46. Pangamba

14.4K 306 237
                                    


Nakangiting lumapit si Nile kay Mason. "Dito na ako nag-aaral pero irregular student pa muna," anunsiyo nito na labis niyang ikinapagtaka.

Sa pagkakaalala niya noong dinalaw ng kaibigan ang may sakit na bunso noong nakaraang buwan, paakyat na ito ng Baguio dahil simula na noon ng pasukan. Ibig bang sabihin noon ay nagsinungaling ito? "Kailan pa?"

"Katatapos ko lang asikasuhin yung transfer papers ko nung dumalaw ako kay...sa inyo. Hindi ko masabi dahil siguradong maghihigpit ang mga kuya niyo sa pagbabantay kay Charlie."

Hindi na lamang umimik si Mason at nagsimulang maglakad habang sinasabayan ng kaibigan. Hindi na kailangang malaman ni Nile na pagkatapos dumalaw ng kaibigan ay pinabantayan ang kapatid kay Hiro. Kung isiniwalat nga nitong sa Maynila na ulit nag-aaral, baka hindi na makalabas nang walang kasamang kuya ang bunso.

"Sinusubukan kitang tawagan nung pasukan pero hindi kita ma-contact. Nagpalit ka ba ng number?" tanong nito.

Tumango si Mase subalit hindi pa rin napapalis ang pagtataka sa mukha niya. "Bakit ka lumipat?"

"Sino bang ayaw mag-aral sa UP at hiranging Iskolar ng Bayan?" balik-tanong naman ng binata.

Kaya naman mas lalo pa iyong ikinaduda ni Mase. Sa pagkakatanda niya, kaya sa Saint Louis University sa Baguio nag-aral si Nile ay dahil half-scholar ito doon. May iba pa kayang pakay ang matalik na kaibigan sa paglipat nito sa UP? "Dahil ba kay Charlie?"

Muling ngumiti ang kaibigan subalit hindi umabot iyon sa mga mata nito. "Maniniwala ka ba kapag sinabi kong hindi?"

"Nile--"

"Sa ngayon, 'yun ang totoo. Mas makakatipid kami sa gastusin. Tsaka parusa ang pag-akyat-baba kada buwan," pagppaliwanag nito. "Kaya pinilit kong maging Dean's Lister for two sems para makasigurong makakalipat ako dito."

Pinili pa rin niyang huwag umimik at hinayaang magsalita ang kaibigan. Batid niyang humahanap lang ito ng tiyempo para sa mga susunod na sasabihin.

"Bata pa si Charlie. Or should say, inosente pa masyado," pag-iiba nito. "Bukod sa pagbabanta ng mga Kuya niyo nung dumalaw ako, alam ko ring hindi pa ito ang tamang panahon para ligawan siya."

Sang-ayon si Mason sa sinabi ng kaibigan. Hanggang ngayon ay puro laro, pagkain at pag-aaral ang inaatupag ng kanilang bunso. Malayo pa ang isip nito sa pakikipagrelasyon. Isang bagay na hanggat maaari ay nais pa nilang manatiling gawin ni Charlotte sa mahabang panahon.

"Tsaka updated naman ako kay Charlie sa dami ng pino-post niya sa Facebook. Puro pagkain at anime pa rin. Mukha ring hindi naman niya napapansin yung kaklase niyang pumoporma sa kanya."

Nagsalubong ang kilay ni Mase sa tinurang iyon ng kaibigan. "May pumoporma kay Charlie?" gulat subalit kalmado pa rin niyang tanong dito. Bukod kasi sa wala siyang hilig sa social networking sites, wala namang naikukwento ang bunso sa kanila.

"Pare, sa bawat post ni Charlie, picture man o status message, may walang palyang nagla-like at nagko-comment. Kaklase niya yata sa ComSci," pagbabalita nito.

"Lalaki?"

Natawa si Nile sa tanong. "Oo pare. Hanggang ngayon ba may nagkakagusto pa rin sa kanyang babae? Sabagay, napaka-adorable nga naman ng kapatid mo. Di malayong maraming matuwa sa kanya, babae man o lalaki."

"Parang ikaw, natutuwa ka lang din sa kanya, diba?" di-maiwasang itanong ni Mase para lang mapatunayang walang malalim na nararamdaman ang matalik na kaibigan sa kanyang kapatid. Hangga't maaari, nais niyang maging malinaw ang kung anumang nararamdaman ni Nile para kay Charlotte nang malaman niya kung paano niya mapoprotektahan ang kapatid.

From A DistanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon