Via
Nanatili ako sa loob ng store at nagbabakasakaling babalik siya dito. Nilagay ko sa carrier ang cake at letter ko sakanya.
Tinext ko siya sa dating number niya. Siguro naman ay binalik na sakanya ang cellphone niya.
Sinubukan ko ring tawagan pero cannot be reach. Naabutan na ako ng gabi kakaantay kay Kian dito. Tiningnan ko ang bike na regalo ko sana ngayon para sakanya. Makikita pa kaya niya? Magagamit pa kaya niya?
Pinikit ko ang mata ko at mukha niya agad ang nakita ko. Tumulo ang luha ko ng makita ko ang mga ngiti niya. Maya maya ay humikbi na ako at tinakip ang mga palad sa mukha. Ayaw kong mag-isip na iniwan niya akong walang pasabi. Hindi niya gawain iyon. Nagsasabi siya kung may mga pupuntahan o ano.
Kaya ba ibang iba siya ngayong nagdaang araw? Yung tipong kung niyayakap ako ay parang mawawalay siya nang napakatagal? Yung titig na para bang sinusulit ang bawat oras na nakikita ako? Ang sakit. Hindi ko kaya.
"Kian, bumalik ka please." hagulgol ko.
Sa patuloy na pag-iyak ko ay hindi ko namalayang nakatulog akong nakaupo at nakasandal sa harap ng counter. Nagising nalang ako ng may humaplos sa pisngi ko.
Agad akong napaayos ng namukhaan ko ang taong kaharap ko na kahit madilim ay alam ko siya ito.
"Kian." sambit ko at muling nanubig na naman ang mata ko.
Hinawakan ko ang kamay niya sa pisngi ko para malaman kung hindi ako nananaginip.
"Kanina ka pa ba?" bulong niya.
Nanginig ang labi ko at hindi ko napigilan ang paghikbi ko sa harapan niya. Umiyak ako. Siya nga ang nasa harapan ko. Hindi ako nananaginip.
"Huwag mo akong iwan." Pagmamakaawa ko habang umiiyak.
Agad niya akong niyakap ng mahigpit. Sobrang higpit na para bang nalalabi lang ang oras naming magkasama ngayon. Naramdaman kong hinalikan niya ako sa noo.
"Tandaan mong mahal na mahal kita. Mahal na mahal kita Via." muli niya akong niyakap.
Hindi ko parin mapigilan ang sarili ko. I was crying hard now. Bakit ganito ang nararamdaman ko kahit nandito at kayakap ko siya. Bakit parang nagpapaalam siya sa akin ngayon.
"Please stay." I begged. He didn't say anything. Doon na naman ako humagulgol.
Tiningnan niya ako at pinunasan ang luha ko sa pisngi. He kissed my tears in my eyes.
"I love you." He whispered. Sinunod niya akong hinalikan sa magkabilang pisngi, sa ilong, hanggang sa dumampi ang labi niya sa labi ko.
He moved and tasted it. Na para bang huling halik na niya sa akin ito. I closed my eyes. Pinakiramdaman ko ang presensiya niya, ang labi niya, ang mensaheng pinaparating ng bawat halik niya.
This will not be our last, is it? He just missed the celebration of his birthday with me. Naiintidihan ko iyon. Naiintidihan ko iyon kung iyon ang gusto niyang iparating pero bakit parang taliwas sa nararamdaman ko? Bakit parang huli na ito.
Medyo nagtaka nalang ako ng pumapailalim ang halik niya sa akin. He was kissing me deeply and hard now. Hindi siya ganito dati. He was gentle when it comes to this.
Maya maya ay bumaba ang mga halik niya sa panga ko hanggang sa leeg. Bigla akong kinabahan.
"Kian." tawag ko pero hindi siya tumigil sa ginawa.
Lumakas ang tibok ng puso at nakaramdam ng takot sa biglang ginagawa niya sa akin.
"Kian!" at bahagya ko siyang natulak rason para tumigil siya. Bahagya ring nakatagilid pa ang ulo at sa akin ngayon siya nakatingin.

BINABASA MO ANG
Fated to be Yours
FanfictionSa paghahanap ni Via ng hustisya para sa nilakihang magulang ay malalaman niyang ang dating kasintahan na si Kian na minahal niya noon ay tagapagmana pala ng pamilyang plinaplano niyang sirain. Kaya niya kayang ituloy ang nasimulang plano o hahayaan...