70. Pakikiramay

6.4K 271 116
                                    

"Saan ang lakad mo at nagmamadali ka?" tanong ng kaklaseng si Kier nang makitang mabilis na nagsinop ng gamit si Mason nang madismiss sila sa klase.

"May pupuntahan lang," simpleng sagot niya bago tanguan ang mga kaibigan at tuluyang nilisan ang silid-aralan. Iyon ang huli niyang klase sa araw na iyon.

Mabuti na lang at sa AS lamang ang klase niya. Mas malapit iyon sa EEE Institute kaysa manggaling siya sa BA.


From: #6.Princess_Charlotte

Kumusta na si bespren?


To: #6.Princess_Charlotte

Papunta pa lang ako sa bldg niya


From: #6.Princess_Charlotte

Ah, ok. Bsta sbhn mo me kng mgksma na kayo ah


Ibinulsa niyang muli ang telepono. Bagamat tirik ang araw, hindi niya inalintana ang pawis na dulot ng mahabang paglalakad. It was the least he could do to sympathize with Louie's loss.

Lubhang ikinagulat ng lahat ang naganap na aksidenteng ikinasawi ng ina ng dalaga. Iyon ang dahilan kung bakit hindi ito nakarating sa The Nook. All of a sudden, Mase felt bad for not sticking to his mantra, of all the days. And now, he was going to make it up to her. In a way, it's also keeping a promise he made with Charlotte. Nakiusap kasi ang kapatid na samahan umano ni Mase ang matalik nitong kaibigan tuwing tanghalian, free period at kung maaari, maging sa pag-uwi. And he was going to do just that.

As a friend. Nothing more.

Nang makarating siya sa gusali, tinignan niyang muli ang papel kung saan niya isinulat ang schedule ni Louie bago tumuloy sa tapat ng silid-aralan kung nasaan ito. Saktong bumukas ang pinto at sunud-sunod na nagsilabasan ang mga mag-aaral.

Mula sa pintuan ay nakita niyang nakatungo ang dalaga sa arm chair nito at tila kinakausap ito ng mga kaibigan. Napasulyap sa kanya si Althea at bumadha ang lungkot sa mukha nito bago sumenyas kay Mase na pumasok din.

"I'm really sorry...may class pa kasi ako. Ayos lang ba if you look after her muna?" mahinang tanong ng dalaga at agad naman siyang tumango. "Louie, text me if you need anything, okay?"

Hindi iyon ang unang pagkakataong abutan niyang ganoon si Louie. Nang magsimula ang klase para sa bagong taon, araw-araw niyang pinupuntahan ito sa tuwing nalilibre siya. It was extremely different from the Louie Kwok who was full of life, who always smiled, and was prepared to face any challenge head-on.

In a blink of an eye, her toughness crumbled leaving an empty shell and Mason ached for her.

Nang makaalis si Althea, dahan-dahang umupo si Mason sa tabi nito. Nag-aalangan man ay tinapik-tapik niya ang likod nito. "Louie, tara...kain tayo."

Unti-unti ring umupo nang tuwid ang dalaga. Malamlam at walang buhay ang mga mata, matamlay. Saglit lamang siyang tinignan nito.

Tipid na nginitian niya lamang si Louie at nagkusang bitbitin ang mga gamit ng dalaga. "Tara?"

Tila wala ito sa sariling nagpalinga-linga, tila ba nagtatakang wala nang tao sa silid.

"Tara," usig ni Mase. Hinawakan na rin niya ang kamay nito at bahagyang hinila ang dalaga na siya namang tumayo.

He wanted to sympathize with her, ang makihati sa pagdadalamhati nito. Subalit hindi niya alam kung ano ang sasabihin, kung paano ito aaluhin. Lalo't tila ayaw nitong tanggapin ang pagkawala ng ina. Sa katunayan noong ihahatid na sa mausoleo ang mga labi ng ginang, hindi dumalo ang dalaga. Ayon din kay Kuya J, hindi sila kinakausap nito simula nang maganap ang aksidente. Kaya naman kasama nina Hiro, ChanChan at Charlotte, dinaluhan na lamang nila si Louie sa tahanan ng mga Kwok upang silipin ang kalagayan ng naulila. Pinilit na rin ni Charlotte na magpatawa subalit tila walang naririnig ang dalaga at pirming nakatunghay lamang sa bintana. Iniwasan na lang nilang ungkatin ang mga naganap ayon na rin sa payo ng pinsan nito.

From A DistanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon