Chapter 45

4 0 0
                                        

Via

Gusto kong magalit. Gusto ko siyang sigawan. Gusto kong ilabas lahat ng sama ng loob ko. Pero agad nawala lahat ng makita ko siya. Agad nabura nang yakapin at umiyak ako sa harap niya, na para bang nakahanap ako ng taong nakakaintindi sa akin kahit hindi ko pa nasasabi ang lahat sakanya.

Hinayaan niya lang akong ilabas lahat ng damdamin ko sa harapan niya. He didn't say anything. He just listened. He just waited until I calm down.

Nang gumaan ang pakiramdam ko ay sinabi ko sakanyang ayaw ko munang pumasok. Hindi naman niya ako sinermonan o pinagalitan. Sinamahan pa niya ako. He let me divert everything until I can see myself smiling now.

"Maglalakad lang ba tayo?" tanong ko ng mapansing iyon lang ang ginagawa namin sa buong oras na nasa mall kami ngayon.

Hanggang window shopping lang at tamang tingin sa presyo kapag may napusuan then sabay balik din kapag mabigat sa bulsa. Halos malibot na namin ang buong mall pero hindi parin namin alam kung saan kami tutungo.

"Saan mo ba gustong pumunta?" tanong niyang hindi rin sigurado.

"Hindi ko alam." walang idea. Tiningnan ko siya. "Saan ka pala pumunta kahapon?" biglang natanong ko.

Natigil siya na para bang hindi niya inaasahang tatanungin ko iyon.

"Sa school. Medyo nabusy sa sunod sunod na pinagawa sa amin."

"Tumawag ako sayo kahapon pero hindi mo sinasagot. Tapos pinatayan mo pa ako." kumunot ang noo niya.

"Pinatayan?" medyo nagtakang tanong niya. Maya maya ay napaisip siya.

"Oo. Magmula ng umaga nagtext ako sayo pero wala kang reply. Kapag naman tumatawag ako sayo eh sinasagot mo naman agad. Ang hindi ko lang lubos matanggap ay ang patayan mo ang tawag ko." medyo emotional ko na namang hinaing.

"I'm sorry. Hindi ko alam na napatayan kita ng tawag." Paliwanag niyang parang hindi rin talaga alam na nangyari iyon.

Kesa umusbong na naman ang inis ko ay hinayaan ko nalang.

"Hayaan mo na iyon." pagwawalang bahala ko na.

"Wala sa akin iyong phone ko kahapon kahit gusto kong tumawag sayo. Until now ay wala parin sa akin." paliwanag niya. Nagsalubong ang kilay ko. "My prof confiscated it."

Namilog ang mata ko.

"Bakit?" he just smiled.

"No need to worry. Makukuha ko naman mamaya or bukas. Ang mahalaga ngayon sa akin ay ang makasama at mapasaya kita. You are more important than my cellphone love."

"Pero paano kita macocontact kung wala iyong phone mo." Taranta ko.

"Ako ang unang cocontact sayo." lumapit siya sa akin at hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko. "Sa ngayon, gamitin natin ang buong oras at araw na magkasama tayo. Set aside muna ang mga problema. Let's make this day intended only for us." pinisil niya ang pisngi ko at mabilis na hinalikan sa labi na kinagulat ko at tapik sakanya.

"Masyado kang public. Ang daming tao oh." nahihiyang nilibot ko ang mga taong siguradong nakita ang ginawa ni Kian sa akin.

Ang masama pa ay nakauniform pa kaming dalawa.

"Let them think anything about us. As long as you are willing to tell them that I'm your boyfriend if someone will ask."

"Oo naman. Kahit isigaw ko pa dito eh." pagyayabang ko na may halong biro.

"Hmm. No need to do that. Mag-eeskandalo ka lang dito love." bawi niya saka tumawa.

"Biro lang din yun. Hindi ko rin magagawa noh." sagot ko saka kami tumawang dalawa.

Fated to be YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon