41. Pasado kaya?

16.7K 247 173
                                    

Tulad ng inaasahan ni Mason, mas naging madali para kay Elay ang pagkabisado sa mga lalawigan ng Pilipinas kung alam nito ang posisyon ng lugar na tinutukoy sa mapa. Mas mainam pala para sa dalaga ang visual at written clues kaysa verbal. Mas madali kasing naa-associate ni Hayley ang mga lugar kapag alam nito kung saang parte ng mapa ang tinutukoy.

Magkatabi ang dalawa nang magsimula ang final exams. Laking pasasalamat pa nga ni Elay na free seating o walang sitting arrangement na itinakda ang kanilang propesor.

Habang tahimik na sumasagot si Mase, napansin niyang may hawak na colored pencils si Elay at abalang-abala sa pagkukulay ng mapa. Napansin niyang taimtim na pipikit muna ito habang tila may iginuguhit na kung ano sa hangin at pagtapos ay kukuha ng panibagong kulay upang kulayan pa ang ibang parte.

Bahagya siyang napangiti rito. Ganoon pala ang naging technique ng dalaga-ang gumamit ng color codes para sa bawat rehiyon.

Wala pang isang oras nang matapos ni Mason ang pagsusulit. Tila siya nga yata ang unang nakatapos niyon sapagkat nakatungo pa rin sa kani-kaniyang mga armchairs ang mga kaklase nila at abalang-abala sa pagsasagot. Kaya naman minabuti na niyang manatili na lamang at hintaying matapos ang katabi.

Napalatak ang lahat nang ianunsiyo ng guro na tapos na ang oras at kailangan na nilang ipasa paikot mula sa kaliwa ang mga papel nang sampung beses dahil sila-sila rin ang magche-check ng mga test papers.

Napansin ni Mase na naniningad ang katabi habang kinakagat ang mga kuko sa kagustuhan sigurong malaman kung sino ang may hawak ng papel nito.

"Ayos lang 'yan," bulong niya riyo bilang pagpapalakas-loob na hindi yata alintana ng dalaga. Saksi kasi siya sa paghihirap na dinanas ni Elay makabisado lamang ang buong mapa ng bansa. Kung hindi man mataas ang makuhang grado ng dalaga, kampante siyang makakapasa ito.

Mas lalo pang nag-ingay ang mga estudyante habang sinasambit ng guro ang mga tamang sagot.

"Pakipasa sa'kin lahat ng papel," nakangising pahayag ng guro at halos manibugho na ang mga mag-aaral.

"Patay na," nanlulumong bulong ni Elay bago ito tumungo sa mesa.

"Bakit naman?" nagtatakang tanong niya rito. Batid niyang malaki ang naitulong ng technique na ginamit nito sa pag-aaral kaya naman hindi niya maintindihan kung bakit iniisip nitong hindi ito papasa.

Nakabusangot itong tumingin sa kanya. "I got all confused with the cities in NCR. And the Filipino translations-I know I sucked. I mean, what's 'Dekada Sitenta'? And 'Panukala'?" mahinang reklamo nito.

Tinapik-tapik na lamang ni Mason ang likod nito bilang pakikiramay. Maging siya ay nagulat din sapagkat may labin-limang katagang Tagalog ang kailangan naman nilang i-translate sa Ingles.

"Lahat ng tatawagin kong pangalan ay maaari nang umuwi. Sa mga maiiwan, may make-up exam," nakangiting pagsisimula ng guro habang sinasalansan ang mga test papers sa mesa nito. "Ang pinakamataas na score ay 95."

From A DistanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon