57. Pag-aalinlangan

7.4K 324 176
                                    

"'Toy, wala kang pasok?" takang tanong ni Chino nang umuwi itong may dalang paperbags at inabutan si Mason na nasa bahay pa rin ng ala una ng hapon.

"Wala po," tipid niyang tugon habang tinatalian si Lark ng walking leash. Ilang araw nang inaabangan ni Mase si Elay sa paaralan at araw-araw na rin niyang dala ang regalo upang ibalik iyon, subalit ni minsan ay hindi niya nakita ang dalaga. Ngayong Huwebes ay umaasa sana siyang makita ito sa klase subalit kinansela naman iyon ng kanilang propesor.

Magkagayon ma'y nagpasya pa rin siyang pumunta sa campus kahit wala siyang klase. Nagbabaka-sakaling sa pagkakataong iyon ay makita na niya si Elay at maisauli ang regalo nito. Gagamitin na lamang niya ang pagkakataon upang maipasyal din si Lark sa palibot ng acad oval.

"Nga pala, baka hindi ako makauwi sa Sabado ha. May date kami ni Ate Llana mo,” masayang saad nito at mababanaag sa anyo nito ang pagkasabik sa paglabas kasama ng kasintahan. “Uuwi ka ba sa bahay?”

Bahagyang natigilan si Mason. Sa pagkakaalala niya, sasamahan niya si Louie sa business launch sa darating din na Sabado. Subalit wala pang sinasabi ang dalaga kung matutuloy nga ba iyon o hindi. “Hindi ko pa po alam.”

“Ah okay. May nag-aya raw kay Prinsesa sa isang formal event sabi nina Chad at Mac. Mukhang magga-gown ulit. Kung uuwi ka, paki-picture-an sana nang makita ko rin,” natatawang paalala nito.

Ikinagulat naman iyon ni Mason. Batid kasi niyang mahigpit ang dalawang sinundang kuya sa bunso at hindi basta-bastang papayag na sumama sa kung sino-sino lamang. Si Sebastian kaya ang nag-aya? Si Hiro? O si Nile? “Buti pumayag sila? Sino ba ang kasama niya?”

“Ewan ko ba. Henry Wang daw. Atenista tsaka pinsan nung friend daw niya sa UST. Sira ulo kasi yung kambal-tukong Mac at Chuck. Masyadong na-excite na makitang naka-dress ulit si Charlotte, kasehodang ‘di pa kilala ang kasama,” iiling-iling na saad nito. “Kung wala kang gagawin, papabantayan ko sana sa’yo.”

“Ah, meron po eh,” agad na pakli ni Mase.

“Ano ba ang gagawin mo?” nagdududang balik-tanong ng kuya.

Group… project po,” palusot niya at seryosong itinuon ang atensiyon sa paglalagay ng inumin ni Lark sa bag. Huli na nang mapagtanto niyang nagamit na niya ang palusot na iyon noon. Pasimple niyang tinignan ang nakatatandang kapatid na hindi na umimik...

At nakitang dahan-dahan nitong inilalabas ang ilang bago at pormal na damit mula sa paperbag. “May pabango ka ba? Pahiram naman ako sa Sabado,” tanong nito maya-maya.

Naalala ni Mason ang regalo ng kababatang si Chan-Chan. “Nasa bahay po.”

“Ha? Bakit nasa bahay? Hindi mo pa ba nagamit kahit minsan?” paninigurado ng kuya kaya tumango naman siya. “Ang pabango, ginagamit. Hindi dini-display. Bakit ka pa bumili kung hindi mo naman pala gagamitin?”

“Binigay lang po.”

“Binigay pa pala,” iiling-iling nitong kumento. “‘Toy, people give you stuff because they’re expecting you to use what they gave you. Hindi naman kailangang madalas na gamitin. Subukan mo lang kahit minsan. Para kapag tinanong kung nagustuhan mo yung regalo, alam mo kung ano’ng sasabihin. It’s a little offensive kapag nalaman nung taong ‘di mo pinansin ‘yung binigay nila.”

From A DistanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon