Chapter 13

6 1 0
                                        

Via

"Thank you Kian. Dito nalang ako." pasasalamat ko ng makarating kami dito sa kanto.

"Malapit nalang ba iyong bahay niyo dito?" tanong niya.

Tumango ako saka tinuro ang bahay namin na tanaw na mula sa kinatatayuan namin.

"Iyong lang ang bahay namin." saka ako ngumiti. "Magdidilim na. Uwi ka na din." aniya ko. Tiningnan niya ako at ngumiti.

"Sige." Malawak akong ngumiti saka kumaway.

"Ingat. Salamat ulit." tumango ito sa akin bago siya umalis.

Sa oras na ito ay nangiti parin akong pinapanood itong umaalis. Para bang nakadikit na sa labi ko ang ngiting huli kong nakita sakanya.

Magmula kaninang niligtas niya ako sa muntik kong pagtawid ng wala sa oras dahil sa kalutangan ko. Pagsabay niya sa akin sa paglalakad at ngayon ay sa paghatid pa. Tiningnan ko ang palad kong hinawakan niya para kumapit sakanya kanina at hindi mahulog mula sa pagkakaangkas ko sa bike niya. Parang umusbong ang kakaibang damdamin sa akin rason para lumawak ang ngiti ko.

Agad kong tinakpan ang mukha ko dahil sa hindi ko mapigilang kiligin sa mga nangyari kanina.

Agad ko ring tinanggal ng medyo matauhan ako at baka may nakakakita sa ginagawa ko at magtaka pa sila. Nilagay ko nalang ang palad kong magkapatong sa dibdib ko at aalis na sana nang mapansin ko ang isang babaeng nakauniform na nakatayong pinapanood ako sa gilid. May hawak na plastik sa isang kamay at lolipop sa bunganga.

Nang magsalubong ang mata namin ay agad itong umiwas saka naunang naglakad.

Bigla akong kinabahan. Tiningnan ko ang daan kung saan doon dumeretso si Kian at nakaalis na ito. Nakita kaya niya?

"Gail!!" tawag ko saka ko hinabol.

Nang maramdaman niyang hinahabol ko siya ay saka naman naging takbo narin ang lakad niya. Binilisan ko rin ang akin kahit na hingal kaming pareho dahil sa pataas na daan na tinatakbuhan namin. Nang papasok na ito sa gate nila ay saka ko inabot ang bag rason niya para mapahinto at atras ito.

"Via! Bitawan mo ako!" reklamo niya.

Agad ko itong inakbayan at inilayo siya sa gate nila at dinala sa bench na pagitan lang ng mga bahay namin. Tambayan at pahingaan din namin.

"Wala ka ba talagang balak na antayin ako? Huh!" Sermon ko dito.

"Bakit ba!? Eh may naghatid naman na sayo!?" Balik nito sa akin na kinamilog ng mata ko. Agad kong tinakpan ang bunganga nito at nilingon ang bahay namin at baka umabot doon ang boses niya at marinig ni mama.

Marahas niyang tinanggal ang kamay ko at sinamaan niya ako ng tingin at inirapan. Wow?

"Akala ko ba study first ka Via. Bakit ka nakikipaglandian sa pinakagwapong transfery student sa school!" nakangusong reklamo nito sa akin.

"Nakikipaglandian na agad? Hinatid? Landi agad? Hindi ba pwedeng nagpakitang loob lang ang tao kasi iyong isa diyan iniiwasan na ako at ayaw na akong antayin???" Pagpaparinig ko.

Umiwas itong nakabisangot parin ang mukha.

"May rason ako Via. May RASON!" diin niya sa huli.

"May rason pero ayaw sabihin!" sagot ko naman. Narinig ko itong bumuntong hininga.

"Ayaw ko lang kasing lalo ka nilang pagdiskitahan." tipid at mahina niyang sagot. Tiningnan ko siya. "Nakita ko kanina ang ginawa nila sayo. Gusto kitang tulungan pero wala akong magawa. Nasa akin ang mata ni Vim. Baka kapag nakita nilang tinulungan kita ay mapapagkamalan ka nilang may alam sa ginagawa nila-"

Fated to be YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon