62. Kakaibang Saya

7.2K 312 139
                                    

Aligaga si Mason habang lulan ng sasakyang minamaneho ng amang si Charles nang sunduin siya nito mula sa tahanan nina Louie. Nanatili siyang tahimik dahil batid niyang pinapakiramdaman din siya ng ama.

Alam niyang nakita ni Charles ang ginawa niyang pagnakaw ng halik kay Louie. Ito kasi ang bumusina na dahilan ng kanyang pagkagitla't pagkauntog sa bubong ng sasakyan. At nakasisiguro siyang nasaksihan din nito nang kinintalan siya ng halik ni Louie sa pisngi.

Muling naramdaman ni Mason ang pag-iinit ng kanyang punong tenga. Kinailangan pa niyang kagatin ang loob ng pisngi at ikuyom ng mga palad upang hindi siya mapangisi. Ipinikit na rin niya ang mga mata at nagpanggap na lamang siyang natutulog.

"Masyado ka yatang natakot sa Process Improvement Plan na sinabi ko't naka-score ka pa ng dalawa. Mahusay," papuri ni Charles at tinapik-tapik pa ang kanyang balikat.

Ungol lamang ang naisagot niya rito dahil sa pagkailang. Ano nga ba dapat ang gawin niya knowing that his father caught him in-the-act? Play it cool? Magbingi-bingihan? Humingi ng payo o ng opinyon mula rito?

"Mana ka nga sa'kin," narinig niyang sambit ng ama na sinundan ng mahinang pagtawa nito.

"Po?" takang nilingon niya ito.

"Sa inyong limang magkakapatid na lalaki, ikaw ang nagmana sa'kin 'kako. Kasi hinalikan ko rin si Mama mo para tumahimik at sagutin ako. Ayaw kasing tumigil magtatalak eh, hahaha. Yon nga lang di na ako nakaulit. Kinasal na kami nung nahalikan ko ulit siya."

Kahit natatawa, itinakip na lamang ni Mase ang braso sa mga mata at sumandal sa upuan. He couldn't believe he just heard that. Paanong nasabi ng amang nagmana rito si Mase at tila ba ipinapahiwatig na parehas sila ng ginawa? Kahit anong anggulo tignan ni Mase, magkaiba ang naging karanasan nila.

Bukod pa rito, nakasisiguro siyang hindi mabisa ang istilo ng Tatay para sa tulad ni Louie dahil hindi naman madaldal ang dalaga tulad ng kapatid niya. Kung ginawa siguro iyon ni Mase ay baka kung saang lupalop mapulot ang kanyang katawan. Mabuti na lamang talaga at himbing na himbing si Louie nang nakawan niya ng halik ito't tila wala ring alam sa ginawa niya nang magising.

Hindi na rin magtatangkang ulitin iyon ni Mason. Hindi dahil takot siyang harapin ang kamao ni Louie, kundi dahil naniniwala siya sa minsan nang sinabi ng kanilang mga magulang-That a kiss should not be freely given to anyone, anytime. Lalo sa mga hindi kapamilya. Kailangang pinag-iisipan din ang pagkakataon kung kailan ibinibigay at kung kanino ibibigay iyon so that the gesture would not to lose its essence.

A kiss, although it may not be as significant as the words 'I Love You', should be just as precious. Because just like those three words, when a kiss has been given to someone, it could never be undone.

Besides, paano siya sasagutin ni Louie matapos ang simpleng halik na iyon kung hindi pa naman siya nanliligaw?

Kailan mo nga ba balak? tanong ng isang parte ng kanyang utak.

Kapag hindi na ako naiilang na kausap siya.

Paano ka masasanay na kausap siya kung wala ka namang ginagawa?

Ibinaba ni Mason ang braso at tumikhim. He might as well learn from his father. Kung magtatanong kasi siya sa mga kuya ay katakot-takot na panunukso muna ang aabutin niya. "Paano niyo po niligawan si Mama?"

"Lagi kong dinadalaw sa bahay nila. O kaya kapag aayain kong lumabas, pinagpapaalam ko muna sa mga magulang niya para di siya makapalag, hahaha."

Sa pagkakataong iyon, hindi na niya napigilan ang pagtawa. Sigurista rin pala ang ama that he needed to secure approval from Matilda's parents para lamang mailabas ito. Marahil nga ay minana niya ang ugaling iyon mula kay Charles.

From A DistanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon