Chapter 20

7 0 0
                                        

Via

Pagkadating ko sa hospital ay agad akong tumungo sa information desk.

"Goodafternoon po. Dito po ba nakaconfine si Kian James Crisanto?" tanong ko sa isang babae.

"Kian James Crisanto? Wait lang po at titingnan ko dito." sagot ng babae at bago pa niya sabihin kung saang kwarto ito ay may tumawag sa pangalan ko.

"Via?" agad akong napalingon sa babaeng tumawag sa akin.

"H-hello po tita." bati ko sa mama ni Kian.

"Ako na ang magdadala sakanya miss." bilin niya sa nakausap ko kanina.

"Sige po." sagot niya.

Tiningnan niya ako.

"Halika na." aya sa akin at kinawit ang kamay sa braso ko. May dala itong plastic na parang ang laman ay mga tinapay at ilang pagkain.

"A-ano po pala ang nangyari kay Kian tita?" tanong ko habang naglalakad kami papunta sa ward room.

Tumigil ito.

"Upo muna tayo iha." aya niya sa akin at tinuro ang isang bakanteng mauupuan.

Umupo muna kami at maya maya ay sumandal niya ang ulo nito na para bang pagod na pagod sa maghapon.

"Pagdating niya kasi kagabi, napansin kong may dugo at galos sa siko niya. Pero mukhang nagamot naman na. Pero siyempre nag-alala parin ako at tinanong ko kung napano iyon. Ang sabi niya sa akin ay natumba lang daw siya ng bike. Pero ramdam kong hindi lang siya natumba iha. Kaninang umaga, nagtaka na ako kung bakit hindi pa siya lumalabas ng kwarto. Pumasok ako sa kwarto niya. Nakahiga lang siya. Lumapit ako at kinapa ko ang noo niya pero nagulat ako nang maramdaman na ang taas ng lagnat niya. Agad ko siyang dinala dito sa hospital kaninang umaga. Ang sabi sa akin ng doctor ay kailangan daw siyang ipa-Xray pagkagising niya. Mukha daw kasing hindi klaseng tumba lang ang nangyari daw sakanya ng tinanong sa akin kung ano ang nangyari. Parang nabangga daw kasi iha. Hindi ko alam. Ayaw sabihin sa akin ng anak ko." napansin kong naluluha ito habang kwinekwento niya. Maya maya ay bahagyang yumuko at tinakpan ang mukha at pinunasan ang luha. "Masyado kasing malihim ang anak ko. Ayaw niyang sabihin sa akin kung ano ang masakit sakanya o nararamdaman niya. Para tuloy akong walang kwentang ina sa anak ko." naiiyak niyang sambit.

Agad ko siyang niyakap.

"Hindi po tita. Huwag niyo pong sabihin iyan. Ayaw niya lang po siguro na mag-alala kayo o nakikitang nahihirapan." hinaplos ko ang likod niya para patahanin.

Bumitaw ito at pinunasan ang luha niya.

"Pero mahirap parin sa part ko iha na nakikita ko siya ngayon sa kalagayan niya."

Para tuloy akong nakonsensiya. Kasalanan ko ito eh. Kung hindi siguro ako pumunta doon, at kung hindi rin siya tinawagan ni Dale, hindi sana mangyayari sakanya ito.

"Basta ang mahalaga ngayon ay gumaling siya iha. Babawi ako sa anak ko." saad niya.

Tumayo na ito na kinasunod ko. Pumunta kami sa room kung nasaan siya ngayon. Naabutan namin ang tatlo pang pasyenteng na naroon na tanging puting tela lang ang pagitan nilang lahat. Tulog pa si Kian ng madatnan namin ito.

Ang amo ng mukha niyang natutulog. Parang isang batang napakainosente at walang kaalam-alam sa mundo.

"Iha. Maiwan muna kita dito. Nakalimutan kong binili iyong isang gamot ni Kian. Mabilis lang ako." imporma niya sa akin.

"Sige po tita. Ako po muna ang magbabantay sakanya." Saad ko.

Umalis na siya agad at ako nalang naiwang nagbabantay sakanya. Umupo ako sa gilid at pinagmasdan siya. Tiningnan ang kamay niyang nakadextrose at ang gasgas niyang kagabing ginamot na ngayon ay may mga puting tumatakip doon.

Fated to be YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon