52. Pag-aalala

10.6K 345 188
                                    

Patapos na ang klase ni Mase para sa araw na iyon nang makatanggap siya ng group message mula kay Kuya Chad. Napakunot-noo siya nang mabasa ang nilalaman noon: 

From: #4.Kuya Chad
Would you know kung nasan si Prinsesa? Hindi nagrereply sa text. Di rin sumasagot sa tawag

Bago pa siya makatipa ng mensahe, sunud-sunod na rin ang reply ng iba pa nilang mga kuya.

From: #2.Kuya Chino
Bakit? Anong nangyari?

From: #3.Kuya Mark
Baka nasa kainan na naman

From: #1.Ya Marcus
Baka magkakasama sila ng mga best friends niya. Wag paranoid Chad

From: #4.Kuya Chad
May nanliligaw kasi sa kanyang classmate niya. Nagdate sila sa Hepa Lane prior to her getting confined due to amoebiasis. Kinausap ko lang pero nagalit si prinsesa

From: #2.Kuya Chino
Baka naman you're jumping into conclusions. Wag kasing padalos-dalos

From: #1.Ya Marcus
Like I said, baka kasama lang sina Louie at ChanChan

From: #3.Kuya Mark
Ayan ka na naman Chad ah

From: #4.Kuya Chad
I was just looking out for her, Mac. Anyway, pls help me contact her. Sa'kin lang galit siguro. Baka sakaling sagutin niya tawag niyo

Napabuntong-hininga na lamang si Mase at tulad ng hiling ng kuya ay tinawagan nga niya ang bunso. Subalit lalo pang kumunot ang noo niya nang hindi pa rin sumagot ito pagkatapos niyang tawagan ng limang beses. Nakapagtataka't hindi man lang magawang magtext ni Charlotte gayong hindi naman ito pumapalyang magteks sa kanila sa tuwing may lakad kasama ng mga kaibigan. Sinubukan niya rin itong iteks subalit nakauwi na siya't nakapaghilamos ay wala pa ring sagot ito.

Sunud-sunod na rin ang mga group message ng mga nakatatandang kapatid na nagbabalitang ni isa sa kanila'y hindi nire-reply-an ng bunso.

Dahil sa pag-aalala, lakas-loob niyang tinawagan ang isa sa mga matatalik na kaibigan ng bunso. Subalit tulad ng inaasahan, hindi rin sumasagot sa tawag si Louie. Gayon pa man, minabuti na rin niyang padalhan ito ng mensahe at nagbaka-sakaling nawa'y mabasa nito iyon.

To: Louie Kwok
Louie, tanong ko lang kung kasama mo si Charlotte. Di pa raw umuuwi eh. Tnx

Matagal din niyang pinag-isipang mabuti ang susunod na taong hihingan niya ng tulong bago pikit-matang tinawagan ito.

O, pre, napatawag ka? takang bati ni Nile sa kabilang linya.

"Pwede mo bang i-contact si Charlotte?" pag-aalangan niya.

Sandaling natigilan ang kaibigan sa sinambit niya. Marahil ay nagulat ito dahil minsan na niya itong kinausap na huwag munang guluhin ang bunso. Anong problema?

From A DistanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon