Chapter 77

3 0 0
                                        

Via

"Ha? Ano daw ang kaso? Bakit hinuli?"

"Talaga? Kaya pala hindi na natin sila nakita kahapon."

"Grabe, kasing demonyo pala ng mukha ang mga ginawa niya."

"Sabi na eh, sa mukha palang ni sir Kenji papatay na talaga ng tao yun."

Sari sari't komento ng mga empleyado dito sa kumpanya ang naririnig ko mula sa balitang panghuli sa mag-inang Prescila Del Valle at Kenji Del Valle kahapon. Nagsilabasan ang ebidensya na halos hindi ko alam kung saan nanggaling. Maski sa news ay naipakita rin ang naretrieve na video ng CCTV na pagpasok ni Kenji sa bahay namin bago ito masunog. Speechless ako pero nakaramdam na kaginhawaan sa pakiramdam ko dahil nakamit ko ang hustisya sa pagkamatay ng magulang ko.

"Napakahayop ng mag-inang iyon. Mabuti at hindi ka nahulog sa pinapakita ng baliw na lalaking iyon noon Via." ngumiti lang ako sa sunod sunod na lintaya ni Nadine at Guia sa gilid ko.

"Mabuti nalang at hindi siya totoong Del Valle kundi malaking kahihiyan ang idudulot niya sa buong kumpanya. Hayp din ang magaling niyang ina. Mabuti nalang at magaling si Sir Ken at nalaman niya agad na hindi niya pala ito anak." komento ni Guia.

"Baka magkakabalikan sila ng mother ni boss, my gosh! can't wait to happen kung mangyayaring iyon." aniya ni Nadine.

"Nakita mo na ba ang mother ni Boss?"

"Hindi pa eh pero kung babase ako sa magandang lalake ng anak nila, paniguradong maganda ito. Magugustuhan ba naman ni Sir Ken kung hindi maganda? diba?"

Napangiti ako. Maganda talaga si tita Lianee. Kamusta na kaya siya? Hindi pa siya kwinekwento ni Kian sa akin ah.

"Via." biglang dikit sa akin ni Nadine. "Tutal, ikaw ang lagi nilang kasakasama at nakakapasok sa office ni boss. Baka may alam ka kung single pa si boss o taken na. Kung single pa ay irecommend mo naman ako."

"Baliw to." sabay tulak sakanya ni Guia. "Sa akin lang si boss noh. Ako minsan napapansin niya kapag sa reporting. Sa tuwing tinatawag niya ang pangalan ko, parang musikang lumilipad sa tenga ko at nakikiliti ako." saka kinilig sa sariling sinabi na para bang nag-iimagine ang itsura.

"Nananaginip ka ata ng gising. May girlfriend na daw si boss." singit ni Adelfa na dumaan sa cubicle ko.

Bigla akong natigil sa ginagawa. Lumapit naman agad ang dalawa kay Adelfa.

"Oh? Sino? Kilala ba natin? Andito ba?" sunod sunod na tanong nila.

Napaiwas ako at nag-akmang gagawin muli ang ginagawa ko kanina.

"Nakita daw silang magkasama noon sa Sport Camp natin."

"What!?" gulat ng dalawa na maski ako ay biglang nanlamig. 

Hindi pwede. Huwag muna ngayon. Tiningnan ko si Adelfa at nadapo rin ang mata sa akin. Confirm. Alam na nga niyang ako ang girlfriend ni Kian.

"Trisha daw ang pangalan." Bigla akong natigil sa ginagawa ko. Ang lamig sa katawan ko at kaba na nararamdaman ko ay napalitan ng init ng ulo at nginig sa galit.

"Yung maarte at ang mabagal gumalaw?" hindi makapaniwalang saad ni Guia.

"Siya nga." napanghinaang hayag ni Adelfa. "Sa dinadami natin dito, bakit yun pa ang nagustuhan niya. Sigurado namang hindi alam makontento sa isa yun."

"Ang baba pala ng taste ni boss sa babae."

"Hindi totoo yan." agad kong kinatayo.

Napatingin naman sila sa akin. Kumunot ang noo nila sa agad kong reaction.

Fated to be YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon