"Bakit hindi ka pa nagbibihis?" tanong ni Lalaine habang tinatali ang rubber shoes niya.
Tiningnan ko ang uniform kong natapunan ng juice at halos magmantya pa ng yellow dahil sa kulay na meron iyon.
"Naiwan ko ang uniform ko." aniya ko saka sinarado ang pinto ng locker ko.
"Hindi ka pa ba umuuwi?" tanong na muli ni Lalaine at tumayo na ito.
Umiling ako.
"Kukunin ko nalang sa bahay bukas. Kakausapin ko nalang si sir." paliwanag ko.
Saka lumabas ng locker room.
Naglalakad ako papuntang classroom nang makasalubong ko si Ms. Gutierrez na may dala dalang plastic. Niyuko ko ng bahagya ang ulo ko tanda ng paggalang ng tumigil naman siya sa harapan ko. Agad akong tumingin sakanya at iniabot sa akin ang plastic na hawak niya.
"Ano po ito?" tanong ko at kinuha ang iniabot niya.
"Diba classmate mo iyong Kian James Crisanto? Pakibigay yan sakanya at PE uniform niya yan." tinanggal din niya ang nakasugbit na market bag sa balikat niya at binigay din sa akin.
"Ano naman po ito?" tanong kong muli.
"Yung PE uniform mo. Kanina ka pa inaantay ni Kuya sa gate pero out of coverage area ka." saad niya.
"N-nasa gate pa po ba siya?" tanong ko na nagbabakasakali.
"Hindi ko sigurado pero pwede mo pang maabutan. Hindi pa siguro nakakalayo iyon." ani niya." At saka pala ... wait lang Via!"
Tumakbo ako agad sa hallway at bumaba sa hakdanan. Nasa 3rd floor kami pero hindi ko inalintana ang kapaguran at tinungo ang gate. Medyo may pagkamalayo konti pero bibilisan ko nalang ang takbo ko habang bitbit ko ang binigay sa akin.
Halos pagtinginan ako ng mga studanteng nadadaanan ko pero wala akong pakealam.
"Papa!" tawag ko nang nasa gate na ako.
"Bawal ka pa lumabas iha. Anong year kana?" tanong ng guard sa akin.
"Grade 12 po, pero yung Papa ko." paliwanag ko habang sinisilip ko siya sa labas ng gate.
"May gatepass ka ba na binigay ng adviser niyo na pwede kang lumabas?" tanong niyang muli.
"Wala po pero kailangan kong makita ang Papa ko." reklamo ko.
"Umalis na ang Papa mo. Uuwi ka naman sa inyo, doon nalang kayo magkita." paliwanag niya na kinabuntong hininga ko.
Yoon nga ang problema. Hindi ako umuuwi sa amin.
Muli akong lumingon sa labas pero hindi ko na nakita si Papa. Nilabas ko ang phone at lowbat pala ito.
Halos hindi maipinta ang mukhang kong bumalik sa classroom. Nang makapasok ako ay nakasalubong ko naman si Kian na papalabas nadin dala ang bag niya na nakasugbit sa isang balikat niya.
Napasapo ako ng noo ng malaman kong nasa akin pala ang PE uniform niya. Tiningnan ko ang oras at 15 mins late na siya sa klase namin. Kinuha ko ang uniform niya sa market bag na binigay sa akin at yuko ang ulong binigay sakanya.
"Sorry. I wasn't able to give you on time." paghingi ko ng tawad pero wala akong narinig na kahit ano mula sakanya. Hindi niya rin kinukuha ang inabot ko.
Inangat ko ang ulo ko para tingnan siya sa harap ko pero nataranta ako nang hindi ko siya nakita. Nilingon ko siya gilid at likod pero wala akong Kian na nakita. Lumabas ako ng classroom at nakita ko na siyang pababa sa hakdanan.
Hinabol ko siya at muling hinarang sa hakdanan na kinakunot ng noo niyang tumingin sa akin. Gumilid siya para dumaan pero hinarangan ko ulit.
"Pwede bang huwag kang humarang sa dadaanan ko?" He said without any emotion seen in his face. Ang cold lang?
BINABASA MO ANG
Fated to be Yours
Fiksi PenggemarSa paghahanap ni Via ng hustisya para sa nilakihang magulang ay malalaman niyang ang dating kasintahan na si Kian na minahal niya noon ay tagapagmana pala ng pamilyang plinaplano niyang sirain. Kaya niya kayang ituloy ang nasimulang plano o hahayaan...
