69. 'Di Inaasahan

4.8K 239 205
                                    

Napalingon si Mason sa gawi ng pintuan kung saan nagmula ang tinig na tumawag sa kanya.

Hindi pa rin iyon si Louie.

Tipid na ngiti na lamang ang nagawa niya nang lapitan siya ng dalaga. "Clarisse."

"May...kasama ka?" tanong nito nang makita ang dalawang baso ng butter beer sa mesa.

Umiling lamang siya bilang tugon. He didn't trust his own voice. He knew it would crack. Like how his heart did right that minute.

From the way she quietly looked at him and how she took the empty chair sa halip na sundan ang mga kaibigan nitong dumiretso sa itaas na parte ng maliit na kainan na iyon, batid ni Mason na hindi niya nakontrol ang sariling emosyon. He could feel his face burn and his eyes itch.

Subalit walang bahid ng pagkaawa ang klase ng tingin ng dalaga sa kanya. Pirmi lang itong nakangiti nang malumanay. "'Di mo naman sinabing mahilig ka pala sa butter beer at dalawa pa ang inorder mo."

Tumikhim si Mase to control his emotions. "Sa'yo na 'yan. Malalasing na ako sa butter beer," balik niya.

"Bakit? Nakailan ka na ba?" taas-kilay at natatawang puna ng kausap.

"'Wag ka nang maraming tanong. Iyo na 'yan," di maiwasang asik ni Mase dito.

Umiling si Clarisse at inilapit sa sarili ang baso. "Ang sungit hahaha. Pero salamat pa rin." Sumimsim ito nang kaunti mula sa baso at nag-iwan iyon ng froth sa labi ng dalaga.

Inabutan ito ni Mase ng tissue. "May..." saka sumenyas sa labi nito.

"Ano ka ba? Ganito talaga uminom ng Butter Beer 'no. First time mo ba rito?" usisa ni Clarisse at tumango naman siya, even when he was so distracted by the froth mustache. "So, hindi mo pa nalilibot 'to?"

Muling umiling si Mason. He had planned for him and Louie to tour the place that day so they could both experience everything at the same time regardless of what her decision would be. Subalit wala nang saysay iyon ngayon.

"So...hindi ka pa nagse-selfie with the background, I suppose?"

"Hindi ako ma-selfie," saad niya.

Umikot ang mga mata ni Clarisse bago ito tumayo at tinungo ang sabitan ng damit sa likod ng pintuan. Kinuha nito ang pamilyar na pula at dilaw na scarf ng Gryffindor gayundin ang bughaw at itim na scarf naman ng Ravenclaw. Hindi pa nasiyahan ang dalaga, hiniram pa nito sa kabilang mesa ang salamin ni Harry Potter bago siya binalikan nitong nakangisi.

"You're missing the point of being here if you don't take photos, Mase." Kusang ipinalibot nito ang Gryffindor scarf sa leeg ni Mason. Ipinasuot na rin nito ang malabong salamin ni Harry Potter sa kanya bago inayos ang sarili at inilabas ang sariling phone. "Game."

Napailing na lamang si Mase sa pinapagawa ng dalaga subalit hinayaan na lamang niya ito. Mabisang pang-distract na rin ang ginagawa ni Clarisse upang hindi niya paulit-ulit na isiping he probably just got rejected.

He wanted to believe in his own mantra: Never assume unless otherwise stated.

Subalit sa mga naganap nitong mga nakaraang araw, he was finding it extremely hard to stay positive. To stay hopeful.

Hope is a very dangerous feeling indeed.

Aasa pa rin ba siya?

Nagpatianod si Mason kay Clarisse na hinihila siya sa bawat bagong mesang mabakante upang kumuha pa sila ng maraming litrato. Although reluctant at first, he found the place interesting--filled with surprises at each turn. Lalo na noong pinasok nila ang maliit na kwarto sa ilalim ng hagdan. Mistulang replica iyon ng silid ni Harry. Naroon pa nga ang litrato Doby, ang pahina galing sa The Daily Prophet na nakapaskil sa pintuan ng silid na iyon. Maging ang larawan ng mga mag-asawang Potter ay nakasabit din sa dingding. Maging sa toilet ng restaurant na iyon ay nakadisenyo ng wall bricks—iyong ginamit nina Hagrid upang mkapunta sa Diagon Alley. At maging mga larawan ni Sirius Black noong nakatakas ito sa Azkaban at pinapatugis ay naroon din.

From A DistanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon