Napako ang mga paa ni Mason sa may pintuan nang makitang nakabukas na ang mga tupperware kung saan niya isinilid ang mga nilutong streetfood. Natatandaan niyang inilagay niya ang mga iyon sa ref kagabi.
His jaw clenched nang masaksihang tumusok pa si Mark ng isang kwek-kwek, isinawsaw sa sukang tinimpla rin ni Mase bago sinubo iyon.
"Uy! Para kang namatanda diyan. Tara kain," aya ni Mark na ngumunguya, bago humalakhak at nagsubo ulit ng isa pang kwek-kwek. Muling itinutok nito ang tingin sa pinapanood.
Pumikit muna si Mason at nagbilang hanggang sampu bago tuluyang pumasok sa apartment.
"Buti nandito ka?" tanong niya nang hindi nakaharap dito at padaskal na kinuha ang cellphone sa bulsa. Mabuti na lamang at hindi pa niya tinatawagan si Louie.
"May lakad dapat kaso nagcancel yung mga kasama ko kung kailan malapit na ako kaya dumiretso na lang ako dito."
"Mukhang gutom na gutom ka yata," sambit niyang hindi pa rin hinaharap ang kapatid. Mas abala siya sa paglalagay ng leash kay Lark. Habang nakikita niya kasing nilalantakan ng kuya ang pinaghirapan niyang lutuin ay tumitindi ang pagnanais niyang manuntok. He wanted a distraction.
"Oo eh."
"'Ge. Pakabusog ka ha. Lalabas lang kami ni Lark."
"Sigurado ka? Pwede ko bang ubusin 'to? 'Katamad maghanap ng makakainan eh. Si Mama ba ang nagluto?"
"Hindi."
"Hmm.. masarap. Saan mo binili?" takam na takam na wika ni Mark bago kumuha pa ng isang kwek-kwek.
Kumuyom ang mga palad ni Mason. "Niluto ko."
"Nice--"
"Ibibigay ko sana kay Louie bukas," agad niyang dagdag bago tuluyang lumabas ng bahay at narinig pa ang pag-ubo ng kapatid. Alam niyang masama subalit bahagyang gumaan ang loob niya nang mabilaukan ang kuya.
Hindi na rin naman niya hinintay na magsalita si Mark at ipininid na lamang ang pinto bago naglakad palabas ng tarangkahan kasabay ang alagang tila sabik namang makapagliwaliw. Nais rin niyang magpalamig ng ulo lalo't kung doon matutulog ang kuya niya.
Just like their other siblings, Mason disliked his brother's habit of borrowing, taking, eating or using something that wasn't his. Iyon din ang dahilan ng madalas na pagtatalo nito at ng sumunod na si Chad kahit ilang beses nang inulit ng mga magulang ang kahalagahan ng pagpapaalam o ang paghingi ng pahintulot sa may-ari.
On a normal day too, Mason wouldn't mind. But this just takes the cake.
Kahit hindi man kamahalan ang mga sangkap, ipon niya ang ipinambili niya roon. Dahil alam niyang hangga't umaasa siya sa perang pinaghirapan ng kanilang mga magulang, hindi niya maaaya ang dalaga sa mamahaling kainan. That was why he resorted to making something for her instead. What he couldn't give her using his money, he would compensate with effort.
Dahil para kay Louie iyon.
Pero iba ang kumain.
How ironic that Mark, who stressed that the time to act on Mason's feelings for Louie is now, is the same person who would ruin the plans.
Naramdaman niya ang paghila ng alaga sa tali kaya huminto siya sa paglalakad. Doon niya lamang napansing may kalayuan na rin pala sila ng narating. Hindi na pamilyar ang lugar na iyon bagamat nasa kahabaan pa rin sila ng Maginhawa Street. Alam niyang maraming kainan at coffee and milktea shops sa kalsadang iyon at mainam siguro kung doon siya humanap ng back-up plan ngayong nasa sikmura na ng kapatid niya ang mga niluto. Babalik na sana siya sa mas mataong parte nang matawag ang kanyang pansin ng isang kainan.
BINABASA MO ANG
From A Distance
Teen FictionFrom the moment his eyes laid upon her, she has started running in his mind. Curiosity must have killed the cat, but the desire to know her more drove him to uncover a myriad of secrets... Until he finally understood-- She's a lost soul chained t...