Chapter 40

2 0 0
                                        

Kian

"Where are they?" tanong ko kay Dale. Halos napuntahan na namin lahat ng bar o mga kainang may inuman pero hindi namin sila mahanap.

Nasa loob na kami ng sasakyan niya at kanina pa ako nag-aalala.

Hindi sana ako tumagal kung hindi ako kinausap ng isang prof kong bakla. He endorse me to some other teachers na kasama niya. Wala akong masyadong naintindihan sa mga sinasabi niya tungkol sa akin pero alam kong tungkol yun sa performance ko.

Hawak ko parin ang isang water bottle ng mineral para ibigay kay Via. Nang hindi na ako makatiis ay nag-excuse na ako at sinabi kong nag-aantay ang girlfriend ko. Noong una ay hindi agad ito nakapagsalita na para bang nabigla at hindi agad naniwala sa sinabi ko at nakatingin lang sa akin.

"You may go Kian." Aniya ng isang kasama nila.

"Thank you maam." Sagot ko at nag-excuse na sakanila.

I'm in a hurry when Trisha blocked my way.

"Hi Kian." bati niya pero hindi ko na yun inabalang sagutin at iniwasan siya.

Mas maganda na yung iwasan ko siya para hindi na lumala ang issue sa amin at masaktan pa si Via.

"Kian!" napalingon ako ng marinig ko ang boses ni Dale. Lumapit ito sa akin.

"Kararating mo lang?" tanong ko.

"Kanina pa, at kanina pa kita hinahanap." Nagsalubong ang kilay ko.

"Bakit?" taka ko.

"Si Via." Agad akong sumeryoso ng banggitin niya ang pangalan ni Via na parang may nangyari.

"Bakit si Via." mahinahon ko pang tanong.

"Umalis na siya." imporma niya na kinataranta at takbo ko.

"Kian! Wait lang!" tawag niya at sumunod sa akin.

Nilibot ko agad ang paningin ko sa paligid kung andon pa siya pero hindi ko na makita ang presensiya niya. Tinuloy tuloy ko pang naglakad palabas ng school.

"Sumama rin si Andrea sakanya kaya huwag kang mag-alala." saad ni Dale.

"Ano ba ang nangyari bakit siya umalis na hindi man lang sinasabi sa akin." naiinis kong tanong.

"Hindi namin alam. Basta ang nakita namin kaninang pagpasok namin ay nakaupo na siya sa sahig." Agad ko siyang tiningnan.

"Nakaupo sa sahig?" taka ko.

"Oo. Nang alalayan namin ay agad na siyang tumakbo palabas. Sinundan namin siya pero si Andrea na ang nagtuloy nang maalala kita." kwento niya.

Nasa gate na kami at nilibot ko ulit ang paligid at nagbabakasakaling makikita ko pa siya.

"Sir. May nakita po ba kayong dalawang babaeng lumabas galing sa loob? Yung isa ay maliit pero cute na mahaba ang buhok tapos yung isa eh ... paano ko ba ilarawan si Via. Maliit din si Via eh na mahaba at may bangs ang buhok?" hindi siguradong panlalarawan niya. "Basta dalawang mukhang dwende ang height kung napansin niyong dumaan." Salaysay niya.

"Dwende?" tanong ko.

"Meron kanina pero kanina pa umalis." imporma ng guard.

"Saan pumunta?" sabay namin ni Dale na tanong.

"Doon." turo niya sa kaliwa.

Nagtinginan kami ni Dale pagkatapos. Hindi doon ang daan pauwi.

"Ano po ang sinakyan nila?" agad kong tanong.

"Nagtaxi sila." agad akong kinabahan.

"Saan naman pupunta ang dalawang yun?" walang idea na tanong ni Dale.

Fated to be YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon