Chapter 2

28 3 0
                                        

"This is for today. Don't forget your assignment. Goodbye Class." Mrs. Rameo said.

"Goodbye Ma'am!" Paalam din namin at lumabas na si Ma'am na sinundan na ng iba.

Itatago ko palang ang notes ko ay tatayo naman na ang katabi kong si Kian at lalabas na din ng room.

"Mauna na ako sa inyo guys." paalam ni Lalaine.

"Ingat." sagot ko.

"Bye Lalaine." singit ni Gio pero inarapan lang ni Lalaine saka nagpaunang lumabas na.

Narinig ko namang tumawa ng mahina si Jarus.

"Sabay na tayo?" yaya niya sa akin.

Sasagot na sana ako nang ilahad ni Gio sa harap ng mukha niya ang cellphone nito.

"As in now na?" tanong niyang hindi inaasahan ang pinabasa sakanya. He then heave a sigh.

"Let's go?" yaya niya kay Jarus.

"May meeting daw kami together with our team." sabay kamot sa batok niya na parang nahihiyang bawiin ang pagyaya niya kanina.

"Go ahead." Sagot kong nakangiti.

"Pasensiya na talaga pero next ..."

"Halikana at nag aantay na si coach!" putol nito sa sinasabi ni Jarus at inakbayang hinila papaalis.

"Sabay tayo bukas Via, okay?" Habol nito hanggang sa nahila na siya hanggang sa labas ng classroom.

Nakangiting naiiling nalang ako.

Nang mailigpit ko ang lahat ng gamit ko at tatayo na sana ako ng makita ko ang isang wallet sa upuan mismo ni Kian. Kinuha ko iyon at tiningnan ang loob para masiguradong kay Kian nga.

Nakita ko ang isang larawan ng isang ginang na nakangiti habang yakap ang isang batang lalake na sa mukha nito ay kita ang saya. Nakita ko rin ang 2X2 picture sa gilid nito at si Kian iyon.

Tipid ang ngiting makikita sa larawan niyang ito pero kita parin ang kagandahan ng mukha niya.

That first and second time around that our eyes met gaves me some foreign feeling that I couldn't even know what does it mean. Basta ang alam ko lang ay I can resist looking at him too when he does the same way. I shrugged that thought when I realized what I am thinking.

Tiniklop ko ang wallet niya at lumabas ng classroom at nagbabakasaling mahahabol ko pa siya.

Patakbong naglalakad ako habang ang mata ko ay hinahanap siya.

"Via!" tawag sa akin ni Gail na kalalabas din ng classroom nila.

Patakbo itong lumapit sa akin.

"May ikwenkwento ako sayo." panimula niya at tinuloy ko ang paglalakad habang ang mata ko parin ay hinahanap si Kian.

"Yung new student sa inyo. Si Kian diba? Halos pagpiyestahan siyang tingnan ng mga kaklase ko nang dumaan siya kanina. Ang lakas ng appeal. Kung sabagay nasakanya na lahat ng katangian ng isang lalake. Tall, thick eyebrows, pointed nose, red lips, long eyelashes ... " at napatigil ako sa paglalakad na kinatigil din niya.

"Seryoso? Nakita mo talaga yun nung dumaan lang?" I unbelievably asked.

"Sa harap ako nakaupo girl. Siyempre parang slow motion nadin siyang dumaan at nakita ko facial features niyang yun. Ang gwapo!" kilig niyang banggit sa huli.

Napailing ako at tinuloy na maglakad. Paano ko ibibigay sakanya ang wallet niya kung kasama ko ngayon ang kaibigan ko. Baka ano pang gawin mamaya kapag nakita si Kian.

Fated to be YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon