Chapter 32

2 0 0
                                        

Via

Pagkahatid sa amin ni Dale ay agad kong sinubukang tawagan si Kian. Sumagot naman agad ito.

"Asan ka?" bungad ko.

"Nandito sa bahay. Bakit?" pinakiramdaman ko ang nasa paligid niya at tahimik. Nasa bahay nga nila talaga ata siya.

"Wala lang. Natanong lang." Aniya ko.

"Nag-aalala ka ulit?" pang-iinis niya. Kumunot ang noo ko.

"Hindi no." tanggi ko. "Sige na at baka naaabala pa kita sa ginagawa mo. Bye." hindi ko na inantay ang sagot niya at baka aasarin lang ulit ako.

Nang makapasok ako sa loob ng bahay ay agad akong sinalubong ni mama.

"Anak. Pumunta ka nga sa grocery at bilhin mo ito para bukas." binigay sa akin ang pera at listahan ng bibilihin. "Naubusan kasi at kailangan ko yan ng maaga bukas. Punta ka na at baka magsara na iyon." Utos sa akin ni mama.

Nilagay ko lang sa upuan ang bag ko at agad ding lumabas. Naglakad na ako at tutal ay malapit lang naman. Nasa grocery na ako at mabili lahat ng maalala kong dumaan sa convenience store nila Kian para kamustahin narin pala si tita. Doon ako dumretso pagkatapos ko sa grocery.

Pumasok ako at una kong nakita ang isang batang lalaki na nag-aayos ng mga softdrinks sa loob ng refrigerator. Kumunot ang noo ko dahil bagong mukha ito.

Maya maya ay lumabas si tita mula sa loob ng tinitirhan nila.

"Andiyan ka pala Via." pansin niya sa akin.

"Magandang hapon po tita." Bati ko.

"Napadalaw ka. Wala si Kian dito. Hindi pa dumadating." natigil ako.

"Nasa school pa po siya?" Usisa ko.

"Siguro. Nagtext kasing may aasikasuhin lang daw at malelate siya ng uwi." imporma ni tita.

Ginapangan ako ng kaba. Ang sabi niya kanina ay nandito lang siya pero wala pala. Nagsisinungaling si Kian sa akin.

"Salamat po tita. Kinamusta ko kang po kayo kung ayos na kayo. Hindi narin po ako magtatagal at kailangan narin po ni mama itong pinabili sa akin." paalam ko.

"Ganun ba? Oh sige. Mag-ingat ka sa daan." ngumiti ako at nagpaalam na.

Nang makalabas ako ay muli kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan si Kian. Medyo matagal bago niya ito sinagot.

Nasa gilid lang ako ng convenience store nila.

"Hello Via." sagot niya.

"Nasaan ka ba talaga?" direkta ko dito.

"Nasa bahay ako. Tumutulong narin dito sa store."

"Kian. Nasa harap ako ng store niyo." naramdaman ko ang pagkatahimik niya na para bang nahuli sa akto. "Nasaan ka." Kalmado ko pang tanong.

Nagsalubong ang kilay ko ng wala na akong marinig na tinig mula sa kausap ko sa phone.

"Kian." muli kong tawag dito.

Narinig ko itong huminga ng malalim.

"Kian ano ba. Nasaan ka nga?" pag-aalala ko. Bahagya akong lumayo sa store at baka marinig at makita ako ni tita.

"May inaayos lang." paliwanag niya pero hindi ako makontento sa sinabi niya. Parang may iba pa na ayaw niyang sabihin.

Magsasalita na sana ako ng biglang namatay ang linya nito. Oo nga pala at nakaregular load lang ako.

Agad akong naghanap ng pwedeng pagloadan at nang makahanap naman ako ay wala naman pala akong dalang pera. Kulang naman tong barya ni mama.

Tumakbo akong umuwi sa bahay na nagmamadali. Nang makarating ako ay agad kumuha ng pera at lalabas na sana ng biglang nakita ako ni mama at tinawag ako.

Fated to be YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon