Chapter 19

4 0 0
                                        

Via

I've been consistently convincing and shunning myself not to fall for him but myself won't cooperate.

He was sweating and breathing so fast and heavily. Medyo magulo at basa ang buhok nito  na parang naligo na sa pawis. Nakasuot ito ng plain white t-shirt at pantalon pero halatang pati damit ay basa din.Tumakbo ba siya?

He was looking around like he's looking for someone. Siyempre ako yun. Ako lang naman ata ang pinunta niya dito. I grinned.

"Andito na pala siya." narinig kong sambit ni Dale sa likod ko ng matapos silang mag-ayos at ligpit dito sa food house. "Kian!" tawag niya na kinalingon naman ni Kian sa kanya hanggang sa dumapo sa akin ang tingin.

That was the time that our eyes met. Hindi natanggal ang mata ko sakanya. Lumapit ito sa amin.

"You're sweating dude. Tumakbo ka?" Dale teases him. Kian glared him.

Nagulat kami ng may marinig kaming nabasag sa loob ng kusina.

"Andrea naman! Konting pag-iingat lang hindi mo pa magawa!?" sermon ng babae na nalaman kong may-ari pala dito.

Tumakbo agad si Dale sa kinaroroonan nila. Sasama nadin sana ako ng pigilan at hawakan ako ni Kian sa braso.

"Uwi na tayo. Hayaan mo na sila doon."

"Pero ... " hindi ko na natuloy ang sasabihin ng makita ko ang reaction ng mukha nito. Bukod sa pagod, wala rin sa mood makinig ng paliwanag ko. "S-sige. Magpapaalam lang ako."

Agad niya rin akong binitawan at tinungo ko na sila sa kusina. Bumungad sa akin ang ilang platong nabasag sa sahig. Nakapameywang ang may-ari na galit na galit sa harapan ni Dale at sa nakayuko at nahihiyang si Andrea na kitang kita ngayong naiiyak sa labis na pagkakapahiya rin sa mga ibang katrabaho niya.

Napalingon din ako sa likod ko ng maramdaman ko si Kian na sumunod sa akin.

"Perwisyo ka na sa akin Andrea. Dale, iuwi mo na to. Hindi ko na siya kailangan dito."

"Ate -" agad siyang hinawakan sa braso ni Andrea para pigilan sa sasabihin nito.

Bahagyang yumuko ulit si Andrea babae na tinawag naman ngayong ate ni Dale. Ate niya ang may-ari dito?

"Sorry po maam. Alam ko pong malaking problema na po ako sa inyo dito at hindi ko na po nagagawa ng maayos ang trabaho ko. Pero salamat po at nabigyan ako ng pagkakataong magtrabaho dito kahit sa maikling araw." bahagyang yumuko ito sa harapan ng may-ari.

"Andrea." mahinang tawag ni Dale.

"Salamat po sa lahat." tumingin sa mga kasamahan nito na ngayon ay halata ang lungkot sa mga mukha nila at hindi inaasahan ang nangyari. "Salamat din po sa inyo."

"Andrea." tawag muli ni Dale sakanya pero hindi na siya pinansin ni Andrea at lumabas at nilagpasan lang din kami.

Sumunod si Dale pagkatapos non.

"Let's go." aya ulit ni Kian.

Wala na akong nagawa kundi sumunod narin kay Kian. Pagkalabas ng dalawa dito ay hindi na namin alam kung saan sila pumunta.

Nang makalabas kami doon ay agad kong nakita ang bike nitong nakatumba. Agad lumapit si Kian doon at pinatayo. Doon ko napagtanto na may gasgas ito sa siko.

Lumapit ako doon at hinawakan ang siko niya na agad naman iniwas din.

"Anong nangyari sayo?" agad kong pag-aalala. Tiningnan ko ang bike niya at flat na pala ito sa harap at medyo tumagilid din ang manobela nito. Bigla akong kinutuban ng masama.

Fated to be YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon