Via
Kinabukasan ay maaga akong nagising. Walang pasok ngayon. Naabutan ko rin si mama na nagluluto. Bigla kong naisip si Kian at si tita Lianee. Kung dalhan ko rin kaya sila doon ng pagkain para hindi na sila bibili pa sa labas.Umiling ako. Baka iba ang iisipin ni Kian kapag parati na akong dumadalaw sakanya. Napaisip ako. Hindi rin. Kasi may part akong dapat bumawi kasi ako ang dahilan bakit siya nahospital. Tiningnan ko si mama.
"Ma, pwede ko po bang bigyan ng pagkain iyong kaibigan kong nahospital? Para hindi na sana sila bumili pa sa labas ng pagkain nila." aniya ko.
"Sige at marami naman akong niluto. Ikaw na maghanda. Pupunta ka ba ngayon?" tanong sa akin.
"Opo ma."
Agad kong kinuha ang ilang baunan at naglagay ng kanin at ulam. Naglagay narin ako ng ilang prutas at tinapay para may kinakain kung sakaling magutom.
Nang maayos ko ang lahat ay agad na akong naligo at nagbihis. Kumain saglit at nagpaalam na. Pagkalabas ko ay nakita ko agad si Gail na bihis na bihis. Parang may pupuntahan.
"Via!" tawag sa akin at kinawayan ako. Lumapit ako dito.
"Saan ang lakad mo?" tanong ko nang naglalakad na kami.
"Sa bahay ng isang classmate namin. Birthday kasi ng kuya niya. Nagyaya. Nakakahiya namang tumanggi." ngiting ngiting kwento niya.
"Sigurado ka bang birthday lang ang punta mo don? Baka ang kuya niya talaga ang pakay mo." tudyo ko.
"Ano ka ba, kasama narin don." malanding sagot niya. Natawa ako.
"Baliw." tumatawang sagot ko.
Nagtaxi na itong sumakay habang ako ay nagbus naman. Pagkarating ko sa hospital ay agad akong dumeretso sa room kung nasaan sila Kian. Pagkapasok ko ay agad kong natanaw ang isang likod ng babae na nakaharap sa kama ni Kian.
Lumapit ako hanggang sa makita ako ni tita Lianee.
"Oh Via. Halika." tawag sa akin ni tita.
Nilingon naman ako ng babae at bahagya akong nagulat ng makilalang si Trisha pala ito. Mataray ang matang nakatingin sa akin pero paghumaharap naman kina tita at Kian ay parang kung sinong bait baitan at nakangiti.
"Excuse me." paalam ko dahil humaharang lang naman siya sa dadaanan ko.
Gumilid ito.
"Ano iyan iha?" Nakangiting tanong ni tita sa dala ko.
"Pagkain po tita. Para hindi na kayo bibili sa labas." imporma ko.
"Naku, salamat. Pati si Trisha ay dinalhan din kami ng mga prutas."
Natigil ako at napatingin din sa isang basket ng prutas sa gilid ng upuan.
"Walang anuman po iyon tita." rinig kong sagot ni Trisha sa likod ko. "Gumaling lang po si Kian."
Napairap ako at nilabas ang mga baunan ng pagkain. Bigla akong nakaramdam ng inis. Tiningnan ko si Kian na ngayon ay nagbabasa ng libro. Nakikiramdam?
"Salamat iha. Upo ka muna at nang hindi ka mangawit diyan." alok ni tita sa isang upuang hawak niya at dinala pa sakanya.
Sinundan ko ito ng tingin.
"Naku, huwag na po. Sanay na po akong nakatayo. Don't mind me tita." magalang niyang sagot.
"Sige na at nang hindi sumakit ang paa mong nakatayo." lumingon ito kay Kian. "Anak. Kausapin mo ang bisita mo. Mamaya na iyan." Imporma nito sa anak.
"Ayos lang po ako tita." sagot na naman niya.
"Ayos lang po ako tita." panggagaya ko sa mahinang paraan na ako lang ang makakarinig sabay irap ko.
Tumikhim si Kian na kinatingin ko sakanya. Nagbabasa parin ng libro.
"Masakit ba ang lalamunan mo nak?" tanong ni tita. Umiling si Kian.
"Hindi ma." sagot niya.
"Baka po need niya ng water tita."
Kumunot ang noo ko na naman sa pabida bida niya.
"Baka need niya ng water tita." panggagaya ko na naman sa mahinang paraan.
Tumikhim ulit si Kian. Napatingin ulit kami sakanya. Kumuha si Trisha ng tubig at binigay kay Kian.
"You need to drink water Kian." aniya nito sakanya.
Tumingin siya saglit sa akin at tinanggap naman ang alok nitong tubig sakanya.
Tumalikod ulit ako.
"You need to drink water Kian." panggagaya ko sabay irap.
"Thank you." sagot ni Kian ng makainom ito.
Lalong nag-init ang ulo ko.
"Ako na diyan Via at mag-usap-usap muna kayo." agaw sa akin ni tita sa ginagawang pag slice sa mga apples.
"Po?"
"Sige na." Pinaupo pa ako sa isang upuan na katabi ng kama ni Kian.
"Ano naman pag-uusapan namin?" bulong ko.
"Oo nga pala. Before I forgot. Yung presentation natin, pili nalang ang isasali and you are one of them Kian." nakangiting imporma nito.
Tumingala ako at kunwaring walamg naririnig sa usapan nila.
"How about Via." biglang tanong ni Kian na kinatingin ko sakanya.
Tiningnan din ako ni Trisha pero may ibang ibig sabihin ng tingin niyang iyon. Parang napilitan?
"Ofcourse, isasali ko siya." pilit niyang ngiti at ramdam kong wala talaga ako sa mga napiling magprepresent.
Tumango si Kian saka tumingin sa akin. Umiwas naman ako.
Ilang minuto pa ang lumipas at wala nang nagsasalita sa aming tatlo. Binusy ko na ang sarili ko sa pagcecellphone habang si Kian ay binalik naman ang sarili sa pagbabasa. Si Trisha naman ay hindi mapakali at waring nag-iisip kung paano niya makakausap si Kian ng matagal.
Habang nagcecellphone ako ay napadpad ako sa gallery ko at nakita kong muli ang larawan ni Kian na nakangangang natutulog. Napatawa ako ng mahina na kinatakip ko rin sa bunganga ko ng nilingon nila akong nagtataka sa reaction nila.
Ilang minuto ulit ang lumipas ay wala na talagang nagsasalita.
"Tumahimik ata kayo." pansin ni tita. Binigay sa amin ang tig-iisang bowl na may slice na apples at ilang halong prutas din.
"Aalis narin po ako tita. May pupuntahan pa pala po ako." imporma ni Trisha at tumayo na ito.
"Meryenda ka muna." alok ni tita sakanya.
"Salamat nalang po tita. Inaantay na po kasi ako. Mauna na po ako." pagmamadali niya at tumingin pa kay Kian. "Pagaling ka Kian." Muli itong nagpaalam kina tita na hindi ako tinapunan ng tingin at umalis na ito.
Lihim akong ngumiti at kinain ang prutas na nasa bowl ko.
"Maiwan ko muna kayo saglit at may bibilhin lang ako saglit sa labas." bilin ni tita.
Nang makaalis si tita ay binaba ni Kian ang libro at tiningnan ako.
Nilapag ko naman ang cellphone ko sa mesa.
"Narinig ko yun." aniya nito.
Kumunot ang noo ko habang ngumunguya ng kinakain.
"Ang alin?" litong tanong ko.
"Inuulit mo ang sinasabi niya kanina."
Natigil ako sa pangunguya. Umiwas ako.
"Masarap." tukoy ko sa kinakain kong prutas at iwas nadin sa sinabi niya.
Ngumiti lang ito sa reaction ko at kumain nadin. Wala na siyang ibang sinabi o dinagdag. Kaya pala tumitikhim siya kapag inuulit ko ang sinasabi ni Trisha.
Maya maya ay tumunog ang cellphone ko. Parehas kaming napatingin doon at kinuha ko agad. Si Gail ang tumatawag.
"Sagutin ko lang." Excuse ko.
Lumabas ako sa mga telang pagitan at sinagot ko ang tawag ni Gail. Halos ilayo ko ang tenga ko ng marinig ko ang matinis na pagtili nito sa kabilang linya.
"Via! Gusto ko nang himatayin dito! Ang gwapo ng kuya ng classmate ko! Shocks! My gosh!"
"Hoyy umayos ka nga diyan!" Paalala ko dito.
"Maayos naman ako ah. Siyempre kailangan kong magpakahinhin muna para kunwari hard to get daw." Natawa ako.
"Feeling mo naman tipo ka niya." pangbabara ko.
"Hoyy! Malay mo naman nagandahan siya sa akin noh." pagtatanggol niya.
"Oo na. Umayos ka diyan para hindi ka nakakahiya."
"Maayos naman ako ah. Lalo na kapag kaharap ko siya ay dapat maayos ako. Shocks. Di ko na keri ito." medyo kinikilig ang tonong sagot sa akin.
Natawa ulit ako.
"Ako itong nahihiya para sayo eh. Mabuti nalang at hindi mo ako kasama noh."
"Mabuti nalang talaga at hindi ka sumama. Baka agaw eksena ka lang kapag nandito ka."
"Wow ah." reaction ko.
"Babush na. Magpapansin lang ako sa kuya ng classmate ko. Bye bye." paalam nito saka pinatay ang linya. Umiling akong natatawa.
Pagkapatay ng phone ko ay bumalik ito sa huling tiningnan ko kanina. Ang larawan ni Kian na tulog. Bahagya pa akong natawa pero aaminin kong gwapo parin ni Kian dito. Itatago ko na sana ng may humablot dito mula sa likod ko. Nagulat ako ng malamang si Kian ang kumuha sa phone ko.
Kunot noong tinitigan ang larawan niya sa cellphone ko. Bigla akong kinabahan at nataranta. Aagawin ko na sana ng ilagay niya likod niya.
"Kaya pala ngumingiti ka dahil stolen pictures ko ang tinitingnan mo." namilog ang mata ko. Ngumisi itong may dalang ibang ibig sabihin.
"H-hindi noh. Akin na yang cellphone ko." depensa ko. Natuwa lang naman ako sa itsura niya noon kaya ko siya kinunan.
"So why are you keeping this?" tinaas niya ang kamay niya rason para hindi ko na maabot.
"Akin na Kian." Pagmamakaawa ko at hirap na hirap akong tumatalon maabot lang ang cellphone ko sa kamay niyang nakataas.
"Hind mo sinasagot ang tanong ko." at pumasok na nakataas parin ang kamay na hawak ang phone ko habang isang kamay ay hawak ang stand ng dextrose niya.
Sinundan ko ito.
"Kian, please. Give me back my phone." pagmamakaawa ko ulit.
Umupo ito sa kama at nilagay sa likod niya ang phone ko. Kinuha ko naman ang maliit na bangko para ilevel ang height ko sakanya kahit na nakaupo ito.
"I won't give your phone unless you tell me why you took this out of my consent." Natigil ako.
"Stolen nga diba? Hindi na kailangan ng consent mo."
"Pero mukha ko to." sinilip niyang muli ang mukha niya sa phone ko at aabutin at kukunin ko na sana pero agad niyang nilayo kaya hindi ko rin nakuha.
"Kian naman eh." naasar kong sambit dito. "Buburahin ko na kung ayaw mo." saad ko pero ayaw parin niyang ibigay.
"No need. You can keep those if you want." agad niyang bawi.
Hindi makapaniwala ko siyang tiningnan. Tingnan mo to. Kanina nagrereklamo lang kung bakit ko siya pinicturan na wala siyang consent, ngayon naman ay huwag ko na daw burahin. Ano ba talaga Kian.
"Then give me my phone." inilahad ko ang palad ko sa harap niya.
Ibibigay na sana niya ng bigla niyang bawiin at nilagay sa likod niya na agad kong hinabol na kunin. Dahil sa hindi ko parin maabot ay umakyat na mismo ako sa gilid ng kama pero siya naman ang umalis na lalo kong kinainis.
Tumayo na ako sa mismong kama niya at pumeywang sa harap niya. Ngumisi naman ang loko.
Nakikipaglaro talaga siya sa akin ha. Hahakbang na sana ako ng hindi ko inaasahan ang paglubog ng isang paa ko sa kama at kina-out of balance kong matutumbang paharap na kinaalerto niyang sinalo ako at napayakap sakanya.
"Ayos ka lang?" pag-aalala niya sa akin habang nasa ganoong ayos parin ako sakanya.
Grabeng dagundong ng puso ko. Hindi ko alam kung sa pagkakabagsak ko? O sa pagkakayakap ko at dikit sakanya.
"Anong nangyari?" agad kaming nataranta ng marinig ang boses ni tita Lianee na kararating lang.
Agad akong ibinaba ni Kian at ako naman ay yumukong nahihiya kay tita sa naabutan niya. Pakiramdam ko ay wala na akong mukhang ihaharap kay tita dahil sa naabutan niya kami sa ganoong sitwasyon.
Sana lang at huwag niya kaming pag-isipan ng masama. Sana lang.

BINABASA MO ANG
Fated to be Yours
FanfictionSa paghahanap ni Via ng hustisya para sa nilakihang magulang ay malalaman niyang ang dating kasintahan na si Kian na minahal niya noon ay tagapagmana pala ng pamilyang plinaplano niyang sirain. Kaya niya kayang ituloy ang nasimulang plano o hahayaan...