Via
Nasa labas ako ngayon ng presinto para ibigay sana ang ebidensyang nakuha ko at iopen ulit ang kaso sa nangyari kina mama at papa, kaso parang may pumipigil sa akin.
Hahakbang na sana akong aakyat papunta sa loob ng may tumawag sa akin. Nilingon ko iyon. Isang matandang lalaki. Nakasuit at may malaking sling bag na parang lagayan ng loptop. Naka eyeglass at ilang puting buhok na rin. Medyo magulo rin ito na para bang aakalain mong kagigising lang niya.
"Miss Morales, am I right?" tanong niya. Tumango ako.
"Ako nga po. Bakit niyo po ako kilala?" takang tanong ko.
"Because you are supposed to be my client. I'm attorney Joe Agustin. A lawyer. May 15 na kasong naipanalo at dalawa palang ang talo dahil tumagilid ang kliyente ko. Interisado rin ako sa kaso ng mama at papa mo. Gusto mo bang tulungan kita?" kumunot ang noo ko.
"Po?"
"Napanood ko kasi ang nangyari sa mama at papa mo sa news. Nakausap ko rin ang tita mo at willing din sana siyang kunin ako para sa kaso ng magulang mo pero kalaunan ay hindi na daw tuloy dahil drop na ito. I did my research about the case. Pumunta ako sa bahay niyo at nakita ko ang bagay na ito." Nilabas niya ang phone niya at ipapakita na sana sa akin ng may tumawag sakanya.
"Pa!!" agad kaming napalingon sa tumawag.
Kumunot ang noo ko. Pamilyar ang mukha niya. Papalapit siya ngayon sa amin at ngayon ay sa akin nakatingin.
"Via?" banggit niya sa pangalan ko. "Anong ginagawa mo dito?"
Inalala ko kung saan ko siya nakita. Kilala ko siya at alam kong minsan ko narin siya nakausap pero yung pangalan, pangalan ang hindi ko maalala.
"Ikaw ang bakit nandito Elthon?" May reklamong tono ni Attorney.
"Ahh, oo nga pala. Elthon ang pangalan mo." Sambit ko.
Tumawa ito.
"Kaya pala hindi ka nagsalita agad dahil nakalimutan mo ang pangalan ko?" natatawang hayag niya.
Nahihiya akong napakamot sa ulo.
"Sagutin mo ang tanong ko bata ka, bakit nandito ka." singit ulit ng Attorney Joe.
"Pa, hindi na ako bata, okay?" Mahinang reklamo nito sabay nahihiyang tumingin sa akin.
"Eh bakit ka nga nandito. Alam mong may trabaho ako." sermon ng papa niya.
"Uwi ka daw muna sabi ni mama." Sagot nito.
"Sinabi niya iyon, o ikaw lang nagsasabi?" hinala niya.
"Pa naman, mukha ba akong nagsisinungaling?" reklamo ni Elthon.
Napaisip ang papa niya sa sinabi ng anak at hindi rin nagtagal ay nagdesisyong umuwi narin muna ito.
"Ito ang calling card ko. Tawagan mo ako kapag desidido ka na, ha?" Abot nito sa akin saka tatalikod na sana nang tingnan ulit ang anak na mukang walang balak na sumunod. "Hindi ka sasama sa akin?" tanong nito.
"Hindi po. Ikaw lang naman ang pinapatawag pa." sabay ngiti niya sa papa nito at takang umalis nalang ito na hindi na ulit nagtanong.
Nang makaalis ang papa niya ay aakyat na sana ako ng hinuli niya ang kamay ko rason para mapatingin ako sakanya. Tiningnan ko ang kamay kong hawak niya at salubong ang kilay kong tiningnan siya.
Agad niya itong binatawan.
"Sorry." paghihingi agad niya ng tawad. "Anong gagawin mo?" sunod niyang tanong.
"May ipapakita lang." tipid kong sabi.
"Ebidensya?" tanong niya.
Tumango ako.
BINABASA MO ANG
Fated to be Yours
FanfictionSa paghahanap ni Via ng hustisya para sa nilakihang magulang ay malalaman niyang ang dating kasintahan na si Kian na minahal niya noon ay tagapagmana pala ng pamilyang plinaplano niyang sirain. Kaya niya kayang ituloy ang nasimulang plano o hahayaan...
