Kian
"Ito po yung mga schedules niyo para bukas sir. At exactly 9am po ay dadating po ang ibang mga investors para sa gagawin niyo pong project sa France. Sa lunch po ay gusto po ng lolo niyo na doon kayo sa mansion kakain. By 2pm ... "
"Nakauwi na ba siya?" putol ko kay Harvey habang seryoso kong nilalaro ang lapis sa mga daliri ko.
Hindi na siya naalis sa isipan ko pagkatapos niya umalis dito kanina. Her face, her lips, touch and even her little moans tickled my desire to cage her again. To locked her up in between my arms.
I looked at Harvey when I didn't heard any sudden response.
He nodded immediately.
"Sinabay daw po siya ni sir Kenji."
Nagsalubong agad ang kilay ko sa narinig. Namali ba ako ng rinig?
"Who drives her home?" ulit ko.
Noong una ay nag-alinlangan itong ulitin ang sinabi sa akin lalo at nakikita niya ngayon ang reaction ng mukha ko. I clenched my hand.
"S-si Sir Kenji daw sir."
Halos mabali ko ang lapis na hawak ko dahil sa galit na nararamdaman ko. Ano na nanaman ba plano ng taong iyon at ngayon naman ay si Via ang sinusunod niya. Tatayo na sana ako ng biglang bumukas ang pinto at niluwa si Chelsea at Dale sa bungaran nito.
"Bakit mukhang mangangain na naman to ng buhay?" komento ni Dale ng mapansing ang reaction ng mukha ko.
Kinuha ko agad ang coat kong nakasabit sa sandalan ng upuan at aalis na sana ng pigilan ako ni Dale.
"Saan ka pupunta?" pigil nito sa akin.
I gave him a deadly stares and he just put his hands up.
Bumalik ako sa upuan ko at umupo ulit. I looked at my watch. Nasaan na kaya sila? Hinatid niya ba? Nahatid niya ba? Sh*t! Ang gago mo Kenji. Papatayin kita kapag may ginagawa kang hindi maganda kay Via.
Lumapit si Harvey kay Dale at may binulong at maya maya ay tumango itong parang naunawaan na.
"I saw her when I came here. Nagkasalubong kami." saad ni Chelsea na mukhang narinig ang binulong saka umupo sa sofa at tiningnan si Harvey.
Agad umiwas ng tingin si Harvey sakanya. Tumikhim naman si Dale na parang naramdaman na may something sa dalawa.
"Labas po muna ako sir." paalam ni Harvey sa akin na kinaayos ng upo ni Chelsea.
"Why? You can stay more longer." sagot agad nito.
Ngumiti lang si Harvey at magalang na yumuko at lumabas ng office ko.
"Bakit ganun yong taong yun? Everytime na pupunta ako dito sa office mo ay umaalis siya. Iniiwasan niya ba ako?" naiinis niyang sambit saka binagsak ang sarili sa sofa at humalukipkip.
"Baka daw kasi mangangain karin ng tao." biro ni Dale.
Tiningnan siya ni Chelsea ng masama.
"Kung nandito kayo para dumisplay, you can go now. May pupuntahan pa ako." malamig kong utos sakanila.
"Saan ka pupunta? Kay Via?" tanong ni Dale.
"Via, Via, Via. Palaging Via ah." sambit ni Chelsea na kinatingin namin sakanya. Hinarap ko siya at humalukipkip.
"May problema ba tayo?" tanong ko dito.
Tumayo siya na may nilapag na mga papel sa table ko.
"Ito yung mga papers na hinihingi mo. As I told you, innocent si lolo sa mga bintang mo sakanya. Wala siyang kinalaman sa pagkamatay ng magulang ng EX mo." Diin niya saka ako inirapan.
BINABASA MO ANG
Fated to be Yours
Fiksi PenggemarSa paghahanap ni Via ng hustisya para sa nilakihang magulang ay malalaman niyang ang dating kasintahan na si Kian na minahal niya noon ay tagapagmana pala ng pamilyang plinaplano niyang sirain. Kaya niya kayang ituloy ang nasimulang plano o hahayaan...