Chapter 23

4 0 0
                                        

Kian

"Kian!"

Napatingin ako ng may tumawag sa akin. Si Trisha.

Tiningnan ko ang mga studante ring sumusunod sakanya pero wala pa siya.

"Uuwi ka na? Sabay na tayo?" aya niya.

Tipid akong tumango at nagsimula nang maglakad. Binabagalan ko ang paglakad at baka maabutan pa niya ako kung sakali. Agad akong lumingon sa likod kung sumusunod na siya pero wala pa. Hindi ko pa siya matanaw.

"What do you think? Maganda diba yung idea ko?"

Tumingin ako sakanya nang mapagtantong kinakausap pala niya ako.

"Ha?" sa totoo lang ay hindi ko narinig na nagsasalita siya. Posible ba yun? Or sadyang focus lang ang utak ko para sa iisang tao na ngayon ay inaantay at hinahanap ko.

"Ang sabi ko mas maganda sana kung may pattern tayong sinusunod sa sabayang bigkas presentation natin. Magandang tingnan iyon. Tapos ... "

Natigil siya sa pagsasalita ng mapansing hindi ko binibigyan ng pansin ang sinasabi niya.

Natigil din ako sa paglalakad ng makita ko si Via na paparating. Hindi ko rin nagustuhan ang sumunod na mangyari ng umakbay sakanya si Don. Kumuyom ang kamay ko.

Tumingin ako kay Trisha na ngayon ay kay Via din nakatingin. Parang may idea na ito kung ano ang susunod kong gagawin.

"Would you mind to excuse me. You can go ahead." maayos ko pang paalam sakanya.

Tiningnan niya ako. Her face says nothing but the way she look at me tells something. Maya maya ay ngumiti ito.

"Mauna na ako." paalam niya at nagsimula na itong maglakad.

Nang makalayo ay saka naman ako lumapit kay Via.

"Yun lang naman pala eh, edi magiging close ako sayo." Rinig ko sabi ni Don. Lumapit ito kay Via na kinaatras naman niya. F**k, nanakot ba to ng babae?

Papalapit na ako sakanila ng makita kong tinulak ito ni Via na lalong kinainis lalo ni Don.

"Ano bang problema mo? Nakikipagkaibigan lang ang tao sayo pero pinagtutulakan mo na agad?" lumapit ulit ito kay Via pero napahinto ng makita niya ako.

Agad itong umatras ng makita ako at tumakbo.

Alam na niya ang mangyayari kapag uulitin niya ulit iyon.

"Let's go." kuha ko sa kamay niya at hinila ito.

"Saan?" tanong niya.

"Saan pa nga ba?" Wala ako sa mood sumagot ng tanong kung obvious naman na uwian na.

Hindi na ito nagsalita pa ng hinila ko na ito at naglakad na kami. Narinig ko nalang ang pagthank you niya sa akin ng malapit na kami sa gate.

Parang nakonsensiya pa ako sa hindi magandang sagot ko kanina sakanya. Uminit lang ulo ko at hindi ko nagustuhan ang trinato ng gagong Don na yun kay Via.

Napatingin ako sa kamay ko ng bumitaw si Via mula sa pagkakahawak ko sakanya. Nahihiyang ngumiti ito sa akin.

"Baka kasi anong isipin nila." tukoy sa dalawang guard na nasa gate ngayon.

"I doubt kung ichichismis tayo sa ibang studante." aniya ko na kinatingin sa akin.

"Malay mo naman. May mga lalaking chismoso narin ngayon." Depensa niya.

I smiled. Via had this charm. She doesn't need to try hard just to be cute in someone's eyes.

"Oo nga pala. Since nandito naman na tayo at naglalakad pauwi at wala ka namang balak sumakay ng bus ano? Hindi ka rin naman nagtitipid, ikwento mo na sa akin ang totoong nangyari sayo. Paano kayo naging close ni Dale? Anong nangyari sayo noong pinuntahan mo ako sa pinagtratrabahuan ni Andrea at isa pa, bakit tumakbo si Don ng makita ka?"

Fated to be YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon