6. Yakap

23.8K 348 32
                                    

Halos maluha sa tuwa ang Nanay nila Mason nang umangat sa fourth section si Charlie noong sumunod na taon. Nawawalan na kasi sila ng pag-asang tatalas pa ang isipan ng kanilang bunso. Buti nalang daw at naging kaibigan nito sila Chan-Chan at Louie.

At bilang pagpapasalamat sa best friends ni Charlie, inaya ng Nanay nilang doon naman sa bahay nila makitulog ang dalawa. Dahil biglang naging busy ang lahat sa pag-aayos, nakaligtaan tuloy ni Mason na ipaalam sa pamilya na pinapatakbo siyang Vice President ng student council nila dahil kulang daw siya sa extra-curricular activities.

Bilang paghahanda sa pagdating ng mga kaibigan ng bunso, nag-general cleaning tuloy ang pamilyang Pelaez para hindi naman nakakahiyang datnan ng mga bisita ang bahay nila. Ibinida kasi ni Charlie kung gaano kalaki ang bahay nila Louie kaya naman kahit sa kalinisan man lang ay pumantay ang tahanan nila.

Nagluto rin ng maraming pagkain na pinagtulung-tulungan nilang lahat na ihanda. Kahit kasi halos puro lalaki ang mga magkakapatid, natuto silang lahat sa gawaing-bahay na siyang pinagmamalaki ng mga magulang nila.

Dahil parang kapatid na rin ang turing nila kay Chan-Chan na simula elementary ay madalas nang magawi sa tahanan nila, at home na at home na ito. Samantalang aligaga naman ang mga magulang nila Mason sa pag-aasikaso kay Louie dahil base sa mga kwento ni Charlie ay tila isang prinsesa daw ito sa bahay nilang malaki.

At dahil dalawa lamang ang silid sa tahanan ng mga Pelaez, sa sala nalang natulog si Mark, at ang iba’y sa kwarto na lamang nilang magkakapatid.

Gabi na noon at kasalukuyang naglalaro ng Xbox sina Charlie at Chan-Chan habang nagko-computer naman si Mark at Chuck nang mapansin ni Mason  na tumayo si Louie.

“Kuha lang ako ng tubig ha,” tila nahihiyang pagpapaalam ni Louie sa kaibigan na hindi man lang ito nilingon.

“Sige, kuha kalang sa prijider,” sagot naman ni Charlie na tutok na tutok pa rin sa TV. Madalang lang kasi silang payagang maglaro hanggang gabi kaya tiyak na nilulubos nito ang pahintulot ng mga magulang dahil naroon nga ang mga kaibigan.

“Hoy, samahan mo kaya,” sumbat ni Mason sa kapatid.

“Ay hindi na po kuya, kaya ko naman,” sagot naman ni Louie nang naka-ngiti bago ito lumabas ng kwarto.

Mahinang binatukan ni Mason ang kapatid. “Samahan mo sabi!”

“Sandali! Matatalo ko na si Chan-Chan!” angal naman nito.

Napailing na lang si Mason at sumunod na lamang kay Louie papunta sa kusina. Hindi kaaya-ayang tignan na pabayaan na lang ang bisita sa kanilang tahanan.

Nagitla na lamang siya nang biglang lumundag at yumakap sa kanya si Louie nang makarating siya sa kusina.

"Ahhh! CHARLIEEEEEEEEH! There's a fucking cockroach over there!!! And why the fuck is that insect flying?!"

“Ano? Ipis lang ganyan kang makatili?” medyo nairita niyang singhal dito. Pilit na kinakalas ni Mason ang pagkakayakap sa kanya ni Louie subalit mahigpit itong nakakapit sa leeg niya.

From A DistanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon