Nakatanggap si Mason ng isang liham mula sa isang International School sa Taguig. He was being offered to join an Exchange Student program for a year na magsisimula sa darating na Agosto.
Hindi lamang si Mason ang nakatanggap ng naturang liham. Maging sina Clarice at Jayne–ang mga kasamahan niyang nanalo sa Chartered Finance Analyst Competition–ay nabigyan din ng parehong pagkakataon. Ang may-ari ng Melca Corporation na siyang sponsor ng naturang patimpalak ang siya ring nag-offer ng Exchange Student program sa unibersidad kung saan ito nag-aral.
Walang pag-aatubiling tinanggap ng dalawang dalaga ang alok na iyon.
Sapagkat hindi pa siya nagdedesisyon ukol dito, minabuti na niyang hingan ng opinyon ang ama at ang isang kapatid nang dumalaw ang mga ito sa apartment nila sa Teacher's village upang dalhin ang mga lutong-bahay ni Matilda.
"Ayos 'yan, Mase. Kung ako sa'yo, tanggapin mo na. Aba, hindi lahat ng estudyante, kayang pumasok diyan sa Berkeley-Reagan University ah. Pangalan pa lang, big-time na," pagkumbinsi ni Mark.
"Oo nga, hayaan na natin kung 'di ka maka-graduate with Latin Honors sa UP. Sayang din yung matututunan mo doon," sang-ayon din ni Kuya Chino.
Mabilis ding sumagi sa isipan niya ang tinurang iyon ng kanyang kuya. Kung hindi niya matatapos sa loob ng apat na magkakasunod na taon ang kanyang kurso, he wouldn't be able to graduate with honors. It was a strict rule. Regardless if he took the same units in another school as part of the exchange program.
Naisip rin niya na baka kayanin naman niya ang load kung pagsasabayin niya ang ESP na iyon at ang full-load sa UP on his third year.
"Ano ba ang iniisip mo, 'Toy?" usig ng ama nila.
"Ah, kung units lang naman po ang usapan, kaya ko naman siguro–"
"Sandali... para kang nag-double major niyan. Sigurado kang kaya mo?" putol ni Chino.
Tumango si Mase. "Kakayanin. Pero iniisip ko pa po. Wala rin kasi akong makita sa Exchange Student Program ng BRU kung pwede ang online classes o kaya yung parang sa Open University. Kung kailangan kong magbyahe mula Diliman papuntang Taguig–"
"Byahe pa lang, talo ka na, 'Toy," halos sabay-sabay na sagot ng tatlo.
"Iniisip ko rin po yung byahe ko kung tatanggapin ko." Hindi biro ang traffic sa Maynila lalo na tuwing may pasok. Kaya sila kumuha ng apartment sa Diliman upang hindi kumain nang napakaraming oras sa pagko-commute pa lamang.
"Edi tumingin din tayo ng titirhan mo doon sa Taguig," kampanteng tugon ng ama.
"Baka po mahal masyado." Hindi maikakaila ni Mason na isa ang Taguig sa mga kilalang business district at mahirap makahanap ng matitirhan sa paligid nito. Tiyak na nakuha na ang mga murang apartment o boarding house.
"Di naman siguro sing-mahal ng tuition sa school na 'yon." Nakangiti pa rin ang ama nila. Kahit hindi nito tahasang sabihin, maging si Charles ay sang-ayon na tanggapin ni Mason ang exchange program na iyon. "Kung ayaw maraming dahilan, kung gusto, maraming paraan."
"Siguro iniisip mong mapapalayo ka kay Sapio Girl no?" Taas-baba ang mga kilay ni Mark sa panunukso nito.
Sandaling natigilan si Mason doon. "H-hindi naman po."
"Hoo, nautal ka na. Huli ka na, Totoy," pang-aasar pa ng kuya..
"Baka si Louie pa ang pumilit sa'yo na tanggapin yubg alok," nakangiting pagpapaalala ng ama. "Makakapaghintay naman ang love-love na 'yan. Pero yung mga ganyang opportunity, who knows, baka minsan lang dumating, diba?"
"Naks, supportive girlfriend na ba," panunukso na naman ni Mark.
Na bahagyang binatukan ng nakatatandang kuya. "'Pag na-jinx mo ah."
BINABASA MO ANG
From A Distance
Teen FictionFrom the moment his eyes laid upon her, she has started running in his mind. Curiosity must have killed the cat, but the desire to know her more drove him to uncover a myriad of secrets... Until he finally understood-- She's a lost soul chained t...