Chapter 42

4 0 0
                                        

Via

Hindi na kami pumasok maghapon at dinamayan nalang namin si Andrea. Iyak ito ng iyak. Hindi niya tanggap. Inaamin niyang lasing siya noong araw na iyon at halos hindi niya maalala ang nangyari. Paggising niya nalang ay magkatabi na sila ni Dale sa mismong kwarto nito at parehas silang hubad.

Halos humagulgol ito sa pagkwekwento sa nangyari sakanila. Ano pa nga ba magagawa namin. Nangyari ang nangyari na. Hindi na maibabalik pa sa dati.

"Anong balak mo ngayon? Sasabihin mo ba sakanya?" tanong ko. Umiling ito.

"Hindi pwede. Magagalit ang mama niya. Hindi ito ang gusto niyang mangyari. Malaki na ang naibigay nilang tulong sa akin para ito ang ibalik ko sakanila." Umiyak muli siya.

Niyakap ko siya at inalo.

"Pero malalaman parin nila kasi hindi mo naman maitatago ang paglaki ng tiyan mo." sagot ko na kinabitaw sa akin. Bahagya akong nagulat sa ginawa niya.

"Hindi nila malalaman Via. Hindi." paninigurado niya.

"Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhan kong tanong.

Hindi ito umimik at na natiling na tahimik at hindi na sumagot pa sa akin hanggang sa dumating si Gail na may dalang pagkain.

Ihahatid sana namin siya pero tinanggihan na kami at sumakay nalang ito ng bus mag-isa. Hindi man sigurado sa kutob ko pero parang yun ang mas lamang sa akin ngayon. Paano kung umalis ito? Sana at hindi. Sana hindi sila magaya kay Jarus at Lalaine na hindi magkasama ngayon pero pinapanalanging magkakasama at magkikita sila balang araw.

Nang makauwi ako sa bahay ay narinig ko si mama at papa na parang nagtatalo sa loob ng kwarto nila. Hindi ko masyadong maintindihan ang pinag-uusapan nila dahil bukod sa mahina ang boses nila ay mukhang tumigil na rin sila.

Tinawagan ko si Kian para ipaalam na nakauwi na ako pero out of coverage area ito. Nag-iwan nalang ako ng message para mabasa niya kapag titingnan na niya ang phone niya.

Kumain kami ng hapunan ay napansin kong hindi pinapansin ni mama si papa. Gusto ko sanang magtanong kaso baka doon magsimula ulit ang away nila dahil sa tinanong ko. Tatahimik nalang ako.

Pagbalik ko sa kwarto ay may text na si Kian at kakauwi palang daw niya. Tiningnan ko ang oras at 8 na ito. Kumunot ang noo ko. Agad ko siyang tinawagan at agad naman niyang sinagot.

"Late ka atang umuwi. May ginawa kayo sa school?" tanong ko habang inoopen ko ang notes ko.

"Oo. Sa report namin bukas. Nag-overtime para matapos. Kamusta ang maghapon mo love?" Pabulong na medyo mababa na mahinahon at kalmado ng boses niyang tanong. Yung tipong ang sarap pakinggan ng paulit ulit.

"Ayun, ayos lang." Bigla kong naisip ang tungkol kay Andrea. Sasabihin ko ba? Baka sabihin niya kay Dale. Huwag muna. "Medyo nakakapagod lang." saad ko.

"Gusto mo na bang magpahinga?" Concern niya. Napapikit at ngiti ako. That voice. Ang sarap gawing ringtone.

"Ayoko pa. Kausap pa kita eh." sagot ko at napangiti ako. Narinig ko ang mahinang pagtawa nito.

"As you wish my love. Just let me know if you feel sleepy, ha? So that I could kiss your forehead and dream of me when you're sleeping." Yung ngiti ko abot tenga na, asar.

"Paano mo ako ikikiss? Ang layo mo kaya?" kunwaring patampo pero binibiro ko lang talaga.

"Pupunta ako diyan."  Sagot niya na kinatigil ko at maya maya ay napatawa ako ng mahina.

"Sira. Gabi na masyado at pagod ka." Balik ko dito.

"Do you want me to kiss you?" tanong niya.

"Oo naman pero huwag na at gabi na." Aniya ko.

Fated to be YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon