Chapter 57

6 0 0
                                        

Via

"Inhale, exhale." Bumuga ako ng hangin matapos kong sambitin ang huling salitang sinabi ko.

Nasa harap ako ngayon ng isang mataas, maganda at sikat na Corporation dito sa bansa. Ang Del Valle Corporation.

Noon ay pinangarap ko rin ang makapasok dito. Bukod sa sikat, alam ko rin na disiplinado at puro professional ang mga nagtratrabaho dito. Competitive din at natrain ng maayos. You won't dream of any company to work with after this. Hahanap hanapin mo for sure.

I roamed my eyes around the building when I entered. From the front glass door na pagpasok mo palang ay bubukas na agad ito. Kapag tumunog ito, ibig sabihin ay may nadetech sayo at agad kang pupuntahan ng mga guard dito para icheck.

Maluwang ang lobby.

Hindi rin agad makakapasok ang mga empleyado dito kapag hindi suot ang mga ID. May high intelligent facial detector sila dito at nakikita kung empleyado ka o hindi.

Halos kita mo rin ang mga empleyado na sumasakay ng elevator since transparent din ito at kita mong silang tumataas habang nasa loob sila.

Minsan nakakaignirante rin pala ang baguhan dito. Baka mangapa ako. Tanggap kaya ang katulad ko na halos hindi alam ang mga pasikot dito?

"Yes maam? May we help you?" agad akong napalingon sa isang napakagandang tinig ng isang babae.

Agad akong napatingin sa postura at tindig nito. Ang buhok at make up ay bagay na bagay sakanya. Wala kang ibang mapupuna kundi napakaganda niya.

"I'm an applicant maam. I was called yesterday to come here for an interview." informed ko.

"Wait for a second maam." May dinial ito sa desk phone. "Hello maam, there's an applicant here .... okay maam ....  Thank you maam." saka binaba ang phone. "Follow me maam."

"I'll take over." Saad ng kasama niya.

"Thank you." sagot nito saka ako nginitian. "Let's go maam." Aya sa akin at nginitian ko naman siyang pabalik.

Sumunod ako sakanya hanggang sa makasakay kami ng elevator. Halos malula ako ng silipin ko ang baba. Tiningnan ko ang number sa elevator habang tumataas kami. 50th floor ang pinakamataas at doon din matatagpuan ang office ng CEO dito. Sa susunod na floor din non ay ang penthouse na ng may ari.

Lumabas kami ng elevator nang umabot kami sa 45th floor. Bumungad sa akin ang maraming mga cubicles at glass room. Halos hindi rin magkaugaga ang iba sa dami ng ginagawa. Halos mabangga pa ako ng isang empleyadong lalaki sa pagmamadali.

"Sorry miss." paumanhin niya saka tumakbo ulit.

Nilibot ko ang paligid. Ibang iba sa unang impression mo sa baba. Iyong parang napakakalmado at hindi stressful pero pagdating mo dito ay baliktad pala.

"This way maam." turo sa akin at sumunod muli ako.

Pagdating namin sa office ng HR ay pinapasok agad ako ng babaeng sumama sa akin na kakikilala ko sa pangalang Jane. Nagthank you agad ako at malugod itong ngumiti naman sa akin pabalik.

Pumasok ako sa office na pinagdalhan sa akin. Pagkapasok ko ay napansin kong wala masyadong kagamit gamit dito bukod sa desk table at swivel chair, Screen TV, sofa sa gilid at table glass sa gitna. Halaman sa bawat edges ng kwarto at kurtina na siyang nagtatakip halos sa pader na salamin kung saan makikita mo ang buong syudad.

I welcomed myself by sitting in a long and soft sofa. I postured myself while waiting. Nang bumukas ang pinto ay agad akong napatayo at tiningnan ang pumasok. Isang babaeng may dalang baso ng juice at nilapag sa table ko.

Fated to be YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon