Chapter 27

2 0 0
                                    

Via

Para akong sasabog sa kahihiyan. Sinabi sa akin ni Kian na hindi talaga birthday ng mama niya ngayon. Iyong tipong nawalan ka kaagad ng mukhang ihaharap sa mama niya pagkatapos ng nangyari kanina?

Ilang beses na ba Kian? Ha?

Halos guluhin ko ang buhok ko sa hiya. Nagpaalam narin kami agad ng malaman ko ang totoo.

"Ayos lang iyon Via, ano ka ba. Natuwa pa nga si mama niya ng makita ang cake eh." Pagpapakalma niya sa akin pero mabigat parin sa loob eh. Nakakahiya talaga.

Hinarap ko si Gail.

"Mukha akong tanga kanina Gail. Alam mo ba yun? Nakakahiya!" reklamo ko.

"Nakakahiya lang pero hindi ka nagmukhang tanga." pagtatama niya sabay kain ng bread na binili niya kanina. "Kain ka muna. Hindi man lang natin natikman iyong cake na binili mo. Umalis nalang tayo agad kanina." dagdag nito na tonong nagrereklamo.

Napatakip na naman ako sa mukha at tiningnan si Gail.

"Ano ang sinabi ni tita kanina sayo?" curious ko.

"Natawa lang siya at naisahan ka ni Kian." sabay subo ng pagkain niya.

"Nakakainis ka talaga Kian!" Gigil ko at nagpauna nang maglakad.

"Hoy Via! Antay!" tawag sa akin ni Gail at patakbo itong sinundan ako habang kumakain.

Nang makarating kami sa bahay ay nadatnan nanonood si papa.

"Nandito ka na pala." Pansin sa akin ni papa. Lumapit ako sakanya.

"Ano yang pinapanood niyo?" tanong ko dahil nanonood ito ng balita.

"Yung amo niya ang pinapanood niya. May bagong issue kaya dalawang linggo na namang hindi papasok ang papa mo sa trabaho." singit ni mama.

"Anong issue?" tanong ko at tiningnan sa TV. Hindi ko na napansin na naibalita kanina dahil wala doon ang isip ko kanina.

"May mga nakapagvideo sakanyang nasa bar siya at umiinom. Nagwala din kasi ng gabing iyon. Lumabas sa social media ang mga ginawa niya doon kaya pinagpahinga muna siya ng manager niya hanggang sa mawala ang issue sakanya."

"Grabe rin ang buhay ng mga sikat na tao. Lahat ng mata na sayo. Hindi ka makakagalaw ng normal at hindi mo rin magagawa lahat ng gusto mo dahil pwede kang husgahan ng kahit sino sa maliit na pagkakamali mo."

"Kaya huwag mo nang pangaraping maging artista anak." sambit ni mama.

"Wala sa mga option ko ang mag-artista mama. Sa business world nalang ako." sagot ko.

Nagtinginan sila mama at papa.

"Gusto mo bang pumasok sa Del Valle Corporation?" tanong sa akin ni papa.

"Pwede rin po kapag nagkataon. Igragrab ko ang opportunindad kapag nangyari iyon." saad ko. Tumayo ako at nagpaalam munang magbibihis.

Nang nasa kwarto ako ay nilabas ko ang phone ko. Nakita ko ang ilang missed calls ni Kian. Bigla na naman akong nainis ng maalala ang kaninang nangyari.

Nang tumawag muli ito ay sinagot ko na.

"Ano ang sasabihin mo?" masungit kong sagot.

Matagal ito bago nagsalita.

"Sorry." tanging sagot niya pero ramdam kong sincere ito. Parang nabura agad ang inis ko. "Pwede ka bang lumabas? Nandito ako sa harap ng bahay niyo." Imporma niya na kinagulat ko at silip sa bintana.

"Bakit ka pumunta dito?" nagmamadaling nagbihis na ako at baka makita siya nila mama.

"Gusto lang sana kitang makausap." sagot niya.

Fated to be YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon