“…I would like to be your girlfriend.”
Nilamon ng katahimikan ang buong paligid. Ultimo mga huni ng ibon at ang pagtatawanan ng mga estudyante sa kalapit na mesa ay tila natahimik sa tinurang iyon ni Hayley. Wala ring sumubok gumalaw.
Ang kaklaseng si Gwyndele ang nangahas basagin ang nakabibinging katahimikang iyon. “Ahhh… Tara na guys. Iwan na natin silang dalawa,” anyaya nito at hinila na ang kamay ng sinumang katabi.
Napapiksi si Clarisse sa paghila ng kaibigan. “Sandali lang,” anito at bakas sa mukha ang kaguluhan ng isip nang humarap kay Mason. “Mase, anong ibig sabihin nito?”
Subalit hindi siya agad nakahuma at itinuon ang atensiyon sa pagliligpit ng pagkain na sinimulang tikman ng dalawa pang lalaking kasama nila. Paano umabot sa ganitong punto ang usapang nais lang maranasan ni Elay ang makalumang panunuyo? Ano ang dapat niyang isagot?
Mali. Bakit ba kasi niya tinanggap ang usapang iyon?
“Nililigawan mo siya?” tanong ulit ni Clarisse nang walang mahita sa kausap. “Akala ko ba gumagawa ka lang ng pabor para sa isang kaibigan? H-Hindi mo sinabing gagawin namin ‘to para may mapasagot kang babae.”
Tama. Iyon lang naman ang sinabi niya sa mga kaibigan. Kailangan niya ng tulong para sa Filipino style ng panliligaw na gustong maranasan ng isang banyagang kaibigan. Hindi na nagtanong si Clarisse noon nang lapitan niya ang mga ito pumayag agad. At wala na rin naman siyang ibang sinabi.
“Excuse me. You are?” tila inis na pakli ni Elay sa sunod-sunod na tanong dalaga.
Humugot ng malalim na hininga si Clarisse na tila nagtitimpi. “Schoolmates kami ni Mase simula high school. Kaya alam ko ang tipo niya. At hindi ikaw ‘yon.”
Natawa nang pagak ang kausap. “And you think you are?” balik nito.
“Oohhh… burrrrnnn…,” kumento ni Kier na tinapal ni Patrick sa balikat.
“Wala akong sinabing ganun,” depensa ni Clarisse sa mas matigas na boses bago hinarap si Mason na wala pa ring imik. “Mase…” tila nagmamakaawang tawag nito.
Bumagsak ang mga balikat ni Mason at humarap kay Elay. Hindi pwede ito. “Elay, wala ‘yan sa usapan,” malumanay niyang saad dito. Unang beses niyang tahasang tumanggi sa hiling ng isang babaeng hindi niya kamag-anak. At sana’y huli na rin. Isa ito sa mga dahilan kung bakit hindi siya masyadong nakikihalubilo sa mga babae dahil nangangamba siyang madawit sa kumplikado nilang buhay.
Nagkibit-balikat naman si Elay na tila walang epekto ang pagtanggi ni Mason. “I know. I just want to help you out some more.”
“Kung ano mang usapan ‘yan, clearly he doesn’t need your help,” saad ni Clarisse.
“It’s not for you to decide,” balik ulit ni Elay bago sinulyapan si Mason. “Ano na?”
BINABASA MO ANG
From A Distance
Teen FictionFrom the moment his eyes laid upon her, she has started running in his mind. Curiosity must have killed the cat, but the desire to know her more drove him to uncover a myriad of secrets... Until he finally understood-- She's a lost soul chained t...