Via
Nasa harapan kami ngayon ng bahay nila Andrea. Nakailang katok na kami pero wala paring nagbubukas.
Nakatingkayad akong sumisilip sa taas ng gate nila.
"Baka wala sila sa loob." hula ko ng wala akong masilip na kahit anino sa loob.
Sumunod naman si Kian na sumilip sa taas ng gate kung may tao o wala sa loob. Sa tangkad niya ay hindi na siya nag-effort.
"Mukha ngang walang tao." Pagsasang-ayon niya.
Nagtinginan kaming dalawa na walang idea kung ano ang susunod naming gagawin. Maya maya ay may dumaan na babae at may kasamang batang maliit.
"Ate." Tawag ko at tumakbo akong lumapit dito. "Alam niyo po ba kung saan po pumunta iyong nakatira dito?" turo ko sa bahay nila Andrea.
Kumunot ang noo nito.
"Matagal ng walang nakatira sa bahay na iyan." Imporma niya na nagpangilabot sa akin.
"M-matagal na po?" ulit ko.
"Oo. May sampong taon naring nakalipas nang umalis ang may bahay diyan." Nagtinginan kami ni Kian. Parang napakaimposible ngayong marinig ang sinasabi ng ate dahil kagabi lang ay hinatid namin si Andrea dito.
"Pero kagabi po ay dito po namin hinatid ang kaibigan namin." hayag ko.
"Dito? Baka iyong anak ang tinutukoy niyo? Si Andrea ba?" agad kaming tumango ni Kian ng banggitin niya ang pangalan.
"Opo, siya po." Saad ni Kian.
"Hindi siya diyan nakatira. Matagal nang naiwan ang bahay na yan na walang nakatira." Imporma niya.
"Kung gayon, alam niyo po ba kung saan siya nakatira?" Tanong ko.
"Hindi ko alam iha. Wala na akong balita sakanya magmula nang umalis siya dito."
"Mama. Gutom na ako." reklamo ng bata na kasama niya.
"Pasensiya na kayo at mauuna na kami. Gutom na ang kasama kong bata."
Umalis sila na at naiwan kaming gulong gulo ang isip. Tiningnan kong muli ang bahay at pinagmasdan iyon. Bigla akong naawa kay Andrea. Kaya pala napakatahimik niya. Kaya pala iwas siya sa lahat. Pumasok at kumuha siya ng scholarship para maging magaan sa pag-aaral niya pero mas naging rason pa para lalo siyang mahirapan.
Hinatid muli ako ni Kian sa bahay. Napansin ko rin ang pagiging tahimik niya.
"Okay ka lang?" Usisa ko dito.
Tumingin siya sa akin at tumango. Alam kong mabigat din ang iniisip niya ngayon pero huwag ko nang usisain at baka maging pakalamera pa ako sa lagay kong iyon.
"Dito na ako." aniya ko. Tumingin siya sa akin. "Mag-iingat ka sa pag-uwi." nginitian ko siya at nagbabye pero nasa harapan ko pa siya.
Nakatayo lang ito sa harapan ko at walang emosyon ang mukhang nakatingin sa akin. Para bang pinag-aaralan ang bawat parte ng mukha ko.
Binaba ko ang kamay ko. "Ayos ka lang talaga?" Paninigurado ko.
Hindi siya sumagot bagkos titig lang ang binigay sa akin.
"Kian?" Tawag ko sa pangalan niya.
"Maari ba kitang ihatid hanggang sa harap ng bahay niyo?" Sambit niya na bahagyang kinagulat ko.
Literally ay napatigil ako sa sinabi niya.
"H-ha?"
"I just want to make sure that your safe." ayaw masink sa utak ko ang sinabi niya.

BINABASA MO ANG
Fated to be Yours
FanfictionSa paghahanap ni Via ng hustisya para sa nilakihang magulang ay malalaman niyang ang dating kasintahan na si Kian na minahal niya noon ay tagapagmana pala ng pamilyang plinaplano niyang sirain. Kaya niya kayang ituloy ang nasimulang plano o hahayaan...