Via
Nakarating ako sa apartment pasado 2:30 am na ng madaling araw. Sobrang napagod ako. Bente pesos nalang din natira sa pera ko. Kakasya pa kaya ito sa pamasahe kong pupunta ng office bukas?
Bubuksan ko na sana ang pinto ng tumunog ang phone ko na agad kong kinuha sa bag ko at pangalan ni sir Ivan ang nagpakita doon.
"Hello po sir."
"Salamat Via." napangiti ako at sumandal sa pader na katabi ng pintuan ko.
"Ako pa po dapat ang humingi ng tawad sa inyo dahil sa ginawa ng tita ko. Alam ko pong malaking kasalanan ang ginawa niya sa inyong mag-asawa. Ang pagkuha at paglayo ng anak niyo sa inyo ay mabigat na para sa inyo bilang magulang. How much more sa bata na maghahanap yan balang araw ng totoong magulang kung malalaman niyang hindi siya totoong anak nito."
Yan ang bagay na hindi ginawa noong nalaman kong ampon ako. Bukod sa napakaswerte ko na at ramdam ko ang pagmamahal ng mga nilakihang magulang ko ay hindi na ako naghangad na hanapin pa ang mga ito.
"Malaking sakripisyo ang ginawa mo ngayon Via. Hayaan mo at babawi kami sayo kapag kailangan mo ng tulong namin." Napangiti ako.
"Salamat po sir. Pasensiya narin po at agad na po akong umalis kanina."
"Ayos lang Via. Kasalukuyang kinukuhanan ng dugo ang asawa ko ngayon. Masaya kami. Masayang masaya. Salamat ng marami Via."
"Salamat din po sa inyo sir."
Hindi rin nagtagal ang pag-uusap namin ay nagpaalam na kami sa isa't isa.
Nang makarating ako sa bahay nila sir kanina ay kwinento ko lahat ng mga nalaman at nadiskobre ko. Agad kaming pumunta sa hospital kasama ang mga pulis. Nalaman din namin na ang asawa ni Sir Ivan ang kadugo ni Lilly at siya na ngayon ang nagdonate dito. Umamin din si tita sa pagkuha niya kay Lilly pero tikom sa kung anong rason na ginawa niya ito. Alam kong galit si tita sa akin kaya hindi na ako nagpakita kanina at umuwi nalang. Pinangako rin sa akin nila Sir Ivan na kukunin din nila si Maine para tulungan ito at katulungan din sa pag-aalaga kay Lilly habang nag-aadjust ito sa bagong tahanan at sa piling nang kanyang tunay na magulang.
Pagkahawak ko sa door knob at sususian na sana ng mapansing bukas ito. Agad akong kinutuban. May nakapasok ba dito?
Dahan dahan kong binuksan ang pinto. Inopen ang switch ng ilaw. Halos mapatalon ako sa gulat ng makitang nakaupong natutulog si Kian sa sofa. Napahawak pa ako sa dibdib at agad sinara ang pintuan.
Lumapit ako dito at tiningnan kung tulog na tulog. Bigla na naman akong nalungkot. Ang inosente at maamo nitong mukha kapag natutulog ay lalong nakapagpadurog sa puso ko. Nasaktan ko na naman siya.
Hahawakan sana ang pisngi nito nang agad niyang hawakan ang kamay ko na kinagulat ko. Agad niyang minulat ang mata nito at tiningnan ako.
"K-kian." kinakabahan kong sambit sa pangalan niya.
Tatayo na sana ako ng bigla niya akong hilain rason para bumagsak sa katawan niya. Halos naramdaman ko ang matigas nitong katawan.
"What takes you so long to go home. Kanina pa kita inaantay." His rugged voice chills my ears. Naamoy ko rin ang alak sa hininga nito.
Bahagya akong umangat.
"Uminom ka?" tanong ko dito.
"Did I?" balik naman sa akin.
Napatingin naman ako sa position kong nakapatong sakanya. Nag-init agad ang mukha ko.
"Amoy na amoy sa hininga mo na nakainom ka." reklamo ko dito at tatayo na sana ako ng bigla niya akong yakapin.

BINABASA MO ANG
Fated to be Yours
Hayran KurguSa paghahanap ni Via ng hustisya para sa nilakihang magulang ay malalaman niyang ang dating kasintahan na si Kian na minahal niya noon ay tagapagmana pala ng pamilyang plinaplano niyang sirain. Kaya niya kayang ituloy ang nasimulang plano o hahayaan...