Chapter 24

6 0 0
                                        

Via

"Andiyan na!" sagot ko sa tawag ni Gail.

Nasa labas ito ng kwarto ko at kanina pa katok ng katok. Binuksan ko ang pinto at agad niya akong hinila palabas.

"Alis na po kami tita!" siya na nagpaalam.

"Bakit ka ba nagmamadali?" tanong ko habang patuloy parin niya akong hinihila palabas ng gate.

"May hindi ka kasi sinasabi sa akin eh noh. Naglilihim ka na ngayon sa akin." may patampong tono nito sa akin.

Tumigil ito ng makarating sa harap ng gate at hinarap ako.

"Anong meron sa inyo ni Kian. Bakit lagi ka na niyang hinahatid?" humalukipkip ito sa harapan ko.

Kumunot ang noo ko.

"Hatid lang iyon noh." Aalis na sana sa harap niya ng kumawit siya sa braso ko at sumabay sa akin sa paglalakad.

"Hatid lang ba? O may iba pa?" salubong ang kilay kong tumingin sakanya.

"Isa ka ring maissue. Magkaibigan lang kami. Period." Pagtatapos ko pero hindi parin siya tumigil.

"Magkaibigan daw." Hindi naniniwalang sagot saka humiwalay sa akin at humalukipkip ulit. "Strangers before tapos ngayon may pahatid hatid at sabay sabay umuwi? Tapos magkaibigan?" tiningnan niya ako. "Pero kaibigan lang ba talaga ha Via?" pang-uusisa niya.

"Sa knowing each other stage ofcourse kami. Diba nga ganun naman palaging nangyayari kapag gusto mong makilala ang isa't isa." paliwanag ko.

"Hindi lahat. Eh bakit kayo ni Jarus noon? Walang ganyan ganyan na stage? Iyong gusto ka niyang ihatid pero tumatanggi ka at sa akin ka sumasama. Natatakot ka ring magpakilala ng kaibigan mong lalaki sa magulang mo diba? Eh bat kay Kian? Ibang iba." diin niya sa huli.

Kung tutuusin ay tama siya. Naiilang ako kapag may gusto maghatid sa akin na lalaki kahit na kaibigan ko pa yan. Ayoko na mag-isip sila mama at papa noon ng iba kapag may naghatid sa akin.

Tumigil ako at tiningnan ko si Gail.

"Sa tingin mo Gail. Nag-iba na ba ako?" Tanong ko sakanya.

"May nagbago lang pero hindi pa nag-iba. Alam mo yun, kailangan din magbago paminsan minsan." sagot niya at nagsimula ulit maglakas at sumunod naman ako. "Ang mali lang sayo, nakalimutan mo ako Via." dagdag niya na kinatigil ko at patuloy parin ang paglalakad niya na hindi niya napansin ang pagtigil ko. "Noon ako lahat ang takbuhan mo, ako ang nilalapitan mo kapag may problema ka. Sabay tayong umuwi. Yung mga sekreto mo na hindi alam ng iba ay sa akin mo sinasabi. Hindi naman sa ... " natigil ito sa paglalakad ng lumingon siya sa tabi niya at doon niya napagtantong tumigil ako.

Alam kong maling mali ako ngayon at hindi ko pinansin ang pwedeng mararamdaman ni Gail. Siya ang kaibigan ko sa hirap at ginhawa. Sabay kami sa lahat. Kilala namin ang isa't isa. Siya lang din ang nakakaintindi sa akin at ganun din ako sakanya. Pero sa mga nagdaang araw, naiiwan ko na pala siya. Nahahayaan ko na siyang mag-isa na para bang iniwan ko siya sa ere na mag-isa.

"Bakit ka tumigil?" nalilitong tanong niya.

Lumapit ako sakanya at niyakap siya ng mahigpit.

"Sorry Gail. Sorry. Alam kong may pagkukulang ako sayo."hinarap ko siya. Hinawi ko ang bangs niya na kumalat sa mukha niya at inayos din. "Nakalimutan kong may Gail akong kaibigan na ubod ng bait, sipag, maunawain, loyal, at maalagain."

"Maganda rin beshie." dagdag niya na kinatawa ko.

"Baliw." singhal ko at naglakad na muli kami.

"Huwag mo masyadong isipin ang mga sinabi ko kanina ha? Way ko yun para ilabas ang mga hinaing ko sayo at after non ay parang bulang nawawala din."

Fated to be YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon