niya akong tinitigan. Lumapit ito kasabay ng pag-alalay ng tungkod nito sakanya. Rinig ang bawat ang hakbang na tanging iyon nalang ang nagbibigay ng tunog sa buong paligid.
"Is that what you want? Beaten up so many times para magtino at sumunod lang sa mga sinasabi ko? Halatang hindi ka napalaki ng ina mo sa magandang asal and you keep on disobeying me. I won't tolerate that kind of attitude of yours young man." Nilapag sa kama ang passport kasama ang isang ticket na nakaipit doon. "Go to New york with Chealsey." Maawtoridad niyang utos.
"I won't." Lakas loob kong sagot.
Salubong ang kilay niya akong nilingon at aabamangan na sana ng tungkod niya para ihampas sa akin ng dumating si Chealsey.
"Lolo!" awat niya at agad na lumapit dito at binaba ang tungkod.
"Pagsabihan mo yang pinsan mo! Kung pupwede ay putulan mo rin ng sungay ng alam sumunod!" Sigaw nito at padabog na lumabas.
Tumayo na agad na kinaalalay sa akin ni Chealsey pero agad ko ring iniwas.
"Kian." tawag sa akin ni Chealsey.
"I thought you were different." walang emosyon ang mata kong tiningnan siya. "But I was wrong. Pare-parehas kayong lahat." Tinanggal ko ang nakalagay sa kamay ko.
"Don't remove that Kian." Pigil niya.
"Get off." banta ko saka siya iniwan at pumunta ng CR.
Nang nasa loob ako ay agad kong sinandal ang katawan ko sa pader. Tiningnan ko ang itsura ko sa salamin. This is not the life I'm dreaming to have. Hindi ko hinangad na maging kabilang sa angkan nila at hindi ko rin pinangarap na mailagay sa position na kokontrolin nila ang paraan ng pamumuhay na gusto ko.
I was contented and happy until that man, my father came back. Binalik kami kung saan daw kami nakabibilang pero I refused. Kahihiyan lang ang ilabas ako bilang illegitimate child ng magaling nilang anak habang kasal ito sa ibang babae at may anak na kaedaran ko at iyon ang kinasama niya ng ilang taon habang kami ng mama ko at naghirap dahil sa mga threat ng magaling niya ama.

BINABASA MO ANG
Fated to be Yours
Fiksi PenggemarSa paghahanap ni Via ng hustisya para sa nilakihang magulang ay malalaman niyang ang dating kasintahan na si Kian na minahal niya noon ay tagapagmana pala ng pamilyang plinaplano niyang sirain. Kaya niya kayang ituloy ang nasimulang plano o hahayaan...