Kapansin-pansin ang pagtigil ng mga pag-uusap nang pumasok si Ginoong Dalim, ang propesor para sa Philosophy 1 class nina Mason. Tinagurian kasi ang naturang dalubhasa bilang isa sa mga terror prof sa pamantasan. Kaya naman kinatatakutan ito ng maraming mag-aaral.
Sinundan nila ito ng tingin hanggang sa padabog nitong inilapag ang mga bluebooks na siyang naglalaman ng mga test scores ng buong klase. Kahit air-conditioned ang silid, hinayaan nitong nakabukas ang pintuan upang sindian ang hawak na sigarilyo. Matapos ang ilang hithit-buga at ang ilang impit na pag-ubo ng mga estudyante ay nagsalita na ito.
"You should know how severely disappointed I am by your test scores. Apat lamang ang pumasa sa pagsusulit," malamig na anunsiyo nito. "Ganito na ba ang mga estudyanteng tinatanggap ng UP? Mahihina na ang mga utak? You're supposed to be the cream of the crop! Bakit higit sa kalahati ang bumagsak sa napaka-simpleng 20-item quiz? Paano na sa final exams, ha?"
Walang nangahas magsalita habang patuloy sa paglilitanya ang propesor hanggang sa umiiling na nagtawag na ito ng mga pangalan upang ibalik ang nakakadismayang blue books.
"Pelaez, Mason."
Agad na tumayo si Mase at tinungo ang mesa upang kunin ang booklet.
Subalit hindi agad iyon ibinalik ng ginoo. Tila sinuri muna siya nito mula ulo hanggang paa bago nagsalita. "You're the only one who got a perfect score Mr. Pelaez. Would you mind telling me how you managed that gayong ang tatlo pang pumasa ay pasang-awa lamang? At ang karamihan sa mga classmates mo, hindi tataas sa pito ang tamang sagot? Did you cheat?"
"No, Sir. I just read every night," maikli ngunit kampanteng sagot ni Mase.
Bumulanghit ang propesor. "You don't look like someone who would study every night. Sa dami ng babaeng nakapalibot sa'yo sa klase..." mataman nitong tinapunan ng matalim na tingin ang mga katabi ni Mase na na ngayon lang din niya napansing puro kababaihan nga. "Ang tatlong pinakamalapit sa'yo ay mga nagsipasa rin. Which makes me think that you copied from them. Funny how good looks could be used irresponsibly. Kaya maraming kurakot sa Pilipinas dahil mula pagkabata, gawain na eh."
Kumuyom ang mga palad ni Mason. Ayaw na ayaw niyang pinararatangan siya sa isang pagkakamaling hindi naman niya ginawa. Lalo pa't may nadamay pang iba.
Tinitigan siya ng propesor at hindi naman siya natinag kahit pa pinagbantaan siya nito. "I'm watching you, Pelaez."
---
"Gago talaga 'yong si Dalim," nanggagalaiting saad ni Kier pagkatapos ng klase habang naglalakad sila patungong CASAA. "Lakas makapagbintang eh. "'Kala mo naman magaling magturo, eh lalo lang akong naguguluhan kapag ine-explain niya yung lesson, potspa!"
"Ano na naman yang nirereklamo mo? Friday na ah, dapat weekend mode na," puna ni Gwyndele nang madatnan nila itong naghihintay sa mesang madalas nilang tambayan kasama sina Clarisse at Nile.
"Pa'no, pinag-initan si Mase ni Prof. Dalim," saad ni Patrick matapos silang makaupo.
"Bakit? Paanong pinag-initan?" nag-aalalang tanong ni Clarisse.
"Sinabihan siyang nangongopya dahil siya lang ang nakaperfect nung napakahirap na quiz last meeting, tss," kwento Patrick.
"Grabe naman..."
"Sana sinabi mong simula grade school, Valedictorian ka na para nasupalpal siya," wika naman ni Nile. "Ano 'yan? Photoblogger ka na rin?" kumento ng kaibigan nang mahuli nito si Mase na kinukuhanan ng litrato ang ilang C2 Red Apple Solo na nakalapag sa mesa.
"May instagram account ka na rin?"
"Anong username mo? Ipa-follow ka namin..."
Subalit hindi niya pinansin ang mga ito. "Kanino 'to?" tanong na lamang niya sa mga ito.
BINABASA MO ANG
From A Distance
Genç KurguFrom the moment his eyes laid upon her, she has started running in his mind. Curiosity must have killed the cat, but the desire to know her more drove him to uncover a myriad of secrets... Until he finally understood-- She's a lost soul chained t...