Chapter 74

4 0 0
                                        

Via POV

Nakakainis talaga yung Trisha na yun. Alam na nga na out yung bola hinabol at tinira pa. Edi sa kabila ang points dahil hindi rin naman pumasok yung tira niya. Nakakasakit sa ulong kateam ito. Masyadong pasikat.

Badtrip kong tinapon ang sumbrero ko sa upuan. Tiningnan ko ang paligid para hanapin si Kian pero hindi ko siya mahanap.

"Via! Next game na! Doon tayo sa swimming pool." tawag sa akin Nadine.

"Saan yung swimming pool dito?" hanap ko.

"Doon sa resort nila ofcourse. Halika na." Excited nitong hila sa akin.

"Wait lang, kunin ko lang yung gamit ko." Agad kong kinuha ang mga nilapag kong gamit sa inupuan ko kanina.

Pagdating namin doon ay naroon na ang ibang mga kateam namin. Lumingon ulit ako sa paligid pero hindi ko parin makita si Kian.

"Trisha? Andito ba si Trisha?" Tawag ni Marco. Siya nag team leader namin sa Red.

4 groups lang kami. Yellow, green, Pink at Red.

"Nag CR daw." Aniya ni Adelfa.

"Kanina pa yun ah." pansin ni Guia.

"Baka kinarma dahil siya nagpatalo sa atin kanina." sabat ni Hiedi.

"Hoy, bunganga mo, baka may magsumbong sayo." sagot ni Guia sakanya.

"Hello guys." napalingon kami lahat sa bagong dating. Si Dale.

"Oh, new member of our team?" tanong ni Alfred.

Tinanggal nito ang shade niya.

"Oh my gosh! Ang sharap." bulong sa tenga ko ni Nadine.

Agad akong napakamot sa tenga ko dahil biglang nangati sa hininga niya at kinilabutan din sa narinig.

"Obvious ba? Nakared tshirt ako." confident nitong sagot kay Alfred.

"Ayy ang suplado ni fafa." bulong na naman ng katabi ko.

"Okay okay. In a minute ay mgstart na tayo." pagreready sa amin ni Marco. Inexplain niya ang next activity namin. Nang kasalukuyan na ang game ay saka lumabas si Trisha na nakangiti. Sa likod nito ay si Kian. Kumunot ang noo ko. Magkasama sila at halos magkasunod pang pumasok dito?

"Via. Hawakan mo kamay ko nang hindi ka mahulog." saad ni Dale sa akin habang tumatawid kami sa isang madulas na daanan na mukhang nilagyan ng sabon.

Humawak ako dito para kumapit. Hindi ko na pinansin ang reaction ni Kian pero sigurado akong sa amin siya ni Dale nakatingin ngayon.

Nang matapos ang game ay agad kaming nagsibalikan sa pwesto namin. Biglang nagcramps ang paa ko kanina kaya hindi ako masyadong makatayo pero hindi ko nalang pinahalata sa mga kasama ko. Isa pa ay nanalo din kami kaya masayang masaya ang mga kasama namin.

"That's it for today guys. You look all enjoy it. The next 3 games will be tomorrow and the awarding too." Announce ng isa sa mga facilitator. "Get ready para sa beach party mamaya. Wear your best Hawaiian beach suit niyo. Kita kits later." at nauna nang umalis.

Dahan dahan akong tumayo at aalis na sana nang humabol si Dale sa akin.

"Di pa naman ako late diba?" aniya nito na kinatingin ko sakanya.

"On time ka naman kasi hindi pa tapos lahat ng team buildings." sagot ko.

"Magkakasama pa naman kami diba?" dagdag niya na kinatigil ko. Tumigil din siya at nilingon ako. "Umaasa pa ako Via na magkakabalikan pa kami. Susuportahan mo ba ako?" Nakangiti itong nakatingin sa akin. Hindi agad ako nakasagot sa tanong niya pero nakikita ko sa mata niya ang sincere nitong pakiusap.

Fated to be YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon