61. Road Trip

12.7K 385 279
                                    

Bahagyang napakapit si Mason sa handle bar nang mabilis na nagmaneho paliko si Louie. Napatingin din siya sa speedometer at nakitang 110/km ang takbo nila. Tila napansin din yata ito ng dalaga na mahinang natawa.

 

"Ayos ka lang?" tanong nito.

 

"Ah..ayos lang naman," kalmado pa ring sagot niya rito kahit ang totoo'y mabilis ang tibok ng kanyang puso. Mabuti na lamang at malalim na ang gabi, wala nang gaanong nakakasalubong na mga sasakyan.

 

"Mabilis ba masyado? Malayo kasi eh," paliwanag ni Louie.

 

Kaya naman naunawaan din ni Mase kung bakit tila nagmamadaling magmaneho ang kasama. Upang mabilis na makarating sa Tagaytay at makapagpahinga nang kaunti doon. "Hindi, okay lang. Mukhang wala namang nanghuhuli dito," pagsang-ayon niya. "Nagda-Drag racing ka nga pala 'no?"

 

Napabulanghit si Louie. "Drag racing talaga? Ano...drift driving ang sinalihan ko dati," pagtatama nito.

 

Alam iyon ni Mase. Nais lamang niyang may mapag-usapan silang iba at hindi lang tungkol sa nakakatuwang litrato nina Hiro at Caela. Mas mainam kung gagamitin niya ang pagkakataong ito upang makilala pa si Louie Kwok. Maganda rin iyon upang mabawas-bawasan naman ang dead air habang nasa biyahe. "Anong kaibahan ng drift driving sa drag racing?"

 

"Drag racing is simply linear acceleration over a measured distance, usually, a quarter mile. Bale magkatabi ang dalawang sasakyan tapos parang smooth lang ang race track course hanggang finish line. Pero yung drifting, iba. Hindi mo maipapanalo ang laban kung masyado kang pa-safe. Hindi din pwedeng sobrang angas dahil may bawas din kapag may nabangga ang sasakyan mo. You have to make your car slide horizontal around corners of race tracks. Pero tamang timpla dapat lahat. Dapat hindi ka mababangga dun sa mga obstacles."

 

Tumango-tango si Mason. "Ah, kasi may deductions din ‘yun sa overall points."

 

"Ganun na nga."

 

Napaka-unconventional talaga para sa isang babae ang mga nakahiligan ni Louie, ang naiisip ni Mason. Batid din kasi niyang nagse-self defense din ang kasama. Di na siya magtataka kungsa susunod ay target shooting naman ang maisipan nitong gawing hobby. "Kelan ka natutong magdrift drive?" usisa niya.

 

"Fourteen yata."

 

"Sa Japan ka lagi nagdi-drift?" Imposible naman kasing sa Pilipinas ginagawa iyon. Bukod sa pangit na nga ang kalsada, delikado pa ang karamihan sa mga daan.

 

"Nasubukan ko rin sa Singapore."

 

"Buti hindi nagagalit si Mama mo?" Marahil kung isa sa mga kuya niya ang nagpaalam sa mga magulang na nais nitong makipagkarera, tiyak na magagalit ang ina nila't katakut-takot na paglilitanya na naman ang maririnig nila.

 

Tumawa muna si Louie bago sumagot. "Ayaw niya talaga dati. Mapilit lang ako. Hindi na lang talaga siya nanonood ng mga laban. Pakiramdam ko kasi magno-novena yun eh, hahaha. Tsaka alam naman niyang maingat akong magmaneho."

From A DistanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon