Dahil sa papalapit na JS Prom, samu't-saring pagpupulong ang kailangang daluhan ni Mason bilang pangulo ng sanggunian ng kanilang paaralan. Isinasama rin siya ng mga guro upang makipag-usap sa mga potential sponsors para sa pagtitipon na iyon.
Damang-dama na rin niya ang excitement ng mga kamag-aral kaya naman pursigido siya upang maging memorable iyon para sa kanilang lahat.
Subalit sa gitna ng pagiging abala niya ay marami siyang nakakasalubong na kamag-aral na bigla na lamang magtatanong.
"Mase... ano, kakapalan ko na ang mukha ko pero... pwede ba kitang maging partner sa Prom?" tanong ng kaklase nilang babae habang hinihintay ang susunod na guro matapos ang lunch break. Hindi lang ito ang unang nagtanong kay Mason. Marami-rami na ring third year at fourth year students ang lumapit sa kanya.
Tanging tipid na ngiti lamang ang tugong naibibigay niya sa mga nagtatanong.
"Asa ka naman, Vera!" sabat naman ni Aaron. Mabuti na lamang at hindi rin siya iniiwan ng mga ito. Sila kasi ang nagsisilbing taga-sagot niya sa mga nagtatanong. "May partner na si Mase, 'no!"
Sumimangot naman ang kamag-aral nila. "Nagbakasakali lang! Ito naman! Hindi naman masamang magtanong diba?" balik naman ng dalaga bago inirapan si Aaron at nginitian si Mason. "Si Clarisse ba 'yung partner mo?"
"Anong-ako ang partner ni Clarisse! AKO!" pagdidiin ni Aaron. Si Clarisse del Rosario ang tinaguriang pinakamaganda sa mga graduating students. Ito rin ang inilaban nila sa pageant noong nakaraang taon na naipanalo ni Louie Kwok.
"Eh bakit ba ikaw ang sagot nang sagot?" naiirita nang singhal ni Vera dito. "Kitang si Mason ang kausap eh!"
"Kapatid niya 'yung partner ni Mase, okay?" sagot ni Nile.
"EHHH?! SI CHARLIE?!" tila di-makapaniwalang balik-tanong ni Vera at ni Aaron na siyang tahimik na nagpatawa kay Mason.
"Oh, bakit gulat na gulat kayo?" tanong ulit ni Nile sa kanila.
Nagtinginan muna si Vera at Aaron bago nagtanong ang binata. "Akala ko si ano 'yung partner ni-Teka, magga-gown si Charlie?!"
Muling sinagot ni Nile ang tanong nila. "Ang stupid ng tanong mo. Malamang diba? Ano bang tingin mo kay Charlie? Babae din 'yun, tanga."
"Akala ko kasi magta-tux 'yon eh, hahahaha," pabirong tugon ni Aaron kaya binatukan na lang ulit ni Nile ang kaibigan.
Tumingin na lamang si Mason sa labas ng bintana at lihim na natawa. Naalala kasi niya kung paano nagkagulo ang kanilang pamilya nang malaman nilang mandatory ang pagtitipon na iyon. Ibig sabihin, kailangang pumunta ng bunso nilang naka-gown. Sa katunayan, umuwi pa sila Kuya Marcus at Kuya Chino upang mapagplanuhang mabuti ang isusuot ni Charlie. Balak pa ngang pumunta ng buong pamilya sa mall upang tumingin ng gown para sa bunso subalit sinabi naman nitong ang matalik na kaibigan na lang daw ang bahala sa isusuot.
"Tara Vera, tayo nalang ang mag-partner," suhestiyon ni Nile at pumayag na rin lang ang kaklase.
BINABASA MO ANG
From A Distance
Teen FictionFrom the moment his eyes laid upon her, she has started running in his mind. Curiosity must have killed the cat, but the desire to know her more drove him to uncover a myriad of secrets... Until he finally understood-- She's a lost soul chained t...