Via
Pinagmamasdan ko ngayon dito sa malapit ang isang MK's food house. Nalaman ko lang ito ng tawagan ko ang number na nasa papel na binigay ni tita sa akin.
Nang buksan ko ang brown envelop na binigay sa akin ay akala ko kasing laki din ng laman pero wala pa sa kalahati ang lapad ng papel. Phone number lang ang nakasulat. Ngayon naman ay para akong stalker na ngayon ay nagtatago sa harap ng isang apartment building na katabi lang ang MK's Food house na pinagtratrabahuan ngayon ni Andrea.
Si Andrea ngayon ang pinagmamasdan at sinisilip silip ko kapag walang taong nadadaan. Aware ako na parang akong ewan dito na nakatayo ng ilang minuto at napapansin din ng ilang taong labas pasok sa appartment.
Nang tawagan ko ang number na nakasulat doon ay isang matandang lalaki ang sumagot. Sinabi niya ang lugar kung nasaan ngayon si Andrea at heto nga't andito ako.
Dahil sa ramdam ko na ang pagkalam ng tiyan ko ay nagpasya na akong pumasok roon. Nakita ko ang ilang pangalan ng putahe nilang inihahanda doon na kinakalam lalo ng tiyan ko isama pa ang mabangong amoy sa loob ng kusina nila.
May mga ibang kumakain din dito at dahil gumagabi na ay ang iba ay nagtetake out nalang.
Hindi si Andrea ang nasa counter. Lumapit ako dito at nagsabi ng order ko. Nang makabayad ako ay naghanap ako ng mauupuan at pwesto. Nilabas ko ang phone ko at inopen ang social media para maupdate sa ibang announcement at chismis narin kung meron.
"Andiyan ba si Andrea?"
Napatingin ako sa lalakeng pamilyar ang tinig at hindi nga ako nagkakamali, si Dale iyon. Narito siya at alam niyang dito nagtratrabaho si Andrea.
"Nasa loob siya, tinutulungan si Tinoy." imporma ng babaeng pinagtanungan niya sa counter.
"Busy ba siya?" Dagdag niya.
"Malamang. Nasa kalagitnaan kami ng trabaho Dale. Tsaka kailangan niyang bumawi at ilang araw siyang parating late pumasok at minsan umaabsent pa." saad ng babae at maya maya ay inasikaso ang bagong dating na customer nila.
Pumasok si Dale sa loob at maya maya ay nakaapron narin ito na gaya ng ibang nagtratrabaho dito. Kumunot ang noo ko. Anong meron sakanila?
Maya maya ay dumating na ang order ko at sinimulan ko naring kainin.
"Via?" natigil ako sa paghigop sa sabaw ng noodles ng marinig ko ang boses ni Dale sa likod ko.
Binaba ko ang bowl at pinunasan ang labi ko at nilingon siya.
"Bakit andito ka?" takang tanong niya at pumunta sa gilid ko. Dala ang isang tray ng mga nagamit na pinagkainan.
"Hindi naman obvious na kumakain ako diba?" balik ko.
Nilingon nito ang loob ng kusina ay may bahagyang sinilip. Binalik sa akin ang tingin at umupo sa kaharap kong upuan. Nilagay din ang mga dala nito sa gilid ng lamesa.
"Ang ibig kong sabihin, bakit ka nandito, may ibang sinadya ka ba maliban sa pagkain?" usisa niya.
Hindi ako agad nakapagsalita. Maya maya ay lumabas ang inaantay kong makita. Si Andrea.
Napasunod din si Dale nang ang mata ko ngayon ay na kay Andrea. Hindi niya kami napansin at may ibang ginagawa ito.
"Kailan mo pa alam na nandito siya?" tanong ko dito.
Napatingin ako kay Dale ng umayos ito ng upo.
"Bakit gusto mong malaman?" walang emosyong tanong niya.
Huminga ako ng malalim at sumandal din sa upuan ko.
"Kasi curious ako." saad ko dito.
"Kaya ka andito? Kasi curious ka?"
BINABASA MO ANG
Fated to be Yours
FanficSa paghahanap ni Via ng hustisya para sa nilakihang magulang ay malalaman niyang ang dating kasintahan na si Kian na minahal niya noon ay tagapagmana pala ng pamilyang plinaplano niyang sirain. Kaya niya kayang ituloy ang nasimulang plano o hahayaan...