Chapter 63

5 0 0
                                    

Via

Malalim, mapusok at masyadong mabilis ang mga kamay nito at nakapasok sa loob ng damit ko.

Binuhat niya ako at pinaupo sa table niya na halos hindi maabot na paa ko ang floor. I was wearing a skirt pero nilislis niya ng bahagya ito para makabuka ako at makapwesto siya sa gitna ko.

He was massaging my back and caressing my skin na nagbibigay naman lalo ng init sa nararamdaman ko. Ayaw ko nang bumitaw. Gusto ko ang ginagawa niya. Gusto ko ulit maramdaman ang mga ginawa niya kagabi sa akin.

Bumaba ang labi nito sa panga ko. He licked it reason for me to me to bit my lower lip. Nananatili paring nakapikit ang mata ko at pinapakiramdaman ang bawat hatid ng halik niya sa balat ko kung saan man dumapo. Sa sobrang sarap ng nararamdaman ko ay halos magulo ko narin ang maayos nitong buhok.

"Sorry to interrupt you sir. Nasa baba po ang lolo niyo at papunta po ngayon siya dito sa office niyo."

Agad kaming natigil na dalawa sa narinig ng magsalita ang secretary niya sa intercom.

Paparating ang lolo niya? Agad akong bumaba mula sa table at inayos ang skirt ko. Tiningala ko siya na sa akin parin nakatingin. Nakaramdam ako ng hiya ng makita ang ginawa ko sa buhok niya. Ang mata ay parang nangungusap sa akin.

"Don't leave me." Mahina at masarap pakinggan ang pagkakasabi sa akin.

Nilibot niya ang braso nito sa batok ko at nilapit sa dibdib niya at niyakap ako.

"Please." He begged. Para tuloy lumambot ang puso ko sa pakiusap niya.

Napakapit ako sa damit niya. Ayoko rin naman siyang iwan kaso ayaw ko ring maabutan nila kaming ganito ang itsura. Siguradong pag-uusapan at magagalit din ang lolo niya sigurado. Isa pa. Masisira ang plano ko kapag pinaalis pa ako dito.

"Papunta na ang lolo mo dito at ayaw kong may masabi sila sa atin." saka ko tinanggal ang dalawang braso niyang nakapalibot sa akin.

"I don't care. Mas mahalaga ka kesa sakanila." Amin at direkta nitong sagot sa akin.

Kumunot ang noo ko. Kanina lang ay jinajudge ako, ngayon naman ay parang nasaniban ng dating Kian noon. Ano ba talaga?

"Sir. Nasa 46th floor na po sila."

Napatingin kaming sabay ng magsalita na naman ang secretary niya sa intercom.

"Makakalabas pa ba ako dito?" bulong ko sa sarili at kinakabahan narin.

"Are you okay?" takang tanong sa akin.

Hindi makapaniwalang tiningnan ko siya sa tanong niya.

"Sa tingin mo? Magiging okay ako?" nilibot ko ang paligid at napasama din siyang napatingin.

"What are you looking for?" nalilitong tanong niya.

"Taguan." Sagot ko at nagsimulang maghanap ng matataguan.

Sa likod ng sofa? Makikita ako dito. Sa silong ng table niya? Baka dito umupo ang lolo niya, kita parin ako. Sa kurtina? Paano kung gusto ng lolo niya mag view sa labas? Edi kita ako. Sa CR? Paano kong mag CR agad siya? Edi magugulat siya. Lalo akong nastress.

"Saan ako magtatago?" Naiinis na natatarantang tanong ko sa kasama kong parang hindi naabala sa pagdating ng lolo niya.

"Why do you need to hide? Wala ka namang ginawang masama?" Nilapitan niya ako at hinilang pabalik sa pwesto namin kanina. "Just sit and relax." hinawakan niya ako sa balikat at pinaupo sa sofa at ang kinagulat ko pay hinalikan pa niya ako sa noo at nginitian after.

Para akong napanghinaan at parang pusang lumambot ang katawan sa ginawa niya.

Bumalik siya sa office chair niya at sumandal doon at tiningnan ako na parang boss at empleyado lang na may pinag-uusapang importante.

Fated to be YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon