Kian
"Hanapin niyo ang anak ko parang awa niyo na!" hagulgol ng mama ni Via.
Nasa likod naman niya ang kanyang asawa na inaalo at hinahaplos siya sa likod. Halata rin sa mukha nito ang pag-aalala.
"Ginagawa na po namin ang lahat. Umupo muna kayo." Mahinahong sagot ng isang police.
Katabi ni Gail ngayon si Lalaine. Kinuha na namin siya sa tinitirhan niya at baka kung ano pa ang mangyari sakanya doon. Tiningnan din namin ang paligid kung may umaaligid sakanya pero mukhang nagtago na ng makita kami.
"It's all my fault." narinig kong bulong ni Lalaine.
"Shhh. Walang may kasalanan dito Lalaine." Ani Gail.
"Pero ... "
"Lalaine." tawag ko na kitingin nilang dalawa sa akin. Lumapit ako para hindi ako marinig ng magulang ni Via. "Hindi makakatulong ang paninisi mo sa sarili mo sa paghahanap natin kay Via. You need to stay calm. May bata sa sinapupunan mo." Pagpapaalala ko dito sabay haplos sa tiyan niya.
"Icheck niyo lahat ng taxi. Wala kayong dapat lalagpasan diyan." napalingon kami sa pulis na may kausap ngayon sa phone. "Maghigpit kayo kung kinakailangan."
"Kian." napalingon ako ng tawagin ako ni Cedric. Sinenyasan akong lumapit dito at lumapit naman ako. Sumunod din si Dale. "May ipapakita ako sa inyo." pinakita niya ang loptop nito. Makikita ang ilang lugar na nainstallan ng CCTV.
"Woahh." hanga ni Dale sa likod ko. "Hacker ka?"
"Shhh. Huwag kang maingay." mahinang bulong nito kay Dale. "Inaccess ko lang yung mga lugar na sa tingin ko ay dadaanan ng taxi na sinakyan ni Via at base dito sa Video ay around 5:46 ay nagmamadali siyang sumakay ng taxi." pinakita sa amin ang video ni Via.
Pinose niya sa parteng sumakay sa taxi sa Via.
"Ayan yung plate number." napatingin kami ni Cedric kay Dale.
"Ano yan?" takang tanong ng isang pulis ng mapansin kami. Lumapit ito at wala kaming nagawa kundi ipakita ang nasa loptop ni Cedric.
Nagdududang tiningnan ng pulis si Cedric.
"Mabait po ako sir." pagtatanggol nito sa sarili.
Tumuwid ako ng tayo at humalukipkip sa harap niya. Napansin niya iyon at napalunok siya.
"Magiging mabait na po ako sir." bawi niya.
"Anong meron?" tanong at usisa din ng isang kasama nila at sinilip. "Ohh, saan mo nakuha ito? Pwede nating magamit to para mapadali ang hanap natin."
Napatayo ang mama ni Via at agad tumungo sa amin.
"Mahahanap niyo na ang anak ko?"
"Opo maam pero aaralin pa po namin ang mga nakuhang video dito." paliwanag ng isang pulis.
Tiningnan namin ang video. Ang oras at ang mga dinaanan nito.
"Sa marcos street ito." Saad ng isang pulis.
"Diba kanina pang traffic diyan dahil may track na natumba at halos nagkalat ang sako sakong bigas sa daan?"
"May rumispundi na bang tumulong?" tanong ng isa sakanila.
"Meron na po sir kaso hanggang ngayon hindi pa natatapos. Mabagal din po ang usad ng sasakyan." imporma ng isa sa kanila.
"Good. Para maabutan pa natin sila kung sakaling naipit sila sa traffic."
"Pero mahigit mag-apat na oras na sir ang nakakaraan ng makuha ang anak nila."
"Tatlong oras na nang mangyari ang aksidente at posibilidad na naabutan pa nila ang pangyayaring iyon. Wala nang ibang dadaanan ang driver kung hindi doon sa highway na iyon."
BINABASA MO ANG
Fated to be Yours
FanfictionSa paghahanap ni Via ng hustisya para sa nilakihang magulang ay malalaman niyang ang dating kasintahan na si Kian na minahal niya noon ay tagapagmana pala ng pamilyang plinaplano niyang sirain. Kaya niya kayang ituloy ang nasimulang plano o hahayaan...
