67. Sapio Girl

11.3K 370 486
                                    

"O, wala ka nang pasok?" takang tanong ni Chino nang umuwi ito upang mananghalian. Naabutan kasi nitong nag-aayos ng gamit ni Lark si Mason.

"Wala na po. Iwo-walk ko lang po si Lark."

"Sa Acad Oval kayo?"

"Opo. Dadaan din po ako sa CBA para tumulong sa lantern."

"Di naman makakagulo si Lark dun?"

"Di naman po siguro," kampanteng tugon niya bago tuluyang nagpaalam. Pakiwari kasi ni Mason ay malalaman nito ang buong plano niya kung hahayaan niyang magtanong ang kuya.

Hindi naman siya nagsinungaling. Ipinagpalagay na lamang ni Mason na he is trying to hit more birds with one stone-- ang ilakad ang alaga sa umaga bago tumulong sa paggawa ng parol hanggang tanghali...pagkatapos ay ibida naman si Lark sa nagbigay nito sa kanya.

Samakatuwid, hindi lamang ang makita si Louie ang kanyang pakay. Bagamat aminado naman siyang mas matimbang iyon sa lahat ng mga gagawin niya.

Tulad kasi ng napag-usapan nilang dalawa, nais din niyang makita ni Louie si Lark dahil mula nang matanggap niya ito bilang regalo ay hindi pa ito nakikitang muli ng dalaga. Maliban iyon sa isang pagkakataong nagmamadali itong umuwi at si Elay ang may hawak ng leash ni Lark sa AS steps.

Sandali lamang na pinagkaguluhan si Lark nang marating nila ang parking lot sa likod ng College of Business Administration nang pakainin at painumin niya ito. Pagkaraka ay nakatulog na rin ito sa pagkahapo dahil sa isang oras nilang paglalakad sa oval.

"Ano ba ang theme ngayon?" di maiwasang itanong ni Mason sa mga kasama nang maitali nang maayos ang alaga sa pinakamalapit na mesa upang hindi ito makawala sakaling magising.

Inaasahan niyang malaking lantern ang dadatnan nila subalit kaiba sa iniisip niyang disenyo ang kasalukuyang pinagkakaabalahan ng mga volunteers. May malaking salamin kasing isinasakay sa likod ng isang maliit na Elf truck na kasunod ang Christmas Tree. Karamihan sa mga mag-aaral ay nakaupo sa semento at abalang nagbabalot ng mga kahon na walang laman.

"Christmas in our Hearts," nakangiting tugon ni Clarisse na may suot na ribbon ng regalo sa ulo na nagsisilbing headband nito.

Kumunot ang noo ni Mase nang marinig iyon. "Bakit may salamin?"

"The idea is happiness starts from within. Kaya yung dadaanan ng truck sa parade, siyempre titingin sa salamin..."

"So, kailangan pang i-explain sa lahat ng taong madadatnan ang idea?".

"I think may ilalagay sa taas at baba nung mirror na 'Share the Joy within you' or something..." tugon ni Kier.

"Kaya rin may malaking parol na korteng puso..." Dagdag ni Patrick.

Pagkasabi noon ay may dumating na isa pang truck na dala ang framework ng higanteng parol na puso.

Napailing si Mason. It was starting to look like a Valentine's lantern than a Christmas thing. Subalit nagkibit-balikat na lamang siya at sumunod kay Clarisse na siyang nag-a-assign ng mga gawain sa mga volunteers.

"Gusto niyo ba ng kape?" tanong ni Clarisse sa grupo nila.

"Ako, kape!"

"Ako rin please."

"Merong Milo?" tanong ni Mason. Natatandaan pa kasi niya kung paanong halos lumundag palabas ang puso niya noong huling uminom siya ng kape at kasama pa niya si Louie. He didn't want another repeat today.

Pinagtinginan naman siya ng mga kasamang tila namatanda sa kanyang sinabi.

"Kung wala, ayos na 'ko sa tubig," pakli niya.

From A DistanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon