Via
Napahawak ako sa ulo ko ng biglang kumirot ito pagkagising ko. Dahan dahan akong bumangon at tiningnan ang paligid. Wala na ako sa hospital at nasa mismo ko nang kwarto.
Pinagpipilitan kasi nilang sa hospital muna ako pero ayaw ko. Mas gusto ko nalang ang umuwi at dito sa bahay makapagpahinga.
Hindi narin ako nakapagbihis kagabi. Agad akong pumasok sa CR at naligo. Nang mahimasmasan ay tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. May sugat sa pisngi ko na palatandaang hindi ako na nanaginip sa nangyari kahapon.
Ang tanging maalala ko lang kahapon ay ang pagsakay sa taxi at sumunod non ay nawalan na ako ng malay. Sumunod na gising ko ay nasa kalagitnaan kami ng traffic at mukhang hindi rin umuusad. Bumangon ako at tiningnan ang paligid. Nang mapansing gabi na ay nataranta ako.
Kinausap ko si kuya driver na bababa na ako pero bigla niya akong hinila sa buhok rason para matumba at mauntog ako sa may kabilang pintuan ng sasakyan. Sumunod non ay bigla niya akong sinampal at naramdaman ko ang matulis na bagay na dumapo sa pisngi ko. Unti unting nawalan ako ng malay dahil sa lakas ng pagkakauntog ko.
Pagkagising kong sunod ay nasa isang mabahong bahay na ako. Nakahiga sa isang kahoy at tanging papag na kama. Nakatali palikod ang kamay ko at may tape ang bibig ko.
Wala rin siya sa loob na yun. Sinubukan kong tanggalin ang tali pero masyadong mahigpit. Nilibot ko ang paligid kung may pwede akong gamitin para matanggal ito. Nang makita ko ang yerong nakausid sa gilid ay sinubukan kong tumayo pero maski mga paa ko rin pala ay nakatali din.
Naiiyak na ako ng mga oras na yun. Gusto kong humingi ng tulong pero kanino? Wala ang cellphone ko sa akin. Malayo din ako sa mga kaibigan ko. Malayo rin ako sa mga magulang ko.
Nawawalan na ako ng pag-asa. Paakiramdam ko ang huling pagkakataon ko na ito. Kung nakapagpaalam lang sana ako ng maayos kay mama nung umalis ako pero hindi eh.
Bati na nga kami ni Lalaine pero may tao namang nagtatangka sakanya. Si Jarus. Hindi ko pa siya nakakausap. Si Kian ... (humagulgol na ako) hindi pa ako umaamin sakanya na gusto ko siya! Sana naman ay bigyan pa ako ng Diyos nang isang pagkakataon para mabuhay at aayusin ko na ang buhay ko. Aayusin ko ang relasyon ko sa mga kaibigan ko at aamin na ako kay Kian para wala akong pinagsisihan sa huli.
Napatingin ako sa pintuan ng may dumating at biglang dumagundong ang dibdib ko ng nginisian ako ng mamang driver kanina na ngayon ay siya ang kumidnap sa akin.
"Mmmm mmmmm!"
"Tumahimik ka na diyan at wala akong naiintidihan." sagot niya at nilagay sa plato ang mga binili niyang pagkain at tinapon ang plastic sa labas.
Nang makabalik ito ay tiningnan ako. Ngumisi ito at lumapit sa akin. Kinatitigan ako. Mula ulo hanggang paa. Ang masaklap ay bahagyang nakataas ng kaunti ang palda ko at medyo kita ang hita ko. Nadapo ang mata niya doon at ngumisi.
Bigla akong natakot. Mas lumakas ang tibok ng puso ko. Papakinggan pa kaya ako sa request ko na pangalawang buhay?
"Mmmmmm!!!!" impit kong sigaw ng hawakan ako sa hita ko.
"Huwag kang maingay. Titikman lang kita. Papatakasin din kita pagkatapos." namilog ang mata ko.
Noway! Ayaw kong madungisan ang pagkababae ko bago ako mamatay.
Hahalikan na sana ako sa leeg ng may biglang dumating. Para akong nabuhay ng loob ng makita ko si Kian. Galit ang mukhang nakatingin ngayon sa lalaking kumidnap sa akin.
"Sino ka!" tanong pa nito pero bigla siyang nilapitan ni Kian at hinampas sa ulo ng kahoy.
Napasigaw ako at napapikit. Hindi ko masikmura ang nakakakita ng ganitong eksena na halos patayin ang tao sa harap ko. Napaiyak ako. Natakot. Maya maya ay naramdaman kong may yumakap sa akin. Si Kian. Niyakap niya ako ng mahigpit habang umiiyak ako.

BINABASA MO ANG
Fated to be Yours
FanfictionSa paghahanap ni Via ng hustisya para sa nilakihang magulang ay malalaman niyang ang dating kasintahan na si Kian na minahal niya noon ay tagapagmana pala ng pamilyang plinaplano niyang sirain. Kaya niya kayang ituloy ang nasimulang plano o hahayaan...