Sa tulong ng mga bagong kaibigan, nagsimula na ring magsalita si Mason. Subalit kapag hindi kaibigan ang kausap, mas madalas pa ring tango o iling lamang ang naisasagot niya. Sa tuwing kasama naman ang mga kabarkada sa pag-uusap at wala namang ibang masabi ang binata, mas gugustuhin na lamang niyang makinig.
Dahil rin sa kaibigang si Ray kung bakit nahahatak si Mason at ang dalawa pa nilang kaibigan upang panoorin ang mga laro ni Louie Kwok. Talagang suportado ng kaibigan ang idolo dahil nagbibitbit pa ito ng banner na hindi naman napapansin nung bata.
Minsan pa nga, habang nagkaklase sila, may nakitang papel si Mason na nalaglag mula sa kaharap na desk na si Ray ang gumagamit. Inakala ni Mason na scrap paper lang iyon kaya pinulot niya.
To Idol
Kamusta ka na? Namiss kita ah.
Galing mo talagang magbasketball.
Athlete of the year? MVP? Wow!
Huwag magpatuyo ng pawis. Ingat lagi. :)
Tahimik na napatawa si Mason bago kinalabit ang kaibigang nakaupo sa harap niya at inabot iyon. Agad namang pinamulahan ng mukha si Ray nang malamang nabasa ng kaibigan ang liham para sa idolo.
“Ano sa tingin mo, Mase?” tanong nito sa kanya habang nanananghalian sila sa canteen. “Ayos na ba ‘yung sulat?”
Sa kasamaang-palad, narinig ito ni Aaron. “Anong sulat yan? Love letter?” pang-uusisa nito at napansin nga ang isang green na sobre at hawak ng kaibigan. Hinablot nito mula kay Ray ang sulat, sandaling binasa, bago humagalpak sa tawa.
“Torpe lang?” kumento naman ni Nile na tumatawa rin habang binabalik ang papel sa kaibigan na mas lalong namula. “Bakit hindi ka na lang magpakilala?”
Wagas namang umiling si Ray. “Saka na, mag-iipon muna ako ng lakas ng loob. Pinsan niya rin sila Kurt at J at K, baka may L, M, N, O, P pa, katakot ko lang.”
Napasinghal na lamang sila Nile habang tahimik na nakikinig lamang si Mason.
“Bakit hindi mo gayahin si Nile, nagtatawagan na sila ni Charlie, nagtuturuan pang maggitara, ayieee,” panunukso naman ni Aaron at siniko-siko pa ang kaibigan.
Napatingin naman si Mason sa kaibigan, tila humihingi ng paliwanag sa tinuran ni Aaron.
“Sira, hindi noh! Nililigawan ko si Mickey diba? Kahit pa nasa Canada ‘yun, siya lang ang mahal ko, hahaha,” paninigurado pa nito. “Natutuwa lang talaga ako kay Charlie. Subukan niyo rin kayang tumawag sa bahay nila. Siya naman madalas ang sumasagot ng telepono, sigurado ako, kakantahan din kayo non!”
Tumango na lamang si Mason. Naisip niyang maganda na ‘yung malinaw. Kahit pa si Nile ang nagsabing para sa mga katulad ni Charlie, kailangan lang ng taong magpaparamdam dito na babae pa rin ito, batid ni Mason na masyado pang bata ang kapatid. Hindi pa pwedeng ligawan.
Pagkatapos nilang mag-lunch, sinamahan pa nila si Ray na ihulog sa locker ni Louie ang sulat. Halatang stalker ang kaibigan dahil kabisado talaga nito kung alin ang locker ng idolo.
Kumaripas naman ito ng takbo pati ang dalawa pa nilang kasama nang makita mula sa di-kalayuan na paparating na si Louie. Habang si Mason ay tahimik lang na naglakad. Naisip kasi niyang kung tatakbo rin siya, mas kahina-hinala iyon.
Nang makasalubong niya ang idolo ng kaibigan, dito niya napansing mag-isa lamang na naglalakad si Louie. Kaya naman mas dumami ang tanong na namuo sa isipan ni Mason nang pasimpleng sulyapan ang kasalubong.
Kung sikat ito, bakit walang kasama? Bakit napapabalitang ‘bully’ daw ito? Ano kaya ang dahilan kung bakit loner si Kwok?
Naisip tuloy ni Mason na kung magkakaroon ng pagkakataong magkakilala si Louie at ang kanyang kapatid, magiging magkaibigan kaya sila?
Simula kasi nang ipinatawag sa school ni Charlie ang mga magulang nila, hindi na ito nagkaroon ng malapit na kaibigan maliban sa kapitbahay nilang si Sebastian. Napagtanto rin ni Mason na puro lalaki na nga ang kasama sa bahay ng kapatid, pati ba naman ang kaibigan ay lalaki din?
BINABASA MO ANG
From A Distance
Novela JuvenilFrom the moment his eyes laid upon her, she has started running in his mind. Curiosity must have killed the cat, but the desire to know her more drove him to uncover a myriad of secrets... Until he finally understood-- She's a lost soul chained t...