64. Mga Alinlangan

6.6K 291 123
                                    

Sinalubong si Mason ng sala-salabat na tanong nang makauwi siya sa tahanan ng mga Pelaez pagsapit ng Biyernes ng hapon. Sinubukan niya namang ipaliwanag sa pamilya ang tungkol sa Chartered Finance Analyst competition. Tinulungan din siya ni Chino upang mas madaling maintindihan ng pamilya na hindi iyon simpleng tagisan ng talino. Ayon sa mechanics ng patimpalak na iyon, magbibigay ng case study ang isang sponsor at ang bawat grupo ng mga kalahok ay kailangang aralin iyon, magsagawa ng in-depth analyzation kung gaano kalaki ang gagastusin o kikitain ng kumpanya sa loob ng dalawampung taon. Kailangan din nilang magbigay ng mga suhestiyon kung paano iha-handle ang mga predicted challenges.

Gadgets, cash prize, posibleng scholarship program abroad ang mapapanalunan ng kupunang makapagbibigay ng pinakamahusay na analysis. Bukod pa roon ay maaaring isagawa rin ng kumpanya ang naging resulta ng pagsasaliksik at agad na kuning empleyado ang mga miyembro ng kupunan sa oras na magtapos sa kolehiyo.

"Sabihan mo lang kami 'Toy, kung may gusto kang ipaluto, ipapadala namin doon," sabik na saad ni Matilda.

"'Yung mga maruruming damit mo, iuwi mo na lang dito, kami na lang ang maglalaba para makapag-concentrate ka sa pagpe-prepare mo," wika naman ni Chad.

"O, si Chad daw ang maglalaba ah," natatawang dugtong ni Mark bago ito kumambiyo. "Basta pag kailangan mo ng kotseng pang-date kay Sapio Girl, sabihan mo ako."

"Diyan! Diyan ka talaga magaling," nandidilat ang mga matang puna ng ina. "Basta usapang date, nangunguna ka talaga. Nakita mo na ngang inaabisuhang mag-aral nang mabuti si Totoy."

"Ma, hindi rin naman po magandang puro aral lang. Balanse dapat! Siyempre, kailangan ding magpahinga paminsan-minsan, diba 'Pa?"

"Dinamay mo pa talaga ako," umiiling namang pakli nang ama. "Pero 'wag isa-sacrifice ang tulog. Next year pa naman 'yan. Kailangan din ng utak at katawan mo ang magpahinga. Macoy," baling ni Charles sa panganay. "May maire-reseta ka bang vitamins o kaya supplements para sa kapatid mo?"

"Sige po, Pa. Manghihingi na rin ako ng prescription sa residente namin para pwedeng ipa-reimburse ni Mac-Mac."

"De, in Mac's defense, magrelax din paminsan-minsan. Reward yourself ba. Or to simply get your mind off your studies temporarily. Mas madaling makaabsorb ng bagong learnings kapag di ka stressed," pagsang-ayon naman ni Chino.

"O, attorney ko na ang nagsalita. See? May point ako."

Hindi namalayan ni Mason na naubos na niya ang pagkaing nasa plato habang nakikinig sa usapan. Mabuti na lamang at umuwi siyang nataon pang kumpleto ang pamilya. He was happy to be home. Although he normally disliked noise, hearing the rowdiness of his siblings gives him a weird sense of peace. Anumang alalahaning dinadala niya ay agad napapawi nang mga ito.

Naaalala niya noong nagre-review para sa Physicians Licensure Exam si Marcus at sinundan naman ni Chino para sa Bar exams, halos hindi rin nila inabala ang mga ito sa pag-aaral. Nais kasi ng mga magulang na ang paghahanda lamang para sa mga pagsusulit ang intindihin. They were very supportive like that.

"Ikaw, Prinsesa? Anong maiaambag mo?"

Inangat ng bunso ang tingin mula sa taimtim na pagtatanggal ng tinik ng bangus sa plato. "Hm? Nasabi niyo na lahat eh. Pero ano...kapag iniistorbo ka ni Lark, ako na lang ang mag-aalaga, hehe."

"De...ayain mo na lang si Louie na ire-view si Mase."

Nanlalaki ang mga mata ng ibang kapatid na lalaki nang balingan ang nagsalita na namang si Mark. Sa ilalim ng mesa ay bahagyang sinipa ni Mase ang binti ng kuya subalit hindi siya pinansin nito.

"O? Bakit? Di ba si Louie ang nagrereview kay Prinsesa noon? Baka matulungan din si Totoy at mas ganahang mag-aral." Kinindatan pa nito si Mason kahit mas napalakas na ang pagsipa niya rito.

From A DistanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon