32. 'Di Kapani-Paniwala

19.9K 252 59
                                    

Wala sa huwisyo si Mason nang makauwi sila ni Kuya Marcus galing sa ospital dahil dumating na rin ang mga pinsan ni Louie upang bantayan ito habang nagpapahinga. Hindi rin naman niya nakausap ang dalaga kaya naman hinayaan na lamang niyang makatulog ito. Nawalan daw kasi ito ng malay dulot ng over fatigue.

Tinapik-tapik siya ng panganay sa balikat. “Bisitahin na lang ulit natin siya bukas. Mukha namang hindi siya malubhang nasaktan. She’ll be fine in no time.”

 

Pagkarating nila sa bahay, isa pang kaguluhan ang dinatnan nila. Himalang kumpleto na naman kasi silang magkakapatid.

“Anong okasyon?” nagtatakang tanong ni Marcus sa mga ito nang makapasok sa silid tanggapan ng kanilang tahanan.

Binati sila ng yakap ng Ina nilang si Matilda at tila naluluha pa ito. “Ang kapatid niyo, pumasa pala sa UST. Mali lang ‘yung pangalang nailagay. Buti na lang nakiusap si Chad sa Admin para tignan ulit ‘yung application form tsaka test paper ni Charlotte. Diyos ko! Akala ko, tuluyan nang hindi makakapagkolehiyo ang kapatid niyo.”

“Oo nga pala. Nasa’n na si bunso? Aba, gabi na ah. Hindi pa ba sila nakauwi nila Louie?” tanong ng Amang si Charles.

“MAGKASAMA SILA NI CHARLOTTE?” gulat na tanong ni Marcus.

“O bakit? Lagi namang magkasama ‘yung dalawang ‘yun ah,” kumento naman ni Chino.

“Kasi nasa ospital si Louie ngayon kasama si Hiro—“ pagsisimula ng panganay at malakas na pagsinghap ang bumalot sa tahanan ng mga Pelaez. Sunud-sunod na rin ang mga tanong na ibinato kay Marcus.

“Bakit? Anong nangyari kay Louie?”

“Eh, nasa’n si Charlotte?”

“Bakit kasama si Hiro? Akala ko ba si Chan-Chan ang kasama nila?”

“Tawagan niyo nga ‘yung Prinsesa! Baka napano na ‘yon!”

Sa gitna ng komosyon, saka lamang naalala ni Mason na hindi pala niya nasabi sa kanilang kasama siya sa pagliliwaliw ng kapatid at mga mga matatalik na kaibigan nito. “Ah, ano… ayos lang si Charlotte. Silang tatlo lang ang magkakasama kanina. Wala si Hiro,” pagbabalita niya at nagtinginan sa kanya lahat ng nasa tahanang iyon.

“Pa’no mo nasigurado?” kunot-noong tanong ni Mark.

“Kasama nila ako kanina,” paliwanag niya. “Bago naospital si Louie at si—”

“Eh kung ganon, nasa’n ang kapatid niyo?” kinakabahang putol ng ama nila.

Maya-maya pa ay narinig nilang bumukas ang pinto at napatingin sila sa bunsong tila binagsakan ng langit at lupa ang mukha. Nahabag naman sila sa anyong iyon ni Charlotte kaya naman hindi na nila pinagalitan ito dahil sa hindi pagsasabi kung saan nagpunta. Batid nilang apektado ito sapagkat sa limang college entrance exams na kinuha nito, inakala nilang lahat na wala siyang naipasa.

From A DistanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon