Via
Hindi na ako pumasok sa klase namin. Anong mukha pa ang ihaharal ko sa lahat kung napakasama ko naman sa mata nila. Maliban nalang kung may maniniwala pa sa akin at hindi magpapaniwala sa maling akusa sa akin ng Trisha na yun.
Ang pinagtataka ko pa, sino ang kumuha ng larawang iyon. Imposibleng walang alam si Trisha dito. Releasing of ranks narin next week at pwede pa kaming mahila pababa kung makikitaan kami ng hindi kanais nais.
Nagulat ako ng may mag-abot sa akin ng isang sandwich at juice na nas cup. Napatingin ako at si Lalaine iyon. Kinuha ko iyon at umupo siya sa tabi ko.
"Alam mo bang naiinis ako sayo." Kumagat siya sa sandwich niya. Tiningnan niya akong ngumunguya. "Naiinis ako sayo kasi hindi ka nagpapatalo." tumingin muli sa harapan at kumagat saka uminom. "Nakakainis lang din ang sarili ko at hindi kita matiis sa ganitong sitwasyon na kailangan mo ng taong makikinig sayo." sambit niya.
Hindi parin ako umimik. Tahimik at nakikinig lang sakanya. Bahagya akong yumuko at humarap sa harap. Tumingin sa malayo at tinitingnan ang mga players ng soccer na ngayon ay nagprapraktis.
"Sorry Via." agad akong napatingin kay Lalaine nang magsorry ito. "Sorry dahil nalunod ako ng pagiging makasarili ko." tiningnan niyang muli ako. "Nainis ako kasi gusto ko si Jarus pero ikaw ang gusto."
Natigil ako sa narinig. Tama ba ang narinig ko? May gusto siya kay Jarus?
"Pinag-isipan ko ng maayos ang sinabi ni Kian sa akin. Na wala kang kasalanan. Wala kang alam. Kung tutuusin ay naging mabuti ka pang kaibigan sa akin pero ito pa ang igaganti ko sayo. Sarili ko dapat ang sisisihin ko dahil nagmahal ako ng taong alam ko naman na hindi ako ang gusto." huminga ito ng malalim na para bang may pinipigilan ito sa loob loob niya.
"Huwag mong sabihin iyan. Huwag mo ring sisihin ang sarili mo."
"Madaling sabihin pero mahirap gawin Via." sambit niya.
Natahimik ako.
"A-alam ba ni Jarus iyan?" tanong ko. Umiling ito.
"Ang alam lang niya ay kaibigan akong nasa tabi niya kapag kailangan niya ng kasama." Kita ko ang malungkot na ngiti nito sa pagsambit. Mabigat din ang dala ng bawat salita niya.
"Lalaine ... "
"Sorry Via. Sorry sa mga nasabi ko noon. Dala lang yun ng inis ko pero pinagsisisihan ko na." Ramdam ko ang pagsisisi niya at tiningnan ko siyang nanunubig ang mata niya at anytime ay pwede na iyong bumagsak.
Agad kong nilagay ang kamay ko sa likod niya at hinaplos ito.
"Inaamin kong nasaktan ako. Umiyak at dumistansya pero hindi ibig sabihin non ay hindi na kita kaibigan. Nirerespeto ko lang ang desisyon mo noong araw na iyon na kahit masakit at mabigat sa dibdib ay pinilit kong intindihin ang gusto mong ipahiwatig."
"Sorry talaga Via. Sorry."
"Huwag mong isipin yun Lalaine. Ayos na sa akin iyon." pang-aalo ko lalo at lumuluha na ito.
"Bakit hindi ka magalit sa akin? Gantihan mo rin akong ng masasakit na salita." hamon niya pero ngumiti lang ako.
"Gaganti lang ako kapag kailangan Lalaine." sagot ko.
Bigla kong naalala sila Trisha at Vim na pumunta sa bahay niya noon. Inantay ko munang huminahon siya.
"Pwede palang magtanong?" tanong ko na kinatigil niya.
"Ano yun?" takang tanong niya.
"Kasi noon, ahmm. Nakita ko sila Trisha at Vim na pumunta sa tinitirha mo." hayag ko. Bahagya siyang natigil. "Nagulat lang ako. Baka kasi .. "
BINABASA MO ANG
Fated to be Yours
FanfictionSa paghahanap ni Via ng hustisya para sa nilakihang magulang ay malalaman niyang ang dating kasintahan na si Kian na minahal niya noon ay tagapagmana pala ng pamilyang plinaplano niyang sirain. Kaya niya kayang ituloy ang nasimulang plano o hahayaan...