Epilogue

1 0 0
                                    

Via

A month after the proposal, we got married. It was the happiest moment of my life. Yung hindi mo inaasahan lahat. Grabe pala makasurprise si Kian at ngayon ko lang yun nalaman.

Lumipas ang ilang buwan ay marami nang nagtatanong sa akin kung may laman na ba. I was hoping too na sana ay meron na but sad to say ay wala pang positive result sa ilang beses na pagsusubok namin. Everytime na bumibisita ako kina Lalaine ay nakakaramdam ako ng inggit sa tuwing napapatingin ako sa matambok nitong tiyan. 5 months preggy na ito. Si Gail naman ay 1 month pregnant nadin. Nauna ang laman bago ang kasal. Alam kong dissappointed si tito pero andon na eh.

"Love, bilisan mo." pagmamadali ko kay Kian. Araw ng kasal ni Gail at Elthon ngayon kaya dapat maaga kami. Ako kasi ang maid of honor at si Kian naman ang best man. Oh diba? Napilitan lang niya tinanggap dahil ayaw niyang ipartner ako sa iba.

"Relax love, we'll be there in just 15 minutes." sagot niya.

"Huwag mong sabihin paliliparin mo na naman ang sasakyan? Naku Kian kung ganyan lang din ay mag taxi nalang ako kesa mamatay ako sa nerbyos sa pagdradrive mo." lintaya ko.

Lumapit itong natatawa sa akin at niyakap ako mula sa likuran ko at hinaplos ang tiyan ko.

"Masyadong nerbyosa ang asawa ko. May alam lang ako shortcut para mabilis tayong makarating don." paliwanag niya.

"Ahh. Mabuti naman kung ganun." naramdaman ko ang paghalik niya sa leeg ko.

"Kalmado ka na?" bulong niya na halos naramdaman ko pa ang init ng hininga niya.

Tumango ako at nilingon siya. Nagkasalubong ang mata namin. Nginitian ko ito at mabilis na dinampian ang labi nito.

"I love you mahal." sambit ko dito. Mabilis din niya akong dinampian sa labi.

"I love you too love." sagot niya. "Huwag na kayo tayong umattend at sa kwarto nalang tayo?" aniya niya na kinamilog ng mata ko at tapik sa balikat nito.

"Baliw to, halikana at malelate na tayo." aya ko nang matauhan sa oras.

"Huwag na." hila nito pero hinila ko rin agad.

"Hindi pwede. Halika na." at wala na siyang nagawa at nagpainaod na sa hila ko.

Wala pang 15 minutes ay nakarating na kami. 10 minutes pa kami nag -antay bago nagsimula. Kompleto kaming magkakaibigan. Dumating din si Gio na hanggang ngayon ay single parin. Mas lalong gumwapo at lumaki ang katawan. Halos pagtinginan rin ng ilang kababaihan pero dedma lang sakanya. Yung tipong nagsawa na sa pagiging play boy noon.

Narito rin si Vim na kararating galing Canada. Dala ang asawang foreigner at mga anak na dalawa na ngayon sila ang nagmamartsa sa red carpet as flower girls. 

Mapapansin din ang tila anghel na ganda ni Andrea kasama ang fiance niya. Kailan lang din nang magkita kita kami sa isang business meeting. Hindi ko talaga masisisi si Dale kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa sumusuko kay Andrea. Lalo at may anak din sila.

Ilang metro lang ang layo ni Dale sakanila pero kung makatingin kay Andrea ay parang siya lang ang tao sa paligid niya. Grabe pagmamahal Dale, aabutin ka ata ng dekada sa pag-aantay.

"Hi tita Via!" napalingon ako nang bigla akong tinawag ni Roswell, ang anak nila Lalaine at Jarus.

"Roswell..." awat ni Lalaine pero biglang tumakbo papalapit sa kinaroroonan ko. 

"Why did you run Roswell?" tanong ko sa bata. Nakayakap ngayon ito sa bewang ko.

"Because I saw you." honest nitong sagot.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 02, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Fated to be YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon