Chapter 65

3 0 0
                                    

Via

Napabangon ako na wala sa oras ng tumunog na alarm sa phone ko. Mabigat ang mata, magulo ang buhok at halatang napilitang gumising at bumangon. Napakamot ako sa ulo habang nakapikit parin ang mata ko na halos hindi ko maimulat.

Pilit kong inabot ang phone ko sa ibabaw ng mesa sa tabi ng kama ko hanggang sa mapahiga muli ako. Nang maramdaman ko ang lambot ng kama ko ay nahila ulit ako ng antok.

"5 minutes lang." bulong ko saka ngumiti at hinila ng antok.

Napabalikwas ako nang tumunog muli ang phone ko sa alarm nito. Every 15 minutes lang naman ang pagitan kung hindi ko mapatay sa unang alarm kaya para akong nabuhusan ng malamig nang makitang 30 minutes na ang nakakalipas. Nakaligtaan at hindi ko narinig ang sumunod na alarm kanina.

Agad akong kumaripas papuntang banyo at naligo. Mabilis narin akong nagbihis at hindi na kumain at agad na akong lumabas ng apartment ko. Pagkasara ko ng gate ay biglang tumunog ang cellphone ko at bumungad ang pangalan ni tita Lyn. Agad ko itong sinagot habang nagmamadali akong pumunta sa bus stop.

"Hello po tita." Sagot ko habang nagmamadali ako ng lakad.

"Oh Via, kamusta ka na. Hindi ka na nakatatawag ah." Aniya niya.

"Medyo busy lang po tita." sagot ko nang paliko na ako sa kanto.

"Marami parin bang nag-oorder sa shop niyo ni Gail? Mukhang malaki laki ang kita niyo ah kung ganun."

Napabagal ako ng lakad. Hindi pa alam ni tita na sa Del Valle na ako nagtratrabaho. Minsan ko na kasi yan sinabi sakanya noong isang taon pa pero pinagbawalan niya ako. Huwag na daw buhayin ang nananahimik na nakaraan noon ngayon. Mas lalong lalala daw kapag hinalungkat kong muli. Kaya ang pag-apply, at pasok ko dito ay tanging si Gail lang ang nakakaalam at ngayon ay dalawa na sila ni Elthon.

Alam kong gusto lang lumugar ni tita sa tahimik na buhay at igalang nalang ang pagkamatay nila papa at mama pero masakit parin sa akin na hindi ko talaga nalalaman kung sino at paano namatay lalo na at may hint ako. Andito na ako kaya hindi na ako aatras pa.

"Tita-" naputol ang sasabihin ko ng marinig ang iyak ni Lily.

"Tatawag nalang ako mamaya Via. Ingat ka." Saka nito pinatay at binaba ang tawag.

Napabuntong hininga ako. Alam kong magagalit si tita pero ano pa nga bang aasahan kong magiging reaction niya kung hindi iyon. Para tuloy akong pumasok sa isang kuweba na hindi ko alam ang lalabasan. Napabuga ako ng hangin sa mga halo halong iniisip ngayon at pag-aalala.

Ilang minuto pa ang nakalipas ay dumating na ang bus at sumakay na ako. Tiningnan  ko ang oras at mag iisang oras na akong late.

Di bale at wala namang magagalit kung sakali dahil natatapos ko naman on time ang mga pinapagawa nila sa akin.

Nang makarating ako sa mismong building ay halos patakbong lakad akong pumasok. Kumaway nalang ako kay Jane na sinalubong ako ng napakatamis niyang ngiti.

Nang makarating ako sa mismong office namin ay hindi ko mahalagilap ang ilan sa mga kasama namin dito. Taka man ay hindi ko na pinansin. Mas napansin ko pa ang ilang mga bagong folder na nasa table ko. Nilagay ko ang coat ko sa sandalan ng upuan ko at sinabit ko naman ang sling bag ko sa sabitan sa cubicle ko.

Tinaas ko ang kamay at braso ko bilang warm up ko bago ko binuksan ang comuputer at mga folder na nakapila para sa maghapon. Magtatype na sana ako ng marinig ang ilang hagikgikan ng mga kasama ko mula sa labas at may mga dala dala pang mga basong kape sa kamay.

"Ang lalaki ng braso tapos ang lapad ng balikat. Parang ang sarap tuloy yakapin mula sa likod." Nag-iimagine na tugon ni Nadine.

"Baliw. Hanggang pangarap ka nalang kay boss. Ako nga nakatabi ko pa na halos magkadikit na yung mga kamay kung hindi lang siya humalukipkip." singit naman ni Adelfa na ngingiti ngiti pa.

Fated to be YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon