BONUS: PELAEZ BROTHERS AGAIN (PBA)

14.9K 394 206
                                    

A/N: Dahil natunugan niyo na…eto naman ang POV ni Sir Chad, huehuehue. Di ko alam kung bakit mas nadadalian pa akong magpasanib kina Mark at Chad kesa kay Mason. Ang humingi agad ng update… di ko na bati.

Sa nakakakilala sa may-ari ng C2 franchise/brand.. pakisabi, padalhan naman kami ni Diwata ng commission... o kaya ng libreng rasyon ng C2 dahil sa pag-e-endorse namin. Di ko rin alam kung bakit sa dinami-dami ng inumin, C2 pa talaga. Tagay pa mga peeps! hahaha

=====

Maagang na-dismiss ang practicum class namin nang makasalubong ko ang isa sa mga Komunikasyon instructors ng college department na si Grace Manlapuz. Two years ahead siya sa’kin at nagtapos bilang Summa Cum Laude kaya naman ‘di na siya pinakawalan ng Uste at doon na rin pinagturo.

Isa ang kapatid ko sa mga estudyante niya.

“Isang magandang tanghali para sa isang napakagandang binibining tulad mo, Miss Grace,” bati ko sa kanya na may kasabay na matamis na ngiti.

“Hmp, bolero,” ismid niya sa’kin pero ngumiti pa rin naman sa bandang huli.

“Ang aga mo yatang na-dismiss sina Charlotte ngayon?” tanong ko rito.

“Ah, oo. Katatapos lang kasi ng prelims nila. Pahinga muna para hindi ma-stress. Mabait ako eh,” pagbibida nito.

Oo nga pala. August na. Napakabilis nga naman ng panahon. “Kumusta naman ang kapatid ko, Binibini?” usisa ko. The best way to know how my sister is doing is to ask her teachers about her performance. Kailangan kong malaman kung may pinatutunguhan ang pagsusunog ko ng kilay para turuan siya sa maraming bagay.

“Ayos lang naman si Charlie. Nahihirapan lang talaga siya kapag may information overload. Pero nag-i-improve naman. Nandoon pa sila sa classroom kasama nung iba nilang classmates,” saad nito bago nagpaalam sa’kin.

Ayos. Madalang nalang kaming magkita ng kapatid ko dito sa Uste dahil laging conflict ang mga break time namin. Kaya nagpasya akong puntahan siya sa classroom nila at nang sabay na kaming mag-merienda. Para na rin makita kung may umaaligid sa bunso namin. Kahit kasi ganun kumilos ang isang ‘yon, the fact that one guy already dropped by the house even without intentions of courting her just yet, means that posible pa ring may ibang lalaking pumorma sa kanya. Lalo na’t hitik na hitik sa kalalakihan ang College of Engineering.

Pero pagkarating ko sa classroom nila, wala si Charlotte. Umalis raw kasama ni Martin. Hmmm. I smell something fishy. Who the hell is Martin? Kailangan kong mag-research tungkol sa lalaking ito. I don’t like the idea na posibleng may dumagdag pa kay Rivero.

Sinubukan kong tawagan si Prinsesa, pero nagsimula na akong kabahan nung hindi siya sumasagot. Saan na naman ba nagsususuot ang batang ‘yon? Don’t tell me, kasama niyang nagliliwaliw ang lapastangang Martin na ‘yon. Kasasabi ko lang na bawal pang ligawan at magpaligaw yun ah.

Kasalukuyan akong tumitipa ng group message para ma-warningan na ang mga kuya nang matabig ako ng isang nagmamadaling lalaki. “No running on the hallway—“

From A DistanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon